chapter 10 - Moving on..

5.3K 63 0
                                    

Alfie's POV

Ang sakit ng ulo ko.. Nagulat nalang ako ng nagising ako na nakahubad ako at boxers nalang ang suot ko. Ugh. Hindi ko na maalala ang nangyari kagabi. Ang alam ko lang umiinom kami ni alex at nagkekwentuhan kami about sa kumag na yun na umaaligid kay ashley. 

Napakasakit para sakin. Hindi ko matanggap na iba na ang gumagawa ng mga dapat ginagawa ko para kay ashley bilang isang boyfriend. Parang natapakan ang lahat ng pride ko ng makita kong masaya na sya sa ibang lalake dahil sa sakit na dinulot ko sakanya. Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat, eh. Kung sinabi ko sakanya ang totoo baka kahit LDR kami ngayon, eh makakayanan pa namin pero hindi. Ang tanga-tanga ko. 

May mga luha nanamang tumutulo sa aking mga mata. Sa pagaakala ko na hindi magagawa sakin ni ashley na ipagpalit ako sa ibang lalake. Pero ano nga naman ba ang magagawa ko

? Kundi tanggapin nalang ang katotohanan na wala na sakin ang pinakamamahal kong babae. Sigurado ako ngayon, na ginagawa lahat ng kumag na yun maging masaya lang si ashley. Nakakalimutan na nya siguro ako.

Teka pano nga ba ako nakarating dito sa condo ko? Tss. Imposible namang hubaran pa ko ni alex ng ganto kung sya ang naghatid sakin diba? Pero wala na kong pake ang mahalaga buhay pa ko. Ngayon nlang ulet ako nakaranas ng ganitong hangover. Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak. bakit kasi hindi ako pinigilan neto ni alex, eh. 

"Hi, goodmorning. Nagdala ako ng coffee. For sure, you want this." Sabi ni unice

Lahat ginagawa ni unice mapansin ko lang sya. Bakit nga ba hindi nalang si unice? Aish! Pano naman si Ahsley? Sya ang mahal ko.. Sya lang ang gusto ko makasama habang buhay. 

"Thank you. Just put it there. Ikaw ba naghatid sakin kagabi?" Sagot ni alfie

"uhh. Yes."

"Hinubaran mo pa ko?"

"A-aah. No. Uhh, yes. Kasi Nasukahan mo yung damit mo. Hanggang sa slux kaya hinubaran kita." 

"May nangyari ba saatin?"

Hindi sya sumagot. May nangyari ba samin? Hindi pwede. Lasing pa naman ako, hindi ko alam ang mga ginagawa ko.. 

"Unice? Bakit hindi ka makasagot?"

"A-aahh, yes. May nangyari satin." 

Nabigla ako sa sagot nya. Shit! Hindi pwede 'to. 

"I-i'm S-sorry." paumanhin ni alfie

"It's okay." Tipid na sagot ni unice.

**Calling Dad

"Anak asan kana ba? You'll have a meeting with the suppliers. You need to be here." 

"Uhmm Yes dad, i'll be there. Don't worry."

--------

Unice's POV

Magigising na sya. Dalhan ko kaya sya ng coffee. Yeah right. 

Kahit ano talagang sakit ang idulot sakin ni Alfie, eto parin ako. Why am I so desperate? Hmm. Desperada na ba talaga ako? tss. Pero this is the only way para makuha ko si alfie. Ang ipagsiksikan ang sarili ko sakanya.. 

Tama nga ako gising na sya. At tinatanong nya kung may nangyari samin. Oh my god.. Anong sasabihin ko? Pag sinabi kong wala, magiging ganun parin sya sakin. Pero pag sinabi kong meron, baka sakaling mag-iba sya sakin.. Tinanong nya ako ulet. At sinabi kong oo. Nag-sorry sya sakin at parang hindi makapaniwala.. 

"Pupunta ka na ba ng office? Sama na ako sayo." Sabi ni unice. 

"Okay just wait for me there. Maliligo lang ako."

I will always love you (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon