9CANTO

95 4 0
                                    

Death POV:

Namamawis na ang kili-kili ko sa kakalampag nitong ataol at nanghihina narin ang buong katawan ko dala ng pagod.

Paksyet! Bakit ba ako kinulong dito? Imba ang feeling kapag hopeless na hopeless ka na! Tae!

Bigla ko tuloy namiss ang dalawang magdodong. Kamusta na kaya sila Isaac, Paa, at Dukot? Hinahanap din kaya ako ng mga iyon? Malamang hindi!
Tuwang-tuwa pa ang mga iyon kasi wala ng mambabara sa kanila.

Syet! Nakakabakla pero naiiyak ako. Ang hirap kapag wala kang magawa kundi ang hintayin na lang kung kailan ka mamamatay o may darating ba na taong tutulong sa'yo.
Napapikit na lang ako ng mga mata ko sa kawalan ng pag-asa.

Papasuko na sana ako at hinihintay na lang na malagutan ng hininga nang mapansin ko na parang may bumubukas nitong ataol.

Di kaya, si knight in shining armor iyan?

Bigla akong nagkaroon ng pag-asa ng bumukas nga ang takip ng ataol.

"Bumangon ka diyan Death at pumanaog."

Tang'na! Bigla akong kinilabutan ng may nagsalita mula sa kung saan. Tinawag niya akong Death? So it means kilala niya ako? Baka nga ito yung nilalang na nakita ko bago ako nawalan ng malay. Pero magkahawig sila ni Isaac ng boses ah?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at bumaba. Malay niyo biglang magbago ang isip niya diba? Kaya wala ng segwey segwey seb.

Holla! Totoo ba itong nakikita ko? Lumapit ako sa nilalang na nasa harapan ko ngayon.

Si Isaac lang naman ang nilalang na nakatayo sa harapan ko. Ang akala ko magkaboses lang, iyon pala si Isaac nga!

"Isaac ikaw ba iyan?" Alam kong nakakatangang tanong yun, pero syempre kailangan kong manigurado. Aba! Malay ko bang baka nasa wow mali ako edi nahopya na!

"Ako nga Death." Sagot nito.

Hindi ako makapaniwala. Siya ba ang naglagay sa akin sa ataol? May HD (Hidden Galit) ba itong si Isaac sa akin? How? Wala akong matandaan na ginawaan ko 'to ng masama.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari sa'yo Death pero huwag kang magalala lahat ng gumugulo sa isipan mo ngayon ay mabibigyan ng kasagutan. Pero kung iniisip mo ngayon na kung ako ang naglagay sa'yo diyan sa ataol ay mali ka.

Napatanga na lang ako sa mga sinabi ni Isaac. Kahit isa wala akong naintindihan. The Pak!

Paano niya nalaman na iyon ang nasa isip ko? Nababasa niya ba ang mga iniisip ko. Naku invading of privacy iyan!

"Hindi ko nababasa ang iniisip mo death sadyang halata lang sa mga kilos mo."

Ah, akala ko talaga. Medyo nakabahan ako doon ah.

"Kung gusto mong malaman ang kasagutan sumama ka sa akin."

Hindi na ako nagdalawang isip agad din akong sumama dito. Ang creepy kaya sa loob ng ataol at saka alam kong safe ako kapag si Isaac ang kasama ko. Wala lang, feel ko lang.

Lumabas kaming dalawa ni Isaac mula sa silid na may kung anu-anong laman katulad na lang iyong mukhang mga lalagyanan ng mga abo ng mga namayapang tao.

Nagtaka ako ng yumuko ang dalawang kawal? Sa akin at kay Isaac. Korean lang ang drama? Eh?

Itutuloy...
©ShallKnight

DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon