-Three-

53 3 2
                                    

Chapter 3

I found myself sitting with someone like Nathan in front of me. Imbes na makapag-aral ako nang matino ay nadidistract pa ako. Hindi ko inakala na ganito pala siya pag malapitan. Mas gwapo. Tiningnan ko kung ano yung binabasa niya and it was not anything related to academics. Related bas a academics ang Harry Potter?

Para akong hangin habang siya naman ay masyadong immersed sa binabasa niya. I therefore conclude. Hindi ko na susubukan magbasa ng kahit na anong academic material kapag may isang Nathan na malapit sa akin. Nadi-distract ako eh. “You’re finished?” He asked. So napapansin pala niya ang pinagga-gawa ko dito. Sana hindi niya napansin na tinititigan ko siya kanina. Tumango ako sa kanya. That’s my answer. Hindi ako makapagsalita for some reason. Siguro ay dahil sa kanya.

Then another moment of awkward silence. Hindi na tuloy ako mapakali sa pwesto ko. Pakiramdam ko kasi natutunaw ako. Ganito pala kapag malapit… as in sobrang lapit ng taong pinagkakainteresan mo. Hindi maintindihan kung matutuwa ka ba, kikiligin o magpapakadedma nalang.

Dahil sa sobrang nakakabingi masyado ng katahimikang ito, I decided to just leave. Kahit na gusto kong mas makilala pa siya ay pipiliin ko nalang na umalis dahil hindi na din naman niya ako kakausapin. Hindi naman kasi kami close. Kilala ko siya pero hindi niya ako kilala. That’s how it is. “Uh.. thanks. I’ve got to leave.” Tinanguan lang niya ako tapos ibinalik nanaman niya yung tingin niya doon sa binabasa niya. Napakamisteryoso nitong taong ito.

Nasa labas na ako ng library nang marinig ko ang boses ni Alexander. “I saw that.” I looked at him with a puzzled look. “What do you mean?” Nakangisi pa siya na para bang may nakita siyang ginawa ko na masama. What did I do? “I saw you and Nathan.” Lalo pang lumala ang pagngisi niya kaya sinapok ko na. “What was that for?” Reklamo niya habang hinihimas yung nguso niya. Buti nalang hindi oily yung mukha niya. “Nakakainis yung pangngisi mo. Uuwi na ako. Ano ba talaga pakay mo?”

“Nakita ko nga ikaw at si Nathan.” I raised my brows. “So? Anong meron dun?” Big deal ba iyon? What’s with this monkey? “Halata naman na interesado ka sa kaibigan ko.” I just shrugged my shoulders at tinalikuran ko na siya. Tsismis lang naman pala ang pakay nitong unggoy na ito. Makalayo na nga. “Wait!” Pagpipigil niya sa akin.

“Ano nanaman ba  Xander? Gusto ko nang umuwi.” Iniinis lang ba ako nitong unggoy na ito. “You’re a friend of mine and Tita Nathalie’s looking for someone who can help her son so help us out.” I don’t get what he just said. Anong pinagsasabi nito? “Deretsuhin mo na nga ako. Hindi ko ma-gets pinagsasabi mo.” Grrr. Unggoy ka! Uwing-uwi na ako kanina pa eh.

“Ganito nalang. Magpapaliwanag ako. Samahan mo akong uminom ng frappe sa Starbucks. Libre pa kita. Sige na CK!” Aish. Inaalog-alog pa niya yung balikat ko. Para namang ewan to oh. “Sige na. Sige na. Matigil ka lang!” Binitawan naman niya ako at inakbayan hanggang sa makarating kami sa may Starbucks sa tapat ng Radford Academy.

----------

“Xander, kung iinom ka lang ng kape mo dito magdamag eh mabuti pang umuwi na ako.” Ang bagal niya! Dinaig pa ako. Mga fifteen minutes ago ko pa naubos yung frappe and cheesecake ko samantalang siya eh hindi pa nangangalahati. “Ano ba CK! Dapat chine-cherish mo bawat kinakain mo para hindi sayang pera.” Inirapan ko siya. Yaman-yaman na nga niya, ganyan pa siya mag-isip. Kaya siguro hindi to masyadong tumataba kasi mga 100 na nguya ata ginagawa niya bawat subo. Gosh.

“Kung ganun edi uuwi na ako. Thanks for the treat!” Akmang tatayo niya ako pero inapakan niya yung paa ko. Nyeta! “Hoy! Wag ka nga mang-apak diyan. Para kang bakla.” He smirked at me. “Well siguro nga bakla ako kaya pwedeng-pwede kitang yakap-yakapin at halik-halikan.” I rolled my eyes. Alam ko namang hindi bakla ang troublemaker na ito. Kung magiging bakla siya, malaking population ng mga babae ang iiyak.

Cold HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon