Dear reader pasensya na talaga sa katamaran ko :)) ita-try ko pa na mas mabilis mag update next time pero still thank you!!! sorry din sa mga wrong grammar, spelling, sentence.. wala nang time para i check eh XDD thank you sa mga nagcheer!!! HWAITING!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Papasikat na ang araw ngunit tulog pa ang mga babae na sama samang natutulog sa isang kwarto at maaga naman nagsigising sina Jinyoung, Gongchan, Baro, at Sandeul na magkakasama din sa iisang kwarto. Maaga silang nagsibangon kumpara sa mga babae.
Nag ja-jogging sina Baro, Sandeul at Gongchan habang si Jinyoung naman ay tumulong sa pagluluto ng umagahan sa mga kasambahay.
Jinyoung's POV (Konting flashback)
Alas tres palang ng madaling araw ay gising na ako. Napasilip ako sa binta para tingnan ang mga bitwin ng mapatingin ako sa baba at nakita ko na nakaupo si Shana sa may bench seat malapit sa garden.
Natuwa ako ng makita ko sya. Tinititigan ko nanaman sya ng di nya alam. Gusto ko talaga sya, seryoso ako sa kanya, di ko lang masabi ng diretsyo ng hindi pabiro kasi tingin ko at ng iba ay corny, baka pati layuan nya nanaman ako.
Bumaba ako para kausapin sya
habang pababa sa hagdan ay papasalubong naman ito papaakyat
"Uy Shana" Ngiti ko sa kanya habang tinatawag ito
"Oh fox! bakit gising kapa?" -Shana
lumapit ako sa kanya at hinigit ko ulit ito papuntang bench seat
"Nakita kasi kita na nakaupo dito kanina kaya bumaba ako para samahan ka tapos aalis kana, napaka mean naman ata nun saken" paliwanag ko sa kanya
"Ah ganun ba? di kasi ako makatulog" matamlay na sabi nito sakin
"Alam ko na kakantahan nalang kita para makabawi naman ako sa mga kasalanan ko sayo" sabi ko para matuwa naman ito
"Wala ka naman kasalanan" nang dugtungang ni shana ang nabanggit ko
"Ako naman yung nagsabi nung nararamdaman ko noon, eh kung yun yung nararamdaman mo at gusto mo sabihin. Pareho lang natin pinakita yung nararamdam natin kaya wala kang kasalanan" -Shana
Katahimikan ang nabuo sa paligid namin ng marinig ko yun. Hindi ko alam kung bakit sya ganito pero sa kagustuhan kong mapangiti ito ay sinayawan ko ito bigla ng Sprout Dance
"Bunny!" Sigaw ko sa kanya sabay sayaw ng Sprout dance
"Hahahaha" tawa ni Shana sakin
Nahihiya ako pero wala nako pakealam basta mapatawa ko sya kahit ang bakla ko talaga sa sayaw na to. Huminto ako sa pagsayaw at umupo sa semento sa tapat ni Shana
"Shana pakinggan mo nga yung ginawa kong kanta, sabihin mo lang kung maganda" -Ako
Lighten Up/Smile ang title ng kantang ito at sa kanya ko una ipinarinig ang kantang to
"Wae jakku ureo saramdeuri bojanha, Nugunga nareul bomyeon nappeun nom gatjanha
Gogaereul deureo nae mareul jom deureo bwa, Joheul ttaen haengbokhal ttaen jeoldae uneun ge anya, Nacheoreom useobwa da bojanha~" kanta na ginawa ko para sa kanya sa malambing na tonoHabang kinakanta ko ang kantang ito ay unti-unti akong lumalapit sa kanya mula sa kinauupuan ko hanggang matapos ang kanta at lumuhod sa harapan nito
Ang lapit ko sa kanya,magkatapat lang ang mga mukha namin sa isat isa, di ko alam ang gagawin ko. nakatitig ako sa mga mata nya habang nakatitig din sya sa mga mata ko, napatitig din ako sa mga labi nyang mapula habang napapalunok ako ng laway. Gusto ko syang halikan. Papalapit na ang mga labi namin dalawa ng naisip ko na mali ang ginagawa ko. Bigla ako tumayo
"nako! Shana umaga na pala hindi ka pa nga pala nakakatulog" biglang sabi ko dito
"Ah, oo nga" putol putol na sabi nito sa akin at biglang tumakbo pabalik ng kanilang kwarto
4:30 AM na at masyado padin maaga kaya nag jogging muna ako ng 30 minutes
Shana's POV
Nakakainis na gabi feeling ko pinagtutulungan nila ako. naalala ko nanaman sina mama at papa. Sana buhay nalng sila kasi gusto ko na sila mayakap miss na miss ko na sila.
1AM hanggang 3AM punong punong nang kung ano ano ang isip ko, habang nakikinig ng kanta ng Ikon ay unti unting tumutulo ang luha ko ng di ko namamalayan. Gabi gabi nalang ata ako umiiyak kasi gantitong oras lang ako nakakapaglabas ng sama ng loob ng walang nakakakita sakin.
Biglang nawala yung Music kasi na deadbat phone ko kaya naisipan ko nang bumalik sa kwarto para magpahinga pero nasalubong ko naman si Fox at hinila ako pabalik sa bench chair.. medyo nainis ako kasi balak ko na magpahinga pero di nako nakapalag kasi nanghihina nako.
Nagulat ako ng kinantahan nya ko kala ko hahalikan nya talaga ko kaya nakakahiyaaaaa >_<
'Bat ba kasi pumikit ako >_<!! babo babo, shana babo' hampas sa ulo sabay tumakbo nako papalayo at bumalik sa kwarto
7AM ng umaga~
sa wakas gising na ang lahat.
umupo na ang lahat sa harap ng hapagkainan na inihanda ni Jinyoung~
masayang nag uusap ang lahat samantalang ako ay naka baba ang ulo at nahihiya parin sa nangyari kanina~
tinititigan ako ni jinyoung kaya di ako mapakali
"Baro Hintayin nalng kita sa labas" nagmamadaling alis ko
"Pero shana di mo pa nauubos pagkain mo" sigaw ni baro habang mabilis akong lumalakad papalayo sa kanila
After ng ilang minuto ay nagsilabasan na sila at isa isang sumakay sa kotse ni Gongchan, samantalang naiwan naman si Gongchan at Jinyoung naglalaro ng PS3, lumuwang ang pakiramdam ko ng nalaman ko na di ko makakasabay si jinyoung
papaalis na kami pero
"ay! manong manong! sandali naiwan ko phone ko sa kwarto" hinto ng kotse at takbo ko pababa para kunin to ng maabutan ko sa kwarto si jinyoung hawak ang phone ko.
pumasok ako para kunin to sa kamay ni jinyoung ng mabilis na lumapit ito at sinara ang pinto
napasandal ako sa pader sa paglapit nito at hinarangan nya ang dalawang kamay nya
"Mahal din kita matagal na" gulat ko sa narinig ko kay jinyoung sa seryoso ang mukha
Magsasalita palang ako ng bigla nya ko halikan
di ko na napigilan ang nararamdaman ko at ginantihan din ito ng halik
~~~~~~~~
Puro kalandian hahahahaha... thanks for the support readers XDD
BINABASA MO ANG
Tropa Kong Baliw
RomanceFor all BALIWs Fangirls and Fanboys especially BANAs.. romantic comedy~