Death POV:
Mag-iisang buwan na kaming tumutogtog nila paa at ni dukot sa café ni Isaac. Mga gothic halos ang tugtugan namin ayon narin sa kagustuhan ni Isaac.
Ako ang vocalist at sa drum narin, si Paa ang nakatoka sa pagigitara, si Dukot sa keyboard at si Isaac siya naman ang bassist.
Ang masasabi ko... okay naman. So far so good. Smooth lang ang lahat.
Mabenta itong cafè ni Isaac. Paano? Andaming tao, lalo na pagsapit ng gabi doon mas dumadami ang customer.
Ngayon? Ayun, katatapos lang naming tumugtog at kasalukuyan na nasa office kami ni Isaac nagpapahinga. Ginawa na naming parang dressing room, ayos naman sa kanya kasi malaki naman daw ang espasyo. Tama siya parang isang buong bahay na ang sakop ng opisina niya. Imba kapag mayaman ka.
"Amputi talaga ni carly amoy bebe, ang kinis-kinis ng balat na parang gusto ko ng siyang iuwi sa condo natin. Ano sa tingin niyo? Siya na ba ang kaporeber ko? Eney comint? (Any comment?)
Nakikilig na tanong ni Paa sa amin with matching taas-taas ng dalawang kilay nasa kapal pwede ng bahayan ng pulgas. Itsura mo lang bruh!
"Tsk, anong carly? Carla yun paa! ulo ka talaga eh!" Pambabara ko.
Si carla ang kamake out ni paa kanina nung nasa labas kami.
Anak ng mayor ang babae. Spoiled brat ang isang yun, napakaarte di naman kagandahan. Hindi ako lalaitero mga seb sadyang sinasabi ko lang kung ano ang totoo ayun narin sa nakikita ko.
"Anong forever? Walang forever sa mundong 'to paa!" Walang ganang sagot ko ulit.
Tama naman diba?
"Alam mo dong ang bittir mo kahit kailan! hindi naman ampalaya ang ulam natin kanina... karnenas naman ah."
Kakamot-kamot sa ulo ni paa.
"Bayaan mo na lang siya bay fheet, alam mo na ganyan talaga si dong dith palebhasa walang lablayp! Haha..."
Psh, ewan. Mga baluga talaga ang dalawang magkapatid na'to. Bigla tuloy akong naawa kahit papaano sa pangalan ko na minimurder nila. Death yun mga kupal hindi dith! Inamers na iyan!
Napatingin ako kay Isaac na kakapasok pa lang sa pintuan ng dressing room.
"Tayo na ulit ang tutugtog." Pagbibigay alam nito.
Tumago na ako sa aking pagkakaupo.
Minsan napapaisip ako pagdating dito kay Isaac. Base narin sa pagkakakilala ko sa kanya kahit isang buwan pa lang kaming magkasama eh, napansin kong napaka pribado niyang klase ng tao, tipid lang ding magsalita.
Ayon sa sabi-sabi ng iba na kapag yung mga tahimik na tao daw ay mas nakakatakot kasama kasi di mo alam ang saloobin nila.
Umupo na ako sa pwesto ko nagsimulang ihampas ang dalawang stick na hawak ko sa drums na nasa harapan ko na naaayon sa beat ng kanta na para bang sumasailalim ako sa isang kakaibang mahika.
Ako ang unang bumanat sa intro ng kanta.
🎶You were the shadow to my light
Did you feel us?
Another star
You fade away
Afraid our aim is out of sight
Wanna see us
Alight🎶Si dukot ang bumanat naman sa chorus ng kanta. Bilib din ako dito pagdating kay dukot eh akalain mo yun nagiging unat ang balikong dila niya kapag umaawit siya. Hahaha
🎶Where are you now?
Where are you now?
Where are you now?
Was it all in my fantasy?
Where are you now?
Were you only imaginary?🎶🎶Where are you now?
Atlantis
Under the sea
Under the sea
Where are you now?
Another dream
The monster's running wild inside of me
I'm faded
I'm faded
So lost, I'm faded
I'm faded🎶Habang nasa kalagitnaan na kami ng pagtugtug at pagkanta...
Napadako ang tingin ko sa may bandang gawi ng pintuan nitong insomnia ewan ba parang napasailalim ako ng isang mahika na nagsasabing tumingin ako sa gawing yun.
Pinikit-pikit at minulat-mulat ko ang dalawang mata ko kung totoo ba ang nakikita ko na para bang may dalawang pares ng mapupulang mata ang nakatanaw sa akin.
"Oy, dong bat ka tumigil? May problema ba?"
Napamulagat ako sa pagtanong ni dukot na animo'y nagising ako sa mahabang pagkakatulog.
Di ko pala namalayan na napahinto na ako sa pagda-drums.
"Uhm... pasensya na."
Hingi ko ng dispensa sa mga audience at sa mga kasama ko.
Nagpatuloy kami sa pagtutugtog hanggang matapos kami.
"Uy, dong anyaree sa'yo? H'wag mong sabihin mong magdeydreming? At sa oras pa ng pagtutugtog natin."
Di ko pinansin ang pangbubuska ni Paa sa akin.
Wala ako sa mood para makipag-asaran.
'Di parin kasi ako makamove on sa nakita ko.
Alam kong pula ang mga matang nakita ko kanina dahil natamaan iyon ng liwanag na nagmumula sa liwanag ng buwan.
Pero ang tanong mata ba ng hayop iyon o ano?
Amputek! Parang may kakaiba talaga. Minamaligno ba ako?!
Itutuloy...
©ShallKnight
BINABASA MO ANG
DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going)
Vampir"Lahat ng may kinalaman sa nakaraan ay magbabayad ilang taon man o siglo ang lumipas, kahit na matagal ng bulok ang mga pagkatao ng mga salarin sa kani-kanilang mga hukay na syang puno't dulo ng lahat. Kung kinakailangang hukayin at buhayin sila par...