Ika-Tatlong Pahina.

21.2K 287 24
                                        

SPG

Chapter 3

Troubled.

Janine's POV

Naupo ako sa tabi nya for the third time.

Tatlong araw na syang ganito, at hindi ko na alam ang nararamdaman ko sa tuwing ginagawa nya iyon.

Malaki ang pinagbago nya. Siguro ay nagawa ko na ang mission ko.

"Yaya, please prepare the food. Adan will eat with us."

Malambing nya akong nilapitan at hinaplos haplos ang aking braso.

Palihim akong napatili sa ginawa nya. Pero kasabay din nun ay ang kakaibang sesasyon na naramdaman ko sa kalooban ko.

Ano ba Janine?! Maghunos dili ka!

Umiwas ako sa pamamagitan ng paghakbang paabante dahi nasa likuran ko sya habang binibihisan ko si Adan ng uniporme nito.

"Opo, Madam."

Hindi ko alam kung ano ang naiisip ko at nakakaramdam ako nun, ang alam ko lang sa tuwing hahawakan ako ni Madam ay nayayanig ang mundo ko sa kung anong kadahilanan.

Iniwan ko sila ni Adan sa kwarto at dumiretso na ako sa kusina para ayusin ang pagkain.

Ngayon ang pangalawang araw na sasabay kami ni Adan kay Madam sa pagkain.

Kinuha ko ang telepono ko sa aking bulsa ng maramdaman ko ang pagvibrate nito.

"Repor, Miss Torres."

Binitawan ko ang hawak kong plato ng mapagtantong nakaligtaan ko ang pagrereport kay Mr. Chief.

"Malaki na po ang pinagbago ni Madam. Sa katunayan nga po ay pangalawang beses na syang sinasabayan sa hapag si Adan. At nakikita ko kung gaano kasaya ang bata."

Masaya kong saad dahil sa katunayan labis ang galak ko sa mga nangyayari.

"I guess tama si Mr. Cruz for choosing you. Good job! I'll tell you a good news sometime."

Agad na binaba ni Mr. Chief ang telepono kaya nagalak nanaman ako sa sinabi nyang magandang balita.

"Hey, you done yet?"

Napatalon ako ng sumulpot ang malumanay na si Madam sa pinto ng kusina.

Ngumiti lang ako at hinawakan na muli ang mga plato.

"Handa na po." Malapad akong ngumiti, ganon din ang kanyang ginawa at kinuha ang platong hawak ko.

Ganito na sya kabait mula ng sigaw sigaw ko sya noon.

Natatakot ako na hindi totoo ang lahat pero masaya ako sa kung anong nararamdaman at nakikita ko ngayon.

Sumunod ako sa kanya at nakita kong nakaupo na si Adan sa hapag kaya naman nagmadali na akong lapitan sya at handaan ng pagkain.

Pagkalapag ni Madam ng plato ay inasikaso ko kaagad si Adan.

Nilagyan ko ng Kanin at ulam, sinubuan at inasikaso.

Nasa pagitna ako ni Madam at Adan, kaya naman ikinagulat ko ang paghawak ni Madam sa balakang ko.

Naistatwa ako sandali at ng haplusin nya ito paakyat at pabalik sa balakang ko ay namuo ang pawis ko at bumigat ang paghinga ko.

May kung anong nagkakagulo sa tiyan ko.

"You forgot about me."

Mabilis akong napalingon ng marinig ko ang malungkot at pakyut nyang boses.

Madam & YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon