Death POV:Sa isang iglap, nasa isang kulay itim na bahay na kaming dalawa ni Isaac.
Papaano nangyari yun? Si flash ba 'tong si Isaac? Pa'no niya nagawa yun?
Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari! Qaqung iyan!
Pumasok kaming dalawa sa isang malaking silid na puno ng mga libro. Sa tingin ko library ito. Halata naman eh...
Pinaupo niya ako sa mahabang upuan habang siya ay nakatayo lang sa aking harapan.
"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari sa'yo at sa paligid mo death."
Andami mo pang sinasabi Isaac diretsuhin mo na kaya? Inner me.
"Maniwala ka sa hindi... ako ay isang bampira ay ikaw ay ang aking prinsipe." Saad nito sa mababang boses.
Huwaaat?
"Bampira? Sino? Ako? At ano? Ako ang prinsipe niyo? Hahahaha.... wag ako Isaac ah, kung trip mo ako naku sinasabi ko sa'yo bruh iba na lang." Sagot ko dito habang tumatawa.
Napatawa ako ni Isaac doon ah, hindi ko alam magaling pala 'tong magjoke. Havey eh.
"Hindi ako nagbibiro death!"
Tinaasan ko lang 'to ng kilay.
To see is to believe daw!
Napatigil ako sa kabalbalan ko ng makita ko ang biglaang paghaba ng pangil ni Isaac at ang pagpalit ng kulay ng mga mata niya, Ang dating kulay bughaw ay naging pula.
Sa nakita ko bigla akong napatuwid sa pagkakaupo ko.
Nage-exist nga talaga ang mga ganitong nilalang. Bampira!
"Okay na pwede ka ng magchange to normal seb, naniniwala na ako. Bampira ba talaga ako tulad niyo?" Di makapaniwalang tanong ko.
Binigyan lamang ako nito ng isang tangong sagot.
Deym!
"Paano ako naging kalahi niyo? At papaano ako naging prinsipe niyo?" Tanong ko ulit.
Ano iyon? Instant?"Simple lang... ang mga magulang mo ay mga bampira at ang ama mo na si ginoong Yvo ay isang hari."
Huwaw! Ang bangis naman pala ng tatay ko, hari at isa pa... Yvo ang name niya? Ngayon alam ko na! Duon pala kinuha ang second name ko. Malupit din!
Eh... ang first name ko? Saan naman kinuha ko? Ano yun? Trip lang?
Pagkatapos ng mahabang paguusap namin ni Isaac ay nagpaalam ito na may pupuntahan lang daw ito saglit at babalik din agad.
Ang ganap ay... naiwan ako magisa sa black house-na bahay pala ni Isaac. Kakaiba talaga ang mga tipong kulay ng isang yun.
Nandito ako ngayon sa maliit na terasa ng pansamantalang magiging kwarto ko habang naririto ako sa vampire society/main region—Ang Emprata Lympus.
Nakapangalumbaba ako sa barendilya ng terasa habang nakatingala sa madilim na kalangitan habang pilit kong iniintindi ang mga nalaman ko mula kay Isaac.
Marami akong nalaman mula rito. Isa na, siya pala ay isang 'umbra' ko na ang ibig sabihin ay anino ko na kahit saan daw ako magpunta ay naroroon ito. Pati ba sa c.r? Hindi ko naitanong yun ah... baka di ko alam kalahi pala ito ni vice ganda at nakatake advantage pa siya sa napakaganda kong katawan. Anak ng!
Ah, isa rin pala itong 'curator'—ang naatasang mangalaga sa prinsipe which is ako.
Ayun pa dito, lahat daw ay planado simula sa pagkakaroon namin ng trabaho at sa nangyari sa akin tungkol sa pagkakahimatay ko sa may village. Just great!
At ito pa, napagalaman ko na region pala ang tawag sa bawat lugar dito tulad ng Emprata na kung saan ako ngayon.
May tatlong rehiyon lang ang mga bampira...
Ang una ay ang ‘Emprata Lympus’ na kung saan ito ang main region at pinakamalakas na rehiyon. Talaga ba?
Itinuring itong pinakamalakas dahil ang namumuno dito ay ang mga royal blood at pureblood vampires.
Na pinapangunahan ng ama ko daw na si haring Yvo na kung saan ay namayapa na. Ang lupit pala ni itay! Lodi!
Pero...
Simula ng mawala daw ang aking ama ay nagsimula ng manganib ang Emprata, dahil kahit anong oras daw na gustuhin ng mga kaaway na sumugod maaaring ikabagsak daw nito dahil wala na ang pinakamalakas na dipensa. Ang hari.
Kaya isa lang ang nakikitang solusyon ng mga ministro ng Emprata iyon ay ang hanapin at dalhin ako dito. Now I know! Ako na lang din ang natitirang pureblood at royal blood sa aming clan—Devlin Clan.
Pangalawang Rehiyon. Ang Reagan Crucifix na kung saan naman ito ang itinuturing na banta sa Emprata dahil ang leader ng region na ito ay invader at sakim sa kapangyarihan. So beware?
Pangatlong rehiyon. Ang Veno Oblivion na kung saan naman, hindi masasabing kakampi o isang kaaway. So ano siya? Neutral? O Extra? Hakhak
Hindi ko rin pala naitanong kay Isaac ang tungkol sa nanay ko. Hindi kasi nito nabanggit ang tungkol dito. Anong pangalan ni inay? At isa pa, hindi rin nabanggit nito kung ano ang ikinamatay ng mga magulang ko.
Mukhang may something na iniiwasang banggitin si Isaac sa akin kanina hindi ko lang matukoy kung ano yun, pero malalaman ko din yun. Dahil aalamin ko!
Sa tingin ko kakaunti palang ang nalalaman ko. Marami pa akong dapat malaman.
Bakit sa lahat ng ta-ay mali pala hindi pala ako isang tao. Isa akong bampira! Hindi lang isang bampira dahil isa akong prinsipe ng mga bampira.
Why? Bakit ako pa? Pwede namang si dukot o di kaya'y si paa diba? Ang saklap!
Kung saan naman kuntento na ako sa pagiging bandista ko nangyari pa'to! Mukhang hindi ako hinahayaan ni tadhana maging masaya ah. Buset ang corny ko na!
Pero alam kong may rason ang lahat ng 'to!
Ipapahinga ko na nga lang 'to! Tama! Ganoon na nga.
Napahinto ako sa pagpasok sa pintuan ng kwarto ko nang... biglang may marinig akong parang huni ng ibon?
Lumingon-lingon ako sa paligid wala naman akong makita.
Anak ni bakekang? Ano kaya yun ibon ba talaga? Baka naman aswang o di kaya tiktik?
Napisti na!
Akala ko ba pugad ng mga bampira 'to? Eh, ano yun?
Syet! Kailangan ko na talagang itulog to!
Isaac saan ka na ba?
Uwi ka na di na 'ko galit!
Itutuloy...
©ShallKnight
BINABASA MO ANG
DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going)
Vampir"Lahat ng may kinalaman sa nakaraan ay magbabayad ilang taon man o siglo ang lumipas, kahit na matagal ng bulok ang mga pagkatao ng mga salarin sa kani-kanilang mga hukay na syang puno't dulo ng lahat. Kung kinakailangang hukayin at buhayin sila par...