Medyo boring yung unang part dito pero gaganda yan pag nagkita si ano at ano hahahahahahaha sorry na di ko na update :3
____________________
Yunhyeong's POV
Gaya ng hiniling ko naging masaya ang buong taon ko dito sa WM. sina Shana ang nakasama ko at nalaman ko din na may hilig sa pagkanta ang tropa, magaling kumanta si Sandeul, magaling mag Rap si Baro, at marunong naman mag piano si Shana kaya bumuo kami ng banda..
Bale dalawa na ang banda na kasali ako IKON at BANADA..
After 2 years~ Christmas Eve
Yunhyeong's POV
masaya kong sinalubong ang pasko at bagong taon, hanggang sa matapos ito ay nakasama ko ang mga tropa ko at pamilya ng bawat isa na naging magkakasundo nadin sila.. perfect na talaga lahat si Shana nalang ang kulang dalawang taon ko na sya nililigawan pero lagi nalang akong basted. May binanggit sakin sina Baro na yung Jinyoung daw hinihintay ni Shana tapos isa pang sagabal at karibal ang tukmol na tuta na kilala ng lahat sa pangalang Gongchan..
ilang months nalang ay gagraduate na kami.. pero may performance pa kami ng bandang BANADA this february at sa april na yung next. samantalang mas marami naman ang schedule ko sa IKON..
Shana's POV
Ilang months pa ay nakatapos na din kami.. at magka college na. di ko parin alam kung anong course kukunin ko. pero bago yun ay may farewell ball party kami after graduation.. aatend lahat kahit sino basta naging istudyante ng WM.
After Graduation~
Baro's POV
Mamaya na ang farewell ball party, si Haru ang Muse ko, kaya sinabi ko kay Shana na susunduin ko si Haru at sabay na pupunta sa party.. samantalang sama sama naman sina Shana, Gianne, Sandeul, Yunhyeong, at Gongchan..
Shana's POV
Ayus na ayos na kaming lahat sakay gamit ang kotse ni gongchan ay dumiretsyo na kami sa party..
Pag dating na pagdating namin ay may humigit agad na ibat ibang babae sa mga kasama ko, pero si Gongchan ay nagtago sa likod ko at tinanggihan lahat ng babaeng lumapit sa kanya kaya naiwan akong kasama si gongchan dirediretsyo papunta sa lamesa..Gongchan's POV
Tinanggihan ko lahat ng babae na lumapit sakin dahil si noona Shana lang ang gusto kong babae na makasama sa gabing yun lalo na at naka graduate na sila, ako nalang ang maiiwan sa WM school.
Habang nakaupo kami at nag uusap napansin ko sa katabi ng lamesa na pinipwestihan namin si Jinyoung hyung di ako mapakali
ako yung tipo ng lalaki na nakontento nalang sa lihim na pagtingin kay noona Shana at magiging masaya ako kung masaya sya pero sa oras na yun hindi ko alam kung ano ang mararamdaman nya pag nakita si Jinyoung hyung lalo na nung makita kong nasaktan sya nung umalis ito ng walang paalam
habang nag kekwentuhan nakita ko na palapit ng palapit si hyung at nagulat ako ng hinigit ako ni noona Shana papalayo sa kinapepwestohan namin
"Gongchan pasensya na kung umalis tayo dun, di kasi ako komportable meron tao akong ayaw makausap o makita" -Noona Shana
"Alam mo noona?" gulat na sabi ko
"Oo, alam kong nandun si Jinyoung pagkaupo palang natin nakita ko na sya" -Noona Shana
pagkatapos namin mag usap ay pumili nalang kami ng lamesa na malayo sa kanina..
Shana's POV
Habang kumakain kami napansin ko na tanaw ko parin si Jinyoung sa kinauupuan ko, at napansin ko din na nakatitig ito sakin kahit malayo.
Hindi ako makakain ng ayos, pinagpapawisan nadin ako at pasmado ang kamay ko kaya hawak ang baso na iniinoman ko ay bigla itong nadulas sa kamay ko. nagulat ako at pinulot ang bubog kaya bigla akong nasugatan
"noona okay ka lang!?" gulat na sigaw ni gonchan at lumapit sakin
ng may biglang humawak ng kamay ko at dinikit sa mga labi nya ang daliri ko na may sugat para tanggalin ang dugo sa pag sipsip nito
nakatitig ako sa kanya ng tumitig to sa mga mata ko
"Okay ka lang?" sabi nya
Bigla ko syang tinulak at umalis sa harapan nya higit higit si Gongchan
Jinyoung's POV
Bumalik ako sa WM para lang umattend sa party dahil sabi yun ni hyung Cnu
Habang nakaupo ako ay nakita si Shana kasama si gongchan na umupo sa tabi ng lamesa na pinupwestohan ko kaya lumapit ako pero lumayo siya
hinahanap ko sya ng matanaw ko sya sa medyo kalauyuang lamesa
nalaglag nya yung baso kaya tumakbo agad ako papunta sa kanya
pag lapit ko ay may nakita akong dugo sa daliri nya kaya sinipsip ko to
nag aalala ako ng sobra pero tinulak nya ko at tinalikuran
*Di parin sya nagbabago lagi nalang ako tinalikuran at nag wa-walk out* ngiti ko ng pabiro sa sarili ko habang inis na nakikita syang hawak ang kamay ng ibang lalaki
Yunhyeong's POV
Habang kumukuha ng pagkain nakita ko si Shana at Gongchan na nag uusap
"Uy Shana gusto mo?" subo ko sa kanya ng chicken lollipop
"Nasan na si Hyung Sandeul?" tanong ni Gongchan
"Ayun Sumasayaw oh" turo ko sa dalawa habang gumigiling si Sandeul at bigla kaming natawa ni gongchan samantalang tulala naman si Shana
bunggo ko kay gongchan "Anong nangyari dyan?"
"Nandyan yung first love nya" bulong naman ni gongchan
"First love?" gulat na pabulong na tanong ko
"Nako wag nyo nako pag chismisan, umuwi nalang tayo" kotong ni Shana samin habang nagsasalita
"Eh Shana kakadating lang natin" pagpapaawa na sabi ko with *puppy eyes*
"Noona uminom ka nalang muna" sabi ni gongchan abot ang baso
habang umiinom si Shana papaubos ang baso
may napansin kami ni Gongchan
"Waaaag!!!" sigaw namin
binatukan ko si Gongchan "Nandun yung inumin natin!! pang teacher lang yan!!!" hampas at batok ko dito
eh nakalimutan ko nga mangiyak ngiyak na sabi nito
"Okay ka lang Shana?" tanong ko
"Ha!? ako okay? hahahaha? Okay ako!! okay na okay men!! hahaha" sabi ni Shana
"Nako hyung lakas na ng tama pano na yan?" -Gongchan
maya maya ay may linapitan si Shana na lalaki na kumukuha ng pagkain
Jinyoung's POV
Kumukuha ako ng makakain ng lumapit sakin si Shana ng pagewang gewang na parang babagsak at yun bumagsak nga ng mapalapit sakin kaya sinalo ko
"Lumayo ka!" tulak nito sakin
para syang lasing o lasing ata talaga sya
"ikaw! ikaw yung lalaking walang kwenta!!! mang iiwan!! Brbrbrbrbrbr" sabi nito sakin habang dinuduro duro ako
"Ako!?" tanong ko
"Oo!! ikaw!! Mr. Jung Jinyoung na mayabang, nakakainis, at paasa"
magsasalita palang ako ng nagulat ako at nakataas na ang dalawa nyang kamay para suntukin ako
hinabol nya ko at gusto akong suntukin kaya iniwasan ko________________________
ayun di ko na update shuriiiii ano kasi basta hahahahah xD.. may mga nag request na lagyan ko daw ng translator yung mga korean words na linalagay ko kaya napag isipan ko nalang na wag na lagyan
BINABASA MO ANG
Tropa Kong Baliw
RomanceFor all BALIWs Fangirls and Fanboys especially BANAs.. romantic comedy~