20CANTO

51 3 0
                                    

Ikatatlong Persona:

Naiwan mag-isa si Death sa black house na siyang pagmamay-ari ni Isaac, nang mga oras na iyon ay maraming tumatakbong palaisipan sa isipan ng binata katulad ng kung bakit bigla na lang siyang iniwang mag-isa ng magkapatid at saan ang mga ito nagtungo? Subalit sa loob ng tanggapan ng mga ministro ay ramdam ang tensyon sa kadahilanang wala silang magagawa para sa nalalapit na penomina...

****

Death Pov:

“Ay anak ng! nasaan na naman kaya ang magkapatid na iyon? at talagang iniwan nila ako dito magisa sa black house pagkatapos ng nangyari kanina!” Nagpapalatak na sabi ko.

Mantakin mo, pagkatapos ng ingkwento namin sa mga bacteria na mga nilalang na iyon kanina basta na lang akong iniwan ng magkapatid. Ayos din!!

Wala naman akong ibang magawa dito sa itim na bahay ni pareng Isaac kundi ang magpalakad-lakad at magisip ng kung ano-ano.

Hindi kaya inabandona na ako ng dalawang iyon?  o baka naman may nangyari na masama sa palasyo ng hindi ko alam?

Aish, malapit na akong mawala sa sarili kong kantinuan dahil sa magkapatid na iyon e!

Mahigit apat na oras lang naman akong palakad-lakad dito sa sala mula ng mawala na parang bula iyong magkapatid.

Napahinto ako sa paglalakad ko ng makaramdam na naman ako ng kakaiba sa katawan ko, parang biglang naging mahapdi ang isang parte ng leeg ko, parang pinapaso.

“Ahhhhhhh...!” napaigik ako sa sakit ng nararamdaman ko!

Ano na naman ba ang nagyayari? bakit ang hapdi ng leeg ko? Halos mapaluha ako sa tindi ng kirot parang pinupunit iyong balat ko sa may bandang leeg.

Naipilig ko ang aking ulo dahil biglang nandidilim ang paningin ko.

Footspa bakit ganito ang nangyayari sa akin? daig ko pang may hang over sa tindi ng sakit ng ulo ko. Kung saan naman magbi-birthday na ako sa susunod na buwan saka pa ako nagkaganito. Nasaan na ba sila pareng Isaac? hindi kaya may kumukulam sa akin?

Nasa punto na ako na namimilipit sa lapag hatid ng sobrang sakit ng ulo ko at leeg ko, isa pa, matinding init ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon para akong sinisilaban.

“AHHHHHHH...!!!”

****

Aziel Pov:

“AHHHHHHH...!!!”

Napahinto kami bigla ng aking baba mula sa aming paglalakbay pabalik sa itim na bahay ng may malakas na sigaw ang bumasag sa katahimikan ng gabi.

Ang boses na iyon? parang pamilyar iyon—ang itinakda!

Napatingin ako sa kalangitan at doon ko napagtanto na bilog na bilog ang buwan, hindi kaya nagsisimula na? Nalalapit na!

Nagtama ang aming paningin ng aking baba na siyang ilang metro lang ang layo sa kinapupwestuhan ko, tumango ako dito bilang senyales na kailangan na namin kaagad na makarating sa itim na bahay.

Nang kami ay makarating sa black house ay nagimbal ako sa aking nakita, ang itinakda ay namimilipit sa lapag at ang kanyang balat pati na ang kanyang mukha ay may bakas ng itim na mga ugat. Napansin ko rin sa may parte ng leeg ng itinakda ay may parang nakatatak doon, parang isang simbolo! Ito na ba ang senyales?

Lumapit si Isaac sa itinakda at nakita kong inilapat niya sa noo ng isa ang kanyang palad at biglang nawalan ng malay tao ang itinakda.

“Nagsisimula ng magparamdam ang penomina sa kamahalan at hindi natin kakayanin ang mga susunod na mangyayari kaya kakailanganin natin na mailipat sa secretum ang prinsipe.”  May sa pagaalalang saad ni Isaac.

Wala kaming sinayang na panahon ni Isaac, kami ay nagtungo sa palasyo at dinala namin sa secretum ang itinakda at siya ay inilagay sa isang itim na casket.

Sa ngayon ay kailangan namin na bantayan ito at maging handa sa mga magaganap.

Itutuloy...
©ShallKnight

DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon