3CANTO

188 8 0
                                    


Death Pov:

"Tang'na! sinong umutot sa inyong dalawa?!" tanong ko sa dalawang baluga na kasama ko, sino pa ba mga par? Edi ang dalawang bisaya na magdodong na'to. Anak ng kupal! Ginawang hobby na ata ng dalawang 'to ang pagutot sa dis-oras ng gabi ah, ang ganda pa ng timing doon pa sa kung saan nasa kalagitnaan na ko ng panaginip ko nasa parte na ako na makikita ko na ang soulmate ko eh. Ang lakas makapanira ng momentum! Ang sarap tuloy pagbuhulin gamit ang banig eh footspa!

Utot ng utot palibhasa sugapa sa paglamon, ewan ba...maski tuyong isda lang ulam namin araw-araw walang sinasanto yung katakawan ng dalawang iyan. Pambihira! Mapakakamot ka na lang talaga sa ulo mo eh.

Naks, sarap na sarap pa sa pagtulog ang dalawang 'to samantalang ako heto hindi na dalawin ng antok. Tinatawagan ko ang espiritu ng antok baka naman gusto mo akong saniban? Baka lang naman. Aish, ano pa nga bang bago? tamad kong tanong sa mga lamok na pumapapak sa mukha ng dalawang baluga.

Makalabas nga muna!

Syet! Ang lamig!

Tang'na kalian pa naging korea 'tong pinas?

Malamig na ihip ng hangin lang nman ang sumalubong sa balat ko pagkalabas na pagkalabas ko sa pintuang trapal ng barong-barong namin.

Tamad na naupo ako sa may hamba ng pintuan namin, tumingala ako sa nangingitim na kalangitan. Mukha pa atang uulan ah...siguro dahil malapit ng pumalit ang buwan.

Kaya pala malamig ang panahon ngayon kasi malapit ng magdecember. Parang sa panahon ngayon ang bilis lumipas ng araw, parang noong isang araw lang pasko tapos ngayon magpa-pasko na naman akalain mo yun matatapos na ang araw ng dalawang magdodong-Ang araw ng mga patay. Joke lang af hahaha...

Seryoso na'to mga par!

Para sa iba, malaking celebration ang pasko pero sa mga katulad ko na may mahirap na pamumuhay tulad ng mga tao dito sa iskwater ang pasko ay isa lang na...ordinaryong araw. How sad hindi ba?

Kung i-isipin mo... yung mga may pera diyan pahamon-hamon lang sa pasko tapos ikaw ayon tuyong isda ang nasa hapag... Mapapaisip ka na lang na nakapakaunfair ng mundo.

Kaya nga hindi ako naniniwala sa sabi-sabi ng iba na... ang lahat daw ng bagay dito sa mundo ay pantay-pantay. Isang malaking kalokohan! Kung lahat ng bagay ay pantay-pantay bakit mayroong mahirap at mayaman? May pandak at matangkad? May maputi at maitim? May mataba at payat? Nasaan ang sinasabing pantay-pantay doon mga par? Sa mga nabanggit makikita mo ang konsepto na sa mundong 'to wala talagang pantay-pantay.

Hindi ko rin naman masisisi yung iba kung ganoon nila tingnan ang buhay.

Iba-iba ang kaisipan natin.

Pero taympers muna parang mas lumalamig ah...

Tang'na! Ang lakas makanorth pole yung feeling mga af.

parang may something ah...weird parang may nakamasid sa akin, alam niyo iyon? Yung pakiramdam na parang may nakamasid sa kagwapohan ko? Syet! Ganoon na ganoon ang nararamdaman ko ngayon sabayan niyo pa ng napakalamig na ihip ng hangin. Lakas makahorror ah!

Hindi kaya totoo ang sabi-sabi ng mga tsismosang matatanda sa kanto malapit dito sa munting bahay namin na tuwing hating-gabi at tulog na ang lahat ay doon lumalabas ang mga hindi nakikitang mga nilalang? Footspa! Ang tanda-tanda ko na nagpapaniwala pa ako sa mga pambatang kwento. Tsk, ang tulad kong gwapo hindi natatakot sa mga aswang o multo man iyan.

"Awooooooo...."

"Nak ng! Ano iyon?" Ah, siguro yung alagang aso lang iyon ni pektong na si bayog yung katropa nila dukot at paa sa larong jolens. Tama! Makapasok na nga lang mukhang kaunting lamig pa magiging isang ice na ako dito, makapasok na nga! Woi... di ako takot baka iyan ang iniisip niyo. Matapang 'to walang kinakatakutan.


****

Tiktilaok...

Tiktilaok...

"Oh, dong dith naunsa man'a ang imong mata? Nga man naa'y bagahe sa ibaba ana?"

Hahaha... si dukot iyan. Naks, lakas makapuna ah... eh, silang dalawang magkapatid ang pangunahing dahilan kung bakit nangungulumata ako ngayon. Kapag ganito talaga ang eksena ang sarap kurutin ng dalawang 'to gamit ang nailcutter eh.

"hahaha... lage dong dith ang imong dagway karon parang si Valak sa ano na nga iyong palabas? The Mom? The Mama? Ah, basta kadagway nimo siya dong." Naks, tibay! Dinagdagan pa.

"Eh, kung tsinelasin ko iyang mga pagmukmukha niyo? Ano? Sagot!" Inis na sabi ko sa mga ito.

"Ah... hihi... nakalimtan ko wa pa tay tinig'ang dong cas, makatig'ang nga muna." Dali-daling sibat ni paa sa harapan ko sa sobrang bilis dinaig niya si Flash. Ayos!

"lage, nakalimtan ko palang magsipilyo hihi.. makapagsipilyo nga muna." Mabilis pa sa alas kwarto na nawala sa paningin ko ang dalawang baluga. Kung 'di ko lang alam na umiiwas lang silang dalawa na makaltokan. Alam din ng mga iyan na umuutot sila tuwing hating-gabi. Sa aming tatlo kasi ako ang pinakamatanda kaya takot lang ng mga iyan. Dito sa munting pamamahay namin ako ang batas!

****

"Dong dith alam mo bang nakadamgo ako tongko-"

"H'wag mo ng i-kwento sigurado ako na tungkol na naman iyan sa mga babaeng maganda kuno na nahuhumaling sa'yo sa panaginip mo." Putol ko sa sasabihin ni paa. Hindi naman sa bastos ako mga par pero kasi iyang si paa pauli-ulit na lang yung kwento niya na marami daw ang nagkakagusto sa kanya na mga chicks eh ang totoo sa panaginip niya lang naman iyon nangyayari. Wala ng bago!

At saka kapag nagk-kwento ang isang iyan may pasounds effect at with action pa, take note mga par may kasama pang talsik laway iyan. Pambihira kapag magk-kwento... kwento lang wala ng action-action pa! ayon tuloy lagi kaming naliligong dalawa ni dukot ng kanin na nagmula lang naman sa bibig ng kupal na si paa, samahan mo pa ng nakakapangiwing mga bisaya words niya.. nila ni dukot. Ang tagal-tagal na nilang dalawa dito sa Tinubuan City pero hanggang ngayon hindi parin nila, gamay magsalita ng tagalog kaya tuloy napapaisip ako kung kung ano ba ang ginawa ng dalawang iyan eh.

"Lain ne dong dith tongkol 'to sa imoha kay nakadamgo baya ako na nahimo ka raw wakwak ay este bampira tas unya ang imo kaduha ka mata na kulay itim nagbag'o naging pula na parang si Idward Culeng (Edward Cullen) sa twilight yung bampira na parang naay sakit sa balat sa sobrang puti."

Bigla akong napatigil sa pagsubo ng kanin ng marinig ko ang kwento ni paa.

"Oh? Unya dong Lyod unsa'y nahitabo kay dong dith?" tanong ni dukot na tulad ko ay napatigil din sa pagkain.

"Hihi... nakalimtan ko na ih." Ngising pakamot-kamot nito sa batok nitong maiitim.

"Nak ng! pabitin ka paa naudlot pa ang paglamon ko!!" Asar kong sabi dito.

"Langya ka dong lyod nagakala ko climax na." Reklamo rin ni dukot na sambakol ang pagmumukha sa may tabi ko.

"Sori naman mga dong pogi lang."

Tsk!

"Uy dong death, nagsasawa ka narin ba dito sa iskwatir eria? Kasi ako oo, minsan nga napapatanung na lang ako sa sarili ko kung may pusyur ba tayong tatlo dito."

Napahinto ulit ako sa pagsubo ng biglang magsalita si dukot sa tabi ko ngayon. Naks! Nakakatagalog pala ang isang 'to kapag seryoso. Amputs!

Napaisip tuloy ako. Leche! Buhay Iskwater nga naman.



Ipagpapatuloy...

@ShallKnight

DEATH: The Crown Vampire Prince (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon