"Sir, working student po ako." Paliwanag nya.
Hindi nagsalita si Mr. Davids. Nakatingin lang ito sakanya habang salubong ang dalawang makakapal na kilay. Ang makakapal niyang kilay na nagdadagdag ng karisma niya.
Walang anumang salita ang nagmula sa propesor kaya naisipan niyang MAS ipaliwanag pa. "Kapag po wala akong klase, pumapasok po ako sa isang grocery store." Paliwanag niya, "Bago ang klase nyo sir, 2 hours ang vacant ko kaya dumidiretso na ko sa pinagtatrabahuan ko. Kesa naman po tumunganga lang ako sa tagal kong maghihintay ng klase nyo. Hindi ko rin naman po pwedeng baguhin ang sched ko. Kaya pumapasok nalang po ako sa part time job."
Huminga ito ng malalim. Inaabangan niya ang anumang sasabihin pa nito. Pero wala. Mukang na-speechless niya si sir.
"Kaya sorry po kung madalas po akong malate sa klase nyo. Pinipilit ko naman pong makahabol sa takdang oras eh. Sadyang madalas lang po talagang wala akong masakyang tricycle kasi naman ang chuchoosy ng mga driver dito." Dagdag pa niya. "Saka tinatanggap ko naman po yung parusa eh. Wala po akong tinatakasan sa mga parusa ninyo sakin. Lahat po yun gin-"
"Bumalik ka na sa klase."
Natigilan sya sa biglang pagsingit nito sakanya, "p-po!?" Hindi niya alam ang tamang reaksyon. Mukang nanunuod sa kanya ngayon ang langit.
Ibig sabihin ba nito, wala syang parusa? Naawa ba sakanya si sir? Palihim siyang nangiti sa mga naiisip niya. Kailangan lang palang artehan nito eh. Now she knows the technique.
"Bumalik ka na sa klase at pagkatapos ay maglampaso ka sa tapat ng office ko. Lagyan mo na rin ng floor wax, ibunot mo. Kailangan makintab. Yan ang parusa mo." Dagdag pa nito at saka na tumayo.
Nakanganga naman niyang tiningnan lang ang propesor nyang lumakad na patungo sa pinto ng office nito. Akala nya dininig na sya ng langit. Maling akala nanaman pala. Huminto ang lalaki ng mapansing hindi tumatayo si Shaira sa kinauupuan at nananatili lang doong nakanganga.
"Ms. Filemon?" Tawag nito sakanya.
Nagising naman sya sa tawag na iyon. "Sir, yes sir!" Napatayo sya at napatingin sa gurong naghihintay sa pintuan.
"Nganganga ka nalang ba dyan?"
Nang maunawaan ang nagaganap ay mabilis niyang sinukbit sa balikat ang bag nyang gamit nya pa nung high school sya at lumakad na rin palabas ng silid. "Lalabas na sir." Aniya.
"Look oh! Naglalampaso nanaman ang repeater." Narinig niyang sabi ng isang estudyanteng dumaan sa harap nya habang nagmamop sya ng sahig sa tapat ng office ng propesor.
"Eh pano kasi graduating nalang tayo, sya sophomore parin hahahahah!" Sinundan pa ng nakakainsultong tawa ng kasama nito.
Kilala niya ang mga iyon. Kaklase niya yung mga yun noong nakapasok siya noong unang semester ng una niyang taon sa kolehiyo apat na taon nang nakakalipas. Noon pa man, ganon na sila kaya hindi na lang din niya pinapansin. Mas mai-stress lang sya kapag inintindi nya pa ang mga sinasabi nila.
Nagpatuloy lang sya sa paglalampaso na parang walang naririnig na bulungan ng mga estudyanteng napapadaan sa kanya. Totoong nalungkot sya pero hindi ibig sabihin nun hihinto na sya. Bakit ba? Para sa kanya naman ang ginagawa nya at hindi para sa kanila.
Nang mag angat sya ng paningin ay napansin niyang kakapasok lang ni Mr. Davids sa loob ng office nito. Nakasandal sya kanina sa pinto ng office niya habang magkakrus ang mga kamay. Nakita at narinig kaya nya yung kanina? Hinihiling ni Shaira na sana ay hindi. Ayaw nyang kaawaan siya ng sinuman kahit pa ng sarili niyang propesor.
Kinuha na niya ang floor wax sa loob ng silid at saka na ikinalat sa sahig yun. Aktong pupunasan na niya ang sahig nang agawin naman sakanya ng makulit nyang kaklase ang ang hawak na basahan.
BINABASA MO ANG
Bitter Chocolate [Completed]
General FictionNapakalupit ng mundo. Hindi ko inakalang ganito pala kalupit ang mundo. Sana hindi nalang ako nabuhay. Pero sa kabila ng matinding pait na hatid ng mga pagsubok ng buhay, makakatikim din pala ako ng tamis. Matamis na pagtrato. Matamis na pagmamahal...