chapter 8 - Surprise

6K 85 0
                                    

Ashley's POV

6am palang ng mag-alarm yung cp ko. Hayss, ang bigat ng balikat ko. 1am na nakatulog dahil sa pagrereview at kinausap ko pa kasi ang mama at papa ko.. Tsk, feeling ko, nakalimutan ko lahat ng nireview ko kagabi. Aish! nakakaasar. 

Tapos mas mukha pang excited si Roy kesa sakin sa surprise nya.

**FLASHBACK

**Text message recieved

Fr: Roy Cruz

"Galingan mo sa pagreview, ah! Dapat makapasa ka para sa surprise mo! Goodluck!"

Hay naku! Mukhang mas excited pa 'to, ah. Di ko na nga rereplayan "to magrereview nalang ako.

**FLASHBACK ENDS

Makapagkape nga muna. At itatry ko mag-scan pa ulet. Sana naman madali lang ang exam na ginawa nya. Nacucurious din ako sa surprise nya. At tsaka infairness, ah. Nagsusurprise sya sakin kahit di pa kami masyadong nagkakasama at nagkakakilala. 

6:45 na ng matapos akong mag-ready. I need to be going na. Baka sungitan nanaman ako ng asungot na yun!

Sa office.. Ayan nanaman ang mga energetic kong tauhan na grabe sa kahyperan kung bumati.. Pero kailangan ko ng magmadali. 7am na. Shit! Nagsabi nalang ako sa kanila ng isang malakas na "Hi!" haha, para di naman ako masabihan na dedma.

"Goodmorning!" Bati ko kay Roy

"You're 3 mins late!"

Grabe naman 'to. 3 mins lang, eh. Counted pa ba yun? Sa school nga, 15 mins ang grace period, eh. Sakanya wala. Napaka talaga netong lalakeng 'to! 

"Wala kana sa school para magkaroon pa ng grace period!" Sabi ni roy

Teka, mind reader ba sya? Panu nya nalaman mga naiisip ko? Hmpp! 

"3 mins lang naman, eh. Wag ka ng masunget. Ready na ko itake yung exam ko." Ngiti na sagot ni ashley sabay peace sign 

Ang sunget talaga neto. Basta nalang inabot sakin yung papers na 5 pages din siguro. Eto na yung exam ko at umupo ako dun sa may isang table sa office nya. Napakaseryoso nya sa ginagawa nya. Parang mangangain ng tao kapag inistorbo mo sya sa ginagawa nya. 

Nang matapos ko ang exam. Mga 2 hours ko din cguro sinagutan. Syempre sinisigurado ko rin ang mga sagot ko. Medyo madali rin naman. Haha, sisiw!

"Tapos na ko!" Sabi ni ashley

"Akin na!"

"Ano? Pasado ba ko?"

"Kakapasa mo lang diba? Nacheckan ko na ba?" Sagot ni Roy na pabalang

Hmpf! Sunget neto sarap hambalusin, ah! Makalabas nga muna. 

"San ka pupunta? Sabi ni roy

"Sa labas. Makikipagusap muna ako kay claire habang chinecheckan mo yung paper ko."

"Hindi pwede, dito ka lang. Ikaw muna gumawa netong ginagawa ko para macheckan ko yung paper mo. Tapusin mo yan."

Aish! Leche talaga 'tong lalakeng 'to. Somosobra kana, ah. Imbis na sumagot pa ko, ginawa ko nalang ang pinapagawa nya sakin mga paperworks. Habang sya ay chinecheck ang exam ko. 

"Oh, tapos na ko. May ipapagawa ka pa ba?"

"Good! ishutdown mo na yang laptop tapos sumunod kana sakin sa parking lot." Sabay kindat kay ashley 

May PMS ba yun? Kanina ang sunget-sunget tapos ngayon, biglang nangingindat. Sira ulo talaga yun, teka, pasado kaya ako? San nanaman kaya kami pupunta nun? 

I will always love you (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon