Prologue.
Janine's POV"Janine, Jan apo, bangon na, ngayon ang araw ng taglagas marami tayong kailangan linisin sa buong bario."
Mahinang tapik sa aking baywang ay inimulat ko na ang aking mga mata.
Nakangiti akong binungad ni lola Deng. Hinalikan nya ako sa pisngi na labis kong ikinagulat.
"Magandang umaga mahal kong apo." Niyakap ako nito ng mahigpit "Palagi mong aalagaan ang iyon sarili, palagi mong didinggin ang panginoon, palagi mong aalalahanin na ako ay nasa sa iyong tabi lamang. Mahal na mahal kita apo." sabay halik sa aking noo at ngumiti ng napakatamis na nagpangiti rin sa akin.
"Gutom ka na ba lola? Kung ano ano ang iyong pinagsasabi!" Natatawa kong kutya sa kanya na kanya rin namang tinawanan.
"Tayo na at marami pa tayong lilinisin." Mahinahong tumawa ang Lola na nagpaalala sa akin kung gaano na sya katanda.
Matanda na ang Lola Deng na alam kong ang simpleng pagtayo ay mahirap na sa kanya, pero dahil alam ko napapasaya naman siya ng araw araw na paglabas namin upang linisin ang bakuran ng ibang tao ay hinayaan ko na lang sya at sinamahan.
"Magandang umaga, lola. Bago tayo magtungo roon ay hahainan ko muna kayo ng almusal ng sa gayon ay hindi na tayo gutumin pa."
Agad na akong tumayo at nagtungo sa sibakan ng kahoy namin at nagsimula ng magpalihab.
"Mabuti pala at naisipan kong magbiyak kagabi."
Bulong ko sa sarili ko.Ang Lola ko na lamang ang nagiisa kong pamilya, ang inay ay maagang pumanaw samantalang ang itay ay nakipagsapalaran sa maynila pero ni minsan ay hindi na sya sumulat sa akin magmula ng pumanaw ang inay.
Ako nga pala ang bunso sa aming labing isang magkakapatid, pero ni isa sa mga iyon ay hindi na ako kaylan man binalikan. Umalis sila sa dahilang hindi na nila kayang pakisamahan pa ang Lola Deng na labis kong ikinagalit.Magmula ng umalis ang itay at pumanaw ang inay ay ang lola na ang tumayong magulang namin. Oo mahigpit ang lola pero napakalaki ng ginawa nyang sakripisyo at pagod upang matustusan lamang ang aming pangangailangan tapos magbibitaw lang sila ng salita na labis na ikakalungkot ng Lola? Syempre hindi ako papayag!
Kaya naman nagsialisan sila at iniwan ako kay lola.
Ang balita ko ay nagsipagasawa na sila.
Dise-otso anyos palamang ako pero sabi ng mga tao sa bario ay hamak na mas matanda ang isipan ko.
Lahat ng tao sa bario namin ay alam ang paghihirap namin ng Lola kaya naman tinutulungan nila kami sa pamamagitan ng pagalok na magwalis kami ng lola sa harap ng mga bakuran nila."Ano ho Lola? Handa ka na ho ba?" Pagkatapos kong hugasan ang mga kubyertos ay nagtungo na ako sa aking Lola.
Nanginig agad ang aking tuhod at mga braso ng makita kong nakahandusay ang aking Lola sa paanan ng kubo namin.
"Inang Berta!! Manong Julio!! Tulong ho!!! Ang Lola Deng!!!!"
Malakas na sigaw ko habang tinatakbo ang Lola ko upang mahagkan.
"Lola Deng." Inangat ko ang kanyang ulo at pilit ko syang ginigising pero hindi sya magising.
Nakangiti ito habang nakapikit.
Agad akong napahagulgol ng makitang hindi na sya humihinga."Inang Berta!!!! Manong Julio!!! TULONG HO!!!"
Sumigaw ako sa abot ng aking makakaya. Hindi ko kakayanin na pati ang aking Lola ay iwanan ako.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay at naramdaman ko ang gaspang ng kanyang mga palad.
Ito ang resulta ng pagkayod nya para sa mga walang utang na loob kong mga kapatid!
![](https://img.wattpad.com/cover/129427840-288-k216357.jpg)
BINABASA MO ANG
Madam & Yaya
RomanceShort Story. 🔞Warning🔞 Again a story for LGBT nation. Don't read if you're not an open minded person!!! Don't read if you're below 18!! Strictly Rated SPG!!! UPDATE every TTHS Lababuu!!!