Year 1997Napakalakas na ulan na sinasabayan ng dumadagundong na kulog at kidlat ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Lingid sa kaalaman ng mga taong tahimik na namumuhay sa bayan na isinumpa, sa maliit na barong-barong iniluwal ni lucia ang napakalusog at gwapong sanggol.
Sa kabilang panig ng mundo na kinabibilangan ng mga kakaibang uri ay nakatunog ang mga ito sa panganganak ni lucia. Mabilis ipinagutos ng kung sino man sa kanyang mga disipolo na patayin ang mag-inang walang kaalam-alam na mahimbing ang pagkakatulog sa kanilang katre na yari sa kahoy.
"Uwahh... uwaaah... uwahhh..."
Ang palahaw na sumasabay sa malakas na ulan, kulog, at kidlat na animo'y nagdurusa na kahit sinong makakarinig ay madudurog ang puso.
Ang barong-barong na kung saan ay kanina'y nakatayo pa, ngayon ay nilalamon na ng apoy. Ang ilang bahagi nito ay unti-unti ng natutupok nang walang paawat na lumalagablab na apoy na di papaawat sa lakas ng ulan.
***
"HAHAHA... WAHAHAHA..."
Ang halakhak na nagpapatunay na nagbubunyi. Ang tawa ng kasamaan. Iyan ang bumabasag sa katahimikan sa isang panig ng mundo. Ang halakhak ng tagumpay!
Itutuloy...
©ShallKnight
BINABASA MO ANG
DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going)
Vampiros"Lahat ng may kinalaman sa nakaraan ay magbabayad ilang taon man o siglo ang lumipas, kahit na matagal ng bulok ang mga pagkatao ng mga salarin sa kani-kanilang mga hukay na syang puno't dulo ng lahat. Kung kinakailangang hukayin at buhayin sila par...