Ikatatlong Persona:
Sa tanggapan ng mga minestro ay nagpulong-pulong ulit ang mga minestro sa kadahilanan na nabalitaan ng mga ito na dumating na ang ikinatatakot nila—Ang pagdating ng penomina.
Nagpasya ang mga ito na mas lalong palakasin ang seguridad sa bawat tarangkahan ng palasyo na kung sakali man na may tumangkang lumusob na kaaway ay nakapaghanda sila, pati na ang kanilang mga kawal ay kanilang pinaghanda sa larangan ng combat mas maganda na pati ang mga ito ay handa sa pakikipagbuno dahil hindi sigurado ang mga minestro sa kung sino ang mga kaaway na nais tumangka na sirain ang penomina.
****
Isaac Pov:Inilagak namin pansamantala ang kamahalan sa libingan ng mga royals— ang secretum. Hindi ako sigurado kung kakayanin ng kamahalan ang pakikipag-isa sa kanya ng penomina pero dalangin ko ay sana ay kayanin niya.
Nilagyan namin ng aking kapatid na si Aziel ang kanyang casket ng mga harang katulad na lang ng mga kadena para kung sakali na maganap na ang tinakdang pagsasanib ng buwan at ang araw ay may proteksyon ang mga nasa loob ng palasyo, maganda ng nakakasigurado na magiging ligtas ang mga nasasakupan dito sa loob ng palasyo.
Hanggang may nalalabi pang oras ay binigyan na namin ng babala ang mga minestro at ang mga naririto sa palasyo para sa magaganap.
****
Aziel Pov:
Naririto kami ni Isaac sa labas ng secretum para magbantay sa kamahalan. Pinaalis kasi muna pansamantala ng aking baba ang kaninang mga kawal na nagbabantay sa sagradong silid-himlayan ang rason nito ay hindi kakayanin ng mga ito ang magaganap. Wala akong ginawa kundi ang sumang-ayon dito dahil mas alam nito ang mga dapat gawin at paghahanda.
Mabilis na lumipas ang gabi at umaga na. Walang umalis sa amin ni Isaac sa pwesto, masugid kaming nagbantay sa itinakda. Hanggang ngayon palaisipan parin sa akin kung ano nga ba ang mangyayari sa itinakda na kung sakali na dumating na ang penomina? Mukhang kinakain na naman ang aking sistema ng kuryusidad ko!
Nagambala ang aming pagbabantay ni Isaac ng may humahangos na mga bantay ng palasyo ang papunta sa amin na ikinataka ko. Anong nangyayari?
“Mahal na Curator, kami ay humihingi kaagad ng pasensya dahil naistorbo ang inyong pagbabantay sa ating kamahalan pero may nais po kayong makita!” saad ng isang bantay ng palasyo.
”Ikaw na muna ang bahalang magbantay sa kamahalan Aziel. Titingnan ko lang ang dapat makita!” Paalam ni Isaac.
Tumango ako dito bilang pagbibigay permiso.
Mga ilang minuto lang na umalis sina Isaac ay may narinig akong sigaw at kalampag sa loob ng secretum.
Gising na ang itinakda?!
Wala akong sinayang na sandali at agad na pumasok sa silid-himlayan. Nagitla ako ng makita kong parang mawawasak na ang casket na siyang kinalalagyan ng itinakda.
Nangyayari na ba? tanging usal ko sa aking isipan.
Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib ng makita kong tuluyan ng nawasak ang casket.
Sa mga sandali na iyon ay naging blangko ang takbo ng aking utak at tila hindi na alam ang gagawin, napako ang aking mga paa at natuon ang aking paningin sa itinakda na unti-unti ng bumabangon mula sa pagkakalagpak niya.
Nang tuluyan na itong makabangon ay nakita kong nakapikit ang mga mata nito na tila nasa ilalim ng hipnotismo.
May nagbago sa itinakda!
Ang dati nitong buhok na kulay itim ay naging kulay abo at ang balat na medyo kayumanggi ay naging kulay labanos. Isa na ba itong isang ganap na bampira?
Hindi ko alam kung bakit tila nakapako ang aking paningin dito na tila sa bawat galaw nito ay kailangan kong masubaybayan.
Bigla para akong pinangapusan ng hangin nang may lumabas na dugo sa kanang mata nito.
Pero mas nahigit ko ang aking paghinga ng mabilis itong lunapit sa aking puwesto at bigla akong sinakal.
Isang pagkakamali na ako ay pumasok sa silid na'to at piniling manatili kahit alam kong pwede akong manganib.
Alam kong sa mga oras na'to ay isang malaking kamalian na lumaban ako sa itinakda dahil wala siya sa tamang kaisipan at napakalas na enerhiya ang mayroon siya!
Napatitig ako sa itinakda ng makita kong unti-unti itong nagmulat ng kanyang mga mata. Doon ko napagtanto na isa na nga itong ganap na bampira dahil iba na ang kulay ng mga mata nito—mula sa dating kulay abo na mga mata nito ay naging kulay pula ang kaliwang mata nito samantalang ang kanan na hanggang ngayon ay walang ampat ang pagdaloy ng dugo ay kulay itim. Bakit magkaiba ang kulay ng mga ito? tamang saad ko sa aking isipan.
“SINO KA?!” Isang nakakapanindig na saad nito.
Itutuloy...
©ShallKnight
BINABASA MO ANG
DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going)
Vampiros"Lahat ng may kinalaman sa nakaraan ay magbabayad ilang taon man o siglo ang lumipas, kahit na matagal ng bulok ang mga pagkatao ng mga salarin sa kani-kanilang mga hukay na syang puno't dulo ng lahat. Kung kinakailangang hukayin at buhayin sila par...