Pagpapakilala Sa Main Cast

436 12 2
                                    

Jinyoung, ang flowerboy ng tropa. Tawag namin sa kanya ay Fox dahil sa maliit nyang mga mata. Mayaman, matipuno, heartrob, matangkad, pinakagwapo sa tropa, at leader ng Grupong B1A4. 5'10 ang height at may bigat na 130lbs. May pagka tahimik pero may tinatagong kulit.

Baro, ang rapper at kwela sa tropa. Tawag namin sa kanya ay hamster o squirrel dahil sa cute nyang ngipin. Sikat sa mga kababaihan at pasimuno sa mga kalokohan. Cha Sun woo ang tunay na pangalan at kababata ko dahil mag bestfriend ang aming mga magulang. 5'10 ang height at may bigat na 139lbs. Ang Main Rapper ng Grupong B1A4.

Cnu, ang eomma ng tropa dahil tinalo pako sa haba ng hair nya. charot, actually dahil sya ang pinaka strict sa tropa, maaalahanin, at masarap pa magluto. Tawag ng tropa sa kanya ay bear dahil mahilig sya sa winnie the pooh. 6' ang height at may bigat na 141lbs. Ang Vocalist at Lead Rapper ng B1A4.

Sandeul, ang matakaw na may pagka hyper sa tropa. Tawag namin sa kanya ay Pato. Sikat sa school simula elementary dahil sya ang pinakamabilis tumakbo papuntang Chiken Restaurant. Bestfriend ko simula kinder at napaka galing nyang kumanta. Lee Jung hwan ang tunay nyang pangalan, 5'10 ang height at may bigat na 137lbs. Ang Main Vocal ng B1A4.

Gongchan, ang aegyo maknae ng tropa. Mayaman, matalino, gwapo, at sila ang may ari ng WM school na pinapasukan naming lahat na kung saan ay dun nabuo ang tropa. Tawag namin sa kanya ay tuta dahil sya ang pinakabata sa tropa at may pinaka maamong mukha. 6' ang height at 132lbs ang bigat, Visual at Vocal ng B1A4.

~~~

Sila ang tropa ko! Proud taas noo! eh sino nga ba ako?

Hi! Ako si Park Shan Ah, mas kilala sa pangalang Shana, 8yrs old palang ako ay ulila nako sa mga magulang. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin ni Baro kaya kinupkop ako ng Cha Family at tinuring na parang tunay na anak.

Bunny ang tawag sakin ng tropa. Madaldal sa Tropa medyo tahimik sa iba, panget na masungit pa, moody at may pagka basagulera. Kababata ko Baro at Bestfriend naman si Sandeul. Mahilig kumanta pero wala sa tono, mahilig din sumayaw pero sin tigas ng bakal kng gumalaw. Feeling ko talaga wala akong talent kaya ang swerte ko sa mga tropa kong kumag kase sila lang naman ang Heartrob Friendly Boyband na tinitilian ng mga kababaihan, binabaihan at pati ata kalalakihan 'yabang ko eh noh? Syempre tropa ko ata yan eh!', kilala ang myembro sa pangalang B1A4 na galing sa bilang ng bloodtype ng nasa myembro kaya di kaya paghiwalayin, sin tigas ng bakal kong katawan ang pagkakaibigan namin. Swerte din sila syempre kasi tropa nila no.1 fangirl nila.

Tropa Kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon