Ika-Siyam na Pahina

12.7K 205 7
                                    

Chapter 9

Janine's POV

Galit?

Bakit sya galit? Mahal na nya pa ako ulit? Kasi kung oo di ko alam kung matatanggap ko.

Sumuko na kasi ako.

"Can I have Adan?" Linakasan ko na ang loob ko at lumapit na ako sa kanila.

Mabilis na lumapit ang girlfriend nya s tabi nya kaya naman ang mga mata ni Mr. Cruz ay nakatuon na sa amin.

"I don't want to make a scene. I just want to be with him." Seryoso kong saad.

Ayoko na ng gulo, gusto ko lang hagkan si Adan sa kaarawan nya.

Mabilis na inabot ni Zara si Adan sa akin.

"Let's start the party." Saad nya sabay alalay sa aking likuran patungo sa lamesa na may malaking cake.

Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang kanyang mga palad.

It brings back memories.

Mga alaala na parang kahapon lang.

"Love, help me here." Sigaw ng girlfriend nya kaya napahinto ako.

Mabilis na bumitaw si Zara at tinugunan ang kanyang kasintahan.

"Welcome everyone to Adan Sebastian Cruz 6th birthday party!" The clown starts to liven up the party.

"Clown!!!!" Masayang sigaw ni Adan kaya naman linapit ko na sya duon.

The party goes on at hindi na muling tumabi sa akin si Zara.

Sa gitna ng party ay natulog si Adan kaya I decided to bring him to his room.

Kabado ako, dahil sabi ng katulong ay umakyat din si Zara at ang kanyang kasintahan na narinig kong ang pangalan ay Amanda.

Bago ang kwarto ni Adan ay ang kwarto ni Zara.

Handa na ako sa maari kong marinig dahil noon pa man alam kong mapusok na si Zara.

Dahan dahan akong naglakad habang kalong ko si Adan at nasa likod ko ang isang katulong na pinalit ata sa akin.

"I don't know!! But everything you told me lahat yun saliwa sa nakikita at nararamdaman ko para kay Janine!"

Nahinto ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Zara.

She even mention my name.

"What do you mean?! Wala ka na bang tiwa sa akin? Mula ng maaksidente ka nagbago ka na!"  Sigaw pabalik ni Amanda.

Tama, nagbago na si Zara, dahil yun sayo bitch.

At saka wala ka naman kasi dapat sa kwento, nagsusumiksik ka lang kasi.

"I'm sorry love, don't cry. Please."
Those words.

The tone of her voice.

That was the last tone of her voice that I've heard.

Tumulo ang luha ko sa mga alala na mabilis akong kinain kaya naman nagmadali na ako papunta sa kwarto ni Adan.

This won't work. Maybe I should rest a bit. I need to save myself.

"Paki sabi na lang kay Adan paggising nya, Umuwi na ako, tell him I'll just have a vacation."

Paalam ko sa yaya ni Adan.

I kiss his forehead at nagmadali na akong lumabas.

Pero lahat na ata ng kamalasan nakadikit sa akin.

Madam & YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon