"Tama na... Tama na... Tama na..! maawa ka sa aminnn... wala kaming kasalanan, inosente kami!""Maawa k-kaaa..."
"Maniwala ka biktima lang din kami!"
Iyan ang maririnig sa apat na sulok ng isang malaking kwarto. Ang kwarto ng pagdurusa.
Mga palahaw at pagsusumamo ng mga taong nakakaranas ng matinding paghihirap sa kamay ng isang nilalang na tahimik lamang na nakaupo sa kanyang trono, wala kang makikitang anumang ekspresyon sa mukha nito pero alam mong masayang-masaya ito sa nakikita sa harapan nito dahil sa kanyang mga mata na tila kumikinang sa saya at tuwa.
Ang nilalang na hindi mo gugustuhing makaharap sa tanang buhay mo.
Paano nga ba nagsimula ang lahat?
Sino o ano ang naging puno't dulo nito?
Ang krimen bang nangyari ilang taon na ang lumipas? O ito talaga ang nakatakdang mangyari?
~O~
SK WARNING:Inuunahan ko na po ang magbabalak na bumasa nito, ang istorya pong ito ay hindi perpekto, marami kang makikita na kamalian ng may akda tulad ng mga mali-maling baybay ng mga salita. Kung isa ka sa mga naghahanap ng matino at walang bahid na anumang mali at ang nais lamang ay mamuna at manginsulto ng gawa ng may gawa inuunahan na po kita maaari na lisanin mo na lamang ang kwentong ito. Hindi ko po kailangan ng 'auto-correct na mambabasa.' Pero kung nagpupumilit kang basahin ito wala na akong magagawa doon, ang akin lang ay binalaan na kita. Nawa'y masiyahan ka sa istoryang produkto lamang ng aking malikot na isipan!
PLAGIARISM IS A CRIME THAT PUNISHED BY LAW.
2017All Right Reserved by: ©Shallknight
BINABASA MO ANG
DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going)
Vampire"Lahat ng may kinalaman sa nakaraan ay magbabayad ilang taon man o siglo ang lumipas, kahit na matagal ng bulok ang mga pagkatao ng mga salarin sa kani-kanilang mga hukay na syang puno't dulo ng lahat. Kung kinakailangang hukayin at buhayin sila par...