26CANTO

61 3 0
                                    

Aziel Pov:

Isang taon na pala ang lumipas, subalit parang isang araw lamang ang nagdaan. Saad ng aking munting isipan.

Sa gabing napakatahimik ng paligid ay malaya kong pinagmamasdan ang itinakda na siyang tuluyan na palang naging isang ganap na hari ng imperyong ito, na ngayon ay malayo ang tingin habang nakatambay ito sa maluwag niyang balkonahe sa kanyang silid na mukhang may malalim itong iniisip.

Parang ganito din ang aking ganap noong mga panahon na kinain ang aking sistema ng kuryusidad sa pagkatao ng magiging hari ng Emprata. Akalain mo nga naman na bumalik ako sa ganitong gawi.

Mabilis akong nagtago sa malalabong na dahon ng puno na siyang kinapupwestuhan ko ngayon malapit sa silid ng hari nang magawi dito ang kanyang paningin.

Kitang-kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo na parang may isang bagay itong inaalisa pero agad din nitong binawi ang tingin sa puno na kung saan ako naroroon ng may umagaw ng atensyon nito, na sa palagay ko ay may kung sinong pumasok sa silid nito.

Mataas ang aking kumpyansa na hindi ako basta-basta mahuhuli ng kamahalan ng mga oras na iyon dahil naka-invisible mode ako, isa iyon sa mga kakayahan ng lahi namin na siya namang ipinagpapasalamat ko dahil nagagamit ko sa mga ganitong sitwasyon.

Umupo ako ng maayos sa isang sanga at mataman na pinagmasdan ang mga bituin na malayang kumikinang sa kalangitan at nagsimulang magbalik-tanaw sa nakaraan.

Alam kong nakakapagtaka na bigla na lang nawala ang aming koneksyon ng aking baba sa kamahalan nitong lumipas na isang taon.

Bago lumipas ang isang taon ay ganito ang naging kaganapan...

Nang kinuha ng mga matatandang bampira si Death sa mismong silid ng yumao nitong ama kung saan namin ito inilagay noong naghihirap ito sa kanyang sitwasyon dahil nagsisimula na noon ang paggisig ng kanyang tunay na pagkatao sa pamamagitan ng penomina ay wala kaming nagawa ni Isaac at hinayaan na mapasailalim sa pangangalaga ng mga ito ang kamahalan.

Pagkatapos noon ay pinapunta kaming dalawa ng aking baba sa tanggapan ng mga minestro at pinagsabihan na pansamantala munang lumayo sa kamahalan, ayon sa mga ito ay makakatulong raw ito na mas makontrol ni Death ang kanyang kapangyarihan na mismong sarili lamang ang katuwang at hindi ito masasanay na umasa sa tulong ng iba. Dagdag pa ng mga ito ay sisiguraduhin daw nila ang magiging kapakanan ng kamahalan ay magiging maayos. Noong una ay hindi ako sang-ayon sa layunin ng mga ito pero wala kaming nagawa ni Isaac kundi pumayag sa gusto ng mga minestro.

Nagpakalayo-layo muna kaming dalawa ni Isaac, pero wala kami sa iisang lugar dahil napagkasunduan namin na maghiwalay ng landas pansamantala pero bago mangyari ang lahat ng iyon ay ipinasa sa akin ng aking napakagaling kong kapatid ang kanyang tungkulin bilang tagapangalaga sa kamahalan, nagtaka ako bakit nito ipinapasa sa akin ang kanyang gawain pero agad din naman nitong ipinaliwanag sa akin ang kanyang rason kung bakit, ayon rito ay may mahalagang bagay itong gagawin sa isang lugar kung saan malayo sa imperyo ng Emprata, tinanong ko kung ano ang mahalagang bagay na iyon, ang naging sagot nito ay malalaman ko rin daw sa takdang panahon. Hindi ko alam kung ano ang mga tumatakbo sa isipan ni Isaac pero may tiwala ako rito kaya pumayag na rin ako, at isa pa, hindi naman daw ako  magtatagal sa ganitong sitwasyon dahil agad rin naman siyang babalik kapag natapos na nitong gawin ang dapat nitong gawin.

Iyon ang rason kung bakit ako'y naririto sa isang puno at pinagmamasdan ang kamahalan. Napakagaling talaga ng aking kapatid huh! Mukhang ilalagay pa ako sa alanganin. Tsk!

Dumating ang bukang -liwayway pero nanatili ako rito sa aking puwesto. Naginat ako ng aking katawan mukhang tumigas ata ang ilan sa mga buto ko sa katawan dala ng mahabang pagkakaupo. Napansin ko na hindi natulog ang kamahalan sa kanyang silid kagabi. Nakakapagtaka naman ata, sa halos buong taon kong pagbabantay rito ay mukhang ngayon lang pumalya ang isang iyon sa hindi pagtulog nito sa kanyang silid.

Ipinagkibit-balikat ko ang ideyang iyon. Hindi naman saklaw na matyagan ko ang personal na buhay ng kamahalan ang habilin lang ni Isaac ay bantayan ko ang isang iyon at siguraduhin na ligtas 'to sa bawat araw na nagdaan.

Ikinabit ko ang aking kulay itim na cloack upang itago ang aking pagkakakilanlan, mahirap na baka may isang makakilala sa akin rito, maganda ng naiingat. Nagpasya ako na lisanin na muna ang lugar dahil paniguradong  delikado ang aking magiging lagay kapag may isa sa mga kawal ng Dark Monarch ang makapansin sa katulad ko lalo pa't maliwanag ang buong kapaligiran.

Magsisimula na sana akong tumalon sa puno para makababa subalit may naramdaman akong isang malamig na bagay ang siyang nakaumang sa aking leeg.

Isang Kunai!

Itutuloy...
©ShallKnight

DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon