19CANTO

54 3 0
                                    

Third Pov:

Dahil nahulog sa malalim na pagiisip ang kamahalan ay kinuha ng magkapatid na sina Isaac at Aziel ang pagkakataon na iwanan si Death sa itim na bahay at nagtungo ang dalawa sa palasyo pero bago nila iniwanan ang huli ay tiniyak ng mga ito na may shield silang inilagay sa buong palibot ng black house para kung sakali na may magbalak na naman na lusubin ang itinakda ay hindi basta-basta ang mga ito makakapasok.

****

Aziel Pov:

Lulan ako ngayon ng aking familiar na si Inar patungo kami sa Imperyo at ganoon din ang aking baba ay lulan din ito ng kanyang familiar na si Jaguar.

Bakit na naman kaya kami pinatawag ng mga minestro? Ano na naman ang nga sadya ng mga iyon sa amin na magkapatid?

Nang makarating na kami sa palasyo ay agad kaming nagtungo sa tanggapan ng mga minestro.

Nakita ko na ang lahat ng minestro ay kumpleto sa tanggapan, mukhang ang lahat ng mga ito ay interesadong-interesado sa magiging paksa para sa pagpupulong na'to. 

“Mabuti at nandito na kayong dalawa, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa ng aking mga kasama, bilang isang punong minestro gusto kong malaman kung ano ang inyong ginawang paghahanda sa darating na pagsasanib pwersa ng araw at buwan?” pagtatanong ni pinunong minestro Saul at halata sa tinig nito ang kuryusidad.

Yumukod muna ang aking baba sa lahat ng minestro bago ito naglahad ng mga plano niya ukol sa darating na penomina. Hindi ko alam kung nay plano nga ba ang aking baba dahil hindi naman ito nagsasabi o napaguusapan namin kung may paghahanda ba itong ginagawa o gagawin sa darating na araw na iyon.

“Para sa inyo hong kaalaman, wala ho akong ginagawang paghahanda sa darating na penomina—”

Hindi pa tapos sa pagsasalita ang aking baba ng naging maingay ang mga minestro.

“Anong ibig mong sabihin Curator? Hindi ba dapat mayroon dahil ikaw ang itinalaga sa mahal na itinakda? At alam mo kung ano ang mga posibleng mangyayari sa penomina! ” may inis sa tonong saad ng isang minestro.

Pinagmasdan ko si Isaac kung may pagbabago ba sa blangko nitong reaksyon sa sinabi sa kanya ni pangalawang minestro Perro. Pero katulad ng nauna ay walang bahid parin ng anumang reaksyon sa mukha ng aking baba. Maski ako ay nagtaka sa sinabi nito na wala itong ginagawang paghahanda, naging isang malaking katanungan sa akin iyon.

“Kung inyo pong mamarapatin ay ipagpapatuloy ko ang aking naudlot na sasabihin kanina.” hinging permiso nito.

Nakita kong tumango ang punong minestro.

“—katulad nga ho ng sinabi ko ay wala akong ginagawang paghahanda dahil kahit maski ako ay walang ideya kung paano ko kokontrolin ang penomina na iyon sa isang rason na walang ibang makakapigil sa mga posibleng mangyayari sa mahal na prinsipe kundi siya lang mismo kailangan nitong siya mismo ang makapagkontrol sa kanyang kapangyarihan, ang kakailanganin natin sa mga panahon na iyon ay paghandaan ang mga hindi inaasahan na magaganap, kailangan natin na ihanda ang ating mga sarili dahil baka ang mga kaaway ay naghahanda narin kung papaano mahahadlangan na dumating ang penomina. Iyon lang ang maaari kong ibigay na suhesyon—ang maging handa at ihanda ang ating imperyo at ang ating sarili.” mahabang saad ni Isaac.

Napaisip ako sa mga sinabi ng aking baba. Kung ganoon ni isa sa amin ay walang makakapigil sa darating na araw na iyon?

Hindi ko maiwasan na magisip kung ano nga ba ang magaganap sa mismong araw ng penomina.

Itutuloy...
©ShallKnight

DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon