Chapter 3: Heartrob

214 7 0
                                    

Shana's POV

Panibago nanamang araw, nakapasok nadin kami sa school ng di na le-late ngayong araw.

Gardening ang first subject namin kaya pumunta kami sa Garden kung saan ay malapit ang tennis court para tingnan ang mga alaga naming halaman.

Habang nasa garden kami, nasa tennis court naman ang 1st yr class.

nakikita ko si gongchan mula sa pwesto ko at sya na ang naglalaro.

Habang naglalaro ito ay nagtitilian ang mga babae at kanya kanya ang pagpapapansin kay gongchan, naririnig ko din ang usapan ng mga kaklase ko tungkol sa kanya. Parang mga ewan abg babae sa pag abot ng tubig at towel kada break ng laro.

"Sikat nga sya~! kaya sigurado playboy to, ah! nevermind" sabi ko sa isip ko at bumalik na lang sa halaman ko.

Mga ilang segundo ay pinapabalik na kami ng Classroom after i-check ang mga halaman namin.

Naglalakad kami ng bigla ako tawagin ni gonchan. Medyo nakakahiya yun lalo na at nakatingin lahat ng babae sa kanya.

"Noona! para sayo~!" sabay hagis ng bola para i serve

Di ako tumingin para di ako titigan ng mga estudyanteng babae at di mapagkamalan na ako yung tinatawag nyang noona kaya lalo nagtilian yung mga babae nung narinig nila yung Noona na lumabas galing sa labi ni gongchan. Inisip nila na para sa kanila yun.

Bumalik na kami sa klase at napag usapan namin nina Sandeul at Baro si Gongchan kasi di namin alam na ganon sya ka sikat. kaya pala ganon nalang ang tingin sakin ng mga babae nung inabot nya sakin yung band aid dati.

Usapan Namin sa Classroom~

"Grabe may mas sikat na pala sakin ngayon sa WM school" pabiro na mayabang na sabi ni Baro

"Mas cute padin ako noh. Bunny di ka man lang ba tinamaan o nag ka crush kay gongchan? lahat ng babae nagkakagulo sa kanya ah" inis ni Sandeul

"Hoy! Hoy! Hoy! Kayong dalawa.. Mas sikat kaya ako dun, ako ata ang pinaka cute sa school natin, dami ko kayang stalker, hahaha syempre joke" pabiro na ganti ni Shana

"Eh teka pano nga ba kayo nagkakilala nung Gongchan?"-Baro

"Oo nga, lagi ka naman namin kasama pero kahapon lang namin sya nakilala" -Sandeul

"Kahapon ko lang din yun nakilala, si Gongchan nagbigay nung band aid ko"-Shana

"Wow Shana, swerte mo ah, ikaw lang ang babae na nilalapitan ni Gongchan kasi masyado sya mailap sa babae" singit sa usapan nila ni Gianne na kaklase din nila

"Gianne kilala mo si Gongchan? -Baro

"Oo naman! sino ba di nakakakilala sa kanya eh anak sya ng may ari ng school natin" -Gianne

nagulat ang tatlo sa narinig

"ah~ kaya naman pala sikat" -Sandeul

"Di din dahil dun. Matalino kasi sya, gwapo, mayaman, gentlemen, ideal type ng mga babae at perfect man na ata. hay~" -Gianne

"Ideal type? Bunny bakit parang ikaw lang kanina yung di tumitili na babae?" -Sandeul

"wala lang akong pakelam, madami na sya babae mamili nalang sya dun di ko naman type yun" -Shana

"Sabi na nga ba tomboy ka eh" -Baro

"hahahahaha~" tawa ni Sandeul at Gianne

"Bahala nga kayo" sabi ni Shana sabay alis papalabas ng Classroom

"Uy Bunny Di naman to mabiro oh" -Baro

Shana's POV

Lumabas ako ng classroom dahil ako nanaman ang napag tripAn ng dalawa

Pumunta ako sa likod ng school na kung saan ay may fountain na maliit at di na gumagana. Dito ang tambayan ko para mapag isa kase wala masyadong tao dito.

Pero sa tuwing pumupunta ako dito ay naaalala ko yung lalaking pinahiya ako sa harap ng mga kaibigan ko pati narin sa ibang istudyante nung sinabihan ko sya ng crush ko sya. Dito ko kasi pinagtapat sa kanya yun noon, pero nung panahon na yun grade 3 pako marami pang mga istudyante ang tumatambay dito kaya nakakalungkot na tumahimik na at napakadumi na sa likod ng school.

Dahil wala akong magawa. Pinagdadampot ko ang mga kalat at winalisan ito ng may naramdaman akong papalapit na tao sa likod ko.

nahampas ko ito ng walis tingting at napaupo sa lakas ng pagkakahampas ko.

tumingin sya sakin at nagulat ako pag tingin ko sa kanya

"Shana?" banggit sa pangalan ko ng lalaki

nagulat ako dahil di ako makapaniwala na kaharap ko si Jinyoung na 1st crush ko nung Grade 3 na pinahiya ako dati kaya di ako nakapag salita

"Naaalala mo pa ba ako?" tanong ni Jung Jinyoung habang nakangiti at tinitigan ako mula ulo hanggang paa

Tropa Kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon