Ika-dalawang Pahina

20.5K 260 37
                                    

Chapter 2

The rebellious Yaya.

Janine's POV

"Crawling across the moonbeans,"  Sinabayan ko ang paburito kong kanta ung 241 naging paburito ko ito dahil kapangalan ko ang umawit nito.

"A summer night in heaven," Habang nagpiprito ako ng itlog ay bumirit ako habang hawak ang pamprito! Mic kumbaga!

Handa na ako sa susunod na mga salita, ng biglang may nagbukas ng ref, paglingon ko ay labis akong nagulat at hindi na nakagalaw ng makita ko si Madam Zara na nakatingin sa akin habang nagsasalok ng tubig.

Kinilabutan ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Grabe yun, nakakatakot.

Iniwas ko ang tingin ko ng mangasim ang mukha ko sa naalala.

Hindi ko sya kinibo kahit na ramdam ko ang titig nya.

"Nakita mo kami kagabi?" Kinilabutan ako sa tono ng boses nya na tila ba natutuwa pa sya na nakita ko ang kababuyan nila?

Binaliktad ko ang itlog dahil masusunog na ang ilalim nito.

Umiling ako bilang sagot kahit na kitang kita ko naman sila kagabi.

"Good. I don't want other interfering to my business." Balik sa strikta nyang tinig kaya napairap ako.

"Business na pala ang gumawa ng milagro." Bulong ko na agad kong pinagsisihan dahil naibalibag nya ang baso.

"Next time, wag kang basta basta lalabas ng kwarto!" Tumaas ang boses nya kaya napatigil ako sa pagluluto.

Ako pa ang mali? Nabubuang na ba sya?! Sya ang mali! Una! Ang babae ay para sa lalaki!! Pangalawa! Nasa iisang bahay sila ng anak nya!! Buang ba ang babaeng ito?!

Kinalma ko ang sarili ko dahil talagang nagngingit-ngit na ako sa inis!

"And wag mo akong mabastos bastos!! I won't tolerate that just because you know that I can't fired you!" Napahinto ako sa pagpapakalma ko sa sarili ko

She can't fired me? Bakit?

"Anong ibig nyong sabihin?" Lito akong napatanong.

Wala akong paki kung galit sya, kailangan ko talaga malaman.

"Don't play innocent! I know na hinired ka ni Dad para bantayan ang bawat kilis ko! And only Dad can fired you, stupid!"

Naglihab ang mga mata ko sa itinawag nya sa akin.

Ako stupid?! Abaaaa!! Sumusobra na sya ahh!!

Aalis na sana sya pero hinila ko ang braso nya. "Bawiin mo ang sinabi mo!! Mababa lang ang pinagaralan ko pero hindi ako bobo!!"

Kung hindi nya naman pala ako mapapalayas dito ay luluboslubusin ko na ito!

"Wala akong paki sayo! Makipagsex ka kahit saan kahit kanino pero wag sa harap ng anak mo! Maging mature ka nga!! Hindi lahat maapakan mo! Ibahin mo ako Madam Zara!" Huminga ako ng malalim pagkatapos ng tuloy tuloy kong speech.

Natulala sya sandali pero unti unti sya namula sa galit.

"Kahit anong galit mo Madam, wala akong pake. Nandito ako para kay Adan hindi para sa walang galang nyang ina!" Nagwalk out na ako sa sobrang inis ko.

Hindi ko na sya nilingon pa tutal ay nadala ko naman ang pagkain namin ni Adan. Bahala na sya sa buhay nya un naman ang gusto nya eh.

Habang inaayusan ko si Adan ay napansin ko ang pagsunod ng tingin ni Madam sa amin ni Adam.

Madam & YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon