chapter 12 - With her..

5K 54 0
                                    

ALFIE'S POV



Andito na kami ni unice sa Cebu. Nagcheck-in kami sa isang hotel na may dalawang room. Syempre lalake parin ako and ayokong magtake-advantage nanaman sakanya. Makulit pa naman 'tong babaeng 'to. Mahilig magdidikit. Kaya okay na yung ganto lang kami. Ayokong ma-involve sakanya o kaya sa buhay nya. Hanggang kaibigan lang talaga tingin ko sakanya at alam nya yun..

Pero susubukan kong maging maayos ang pakikitungo ko sakanya at namin sa isa't-isa. Gusto ko narin maging masaya ulet nang ako lang muna. Gusto ko ihanda yung sarili ko sa pwedeng mangyari sa future. Hindi parin naman ako sumusuko para kay ashley, eh. Mahal na mahal ko parin sya pero sadyang kailangan kong maging mamatag ngayon at magpalakas ng loob sa lahat ng pwede kong malaman at makita about sa kanilang dalawa nung lalaking yun. 

Nagpunta na ako sa mga meetings ko. At iniwanan ko muna si unice sa hotel para makapagpahinga. Kasi alam ko pagod din yun sa byahe. Tsaka nilutuan ko sya ng soup para naman may mahigop sya paggising nya. Namumutla kasi nung makarating kami dito. Hindi ata sanay sa mga provincial sites. Masyado kasing sosyal yan, eh. Kaya ganyan.. 

Nang matapos ako sa meetings ko. Dumerecho na akong hotel para makapagpahinga rin.. Nakita ko yung bowl na nasa lamesa. Ganun parin ang nakatakip at parang hindi nagalaw. Tinignan ko at tama nga. Hindi pa sya kumakain at gumigising simula kanina. Sinilip ko sya sa kwarto nya at nakita ko syang namamaluktot at parang nanginginig. Sarado naman ang aircon, eh. 

"Ang init mo unice! Sandali, dyan ka lang babalik ako." Sabi ni alfie nung pagkahipo nya sa noo ni unice

Saan ba may boutiques ng meds dito? Hindi ko pa naman kabisado dito. Kailangan makainom ni unice ng gamot.. Ayun buti nalang, maeron dito sa baba ng hotel... Nang makabalik ako sa taas. Pinainit ko ulet ang soup na ginawa ko at nilagay ulet sa bowl para makahigop si unice at mainitan ang tyan. Tsaka ko papainumin ng gamot..

"Unice, gising ka muna. Upo ka. papahigupin kita ng soup." Sabi ni alfie

"Hmmm. Ang bigat ng katawan ko at ang sakit ng ulo ko." sagot ni unice

"Wag ka ng magalala. Higop ka muna neto tapos papainumin na kita ng gamot mo at ng hindi na sumakit yang ulo mo at gumaan na pakiramdam mo. "

Tumango nalang sya sakin at sinubuan ko sya ng soup.. At pagkatapos pinainom ko narin sya ng gamot.. 

"Magpahinga ka ulet para umepek na yung gamot." Sabi ni alfie

"Thank you. Pwede bang dito ka lang sa tabi ko?" 

"H-ha? A-ahh, o-osige." 

Humiga ako sa tabi nya at humiga sa mga dibdib ko. Naalala ko nanaman si ashley. Sya lang ang mahilig humiga saakin ng ganto. hayss. Pero hindi. Si unice ang kasama ko. At malamang dun na sya humihiga sa dibdib ng lalaking yun. Ugh! Hindi. Ayoko na muna syang isipin. I need to be strong. 

Nakaidlip narin pala ako. Hindi ko namalayan. Ganun parin ang pwesto namin ni unice walang nagbago. Parang bigla akong nagutom. Inalis ko ang ulo nya sa dibdib ko at umalis sa tabi nya. Kinumutan ko muna din sya. Makabili nga ng pagkain sa baba.. 

I will always love you (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon