Ika-Unang Pahina.

23.6K 285 10
                                    

Chapter 1

Meet Adan.

Janine's POV.

"Magandang araw miss. Narito po ako para ihatid kayo sa bahay ni Maam Zara."

Sya ung lalaking nakausap ko nung libing ni Lola Deng. Si Mr. Chief.

Sabi nya sa akin ay kilala ni Lola Deng ang pamilya ng pupuntahan ko at nais lang nila akong tulangan dahil na laman nila ang pagpanaw ni Lola.

Dahil naisip ko rin na kailangan ko ng tumayo sa sarili kong mga paa para mabuhay ang aking sarili ay ito ang kaagad na biyaya ng panginoon.

"Handa na ho ako." Ngumiti ako ng mapakla. Kahit nakapagdisisyon na ako ay nahihirapan parin akong lisanin ang bariong aking kinalakihan.

Kinuha ni Mr. Chief ang bayong ko at ipinasok sa magarang sasakyan.

Nilapitan ko si Inang Berta at Manong Julio. "Salamat po sa inyong naitulong. Pangako ho papadalhan ko kayo sa una kong sahod at sa mga susunod pa bilang kabayaran."

Umiling ang naiiyak na si Inang Berta.

"Hindi na kailangan, anak. Magiingat ka palagi. Patnubayan ka nawa ng diyos." Nagmano ako kina Inang Berta at Manong Julio.

Sila ang naging mga magulang ko sa loob ng isang buwan magmula ng pumanaw si Lola Deng.

Napakahirap isipin na bukas paggising ko hindi na Bario Galio ang bubungad sa akin.

Nagtungo na ako sa magarang kotse at sumakay.

"Didiretso po tayo kina Madam Zara at sa anak nyang si Adan." Panimula ni Mr. Chief na nakaharap sa akin.

"Maging mapanuri ka Miss. Iba ang ugali ni Madam Zara, at kung maari alagaan mo ng mabuti si Adan." Pinaandar na ng drayber ang sasakyan pero tuloy parin ang pakikinig ko kay Mr. Chief.

"Ang trabaho mo ayon kay Mr. Cruz ay ang baguhin ang pakikitungo ni Madam Zara kay Adan." Saad pa ni Mr. Chief na nagpakunot sa aking noo ang alam ko sabi nya sa telepono ay mag-ina ang pagsisibihan ko. Ngunit bakit ko pa babaguhin ang pakikitungo nitong ina sa kanyang anak?

Mukhang hindi madali ang trabaho na ito kaya si Lola Deng ang kanilang nilapitan ah.

Paktay ka na Janine!

Ano kaya ang magiging takbo ng araw araw ko sa susunod na umaga?

Nakatulugan ko ang pagiisip ng maaring maging buhay ko sa maynila at ang magiging amo ko.

Pagkamulat ko ay syang paghinto ng sasakyan sa isang matayog na establisyemento.

"Narito na tayo. Bumaba ka na." Dali dali akong bumaba ng makitang nailabas na nila ang aking mga gamit at ako na lang ang nasaloob.

Mga bastos hindi manlang ako ginising! Nakakainis pero ayos lang. Tagasilbi lang naman ako rito eh.

"Sa 20th floor ang kwarto ng titirhan nyo nila Madam. Wala pa sila duon at tanging mga katulong palang dahil biglaan ang disisyong ito ni Mr. Cruz kaya ang mga katulong na lang duon ang bahala magturo sa iyo." Srikto na ang itsura ni Mr. Chief. Matanda na ito pero napakatikas parin ng pangangatawan.

"Hannah! Eto si Miss. Janine, samahan mo na sya." Isang utos ni Mr. Chief ay napatakbo na ang tinawag nyang hannah.

"Tayo na." Ngumiti ito sa akin at itinuro ang daan.

Sumakay kami sa elevator kung tawagin ni Hannah. Halos maduwal ako pagkalabas namin dahil sa hilong naramdaman ko.

"Ganyan din ako nung una! Ayos lang yan!" Natatawang saad ni Hannah na ngayon ay nakatayo na sa kulay gintong pintuan.

Madam & YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon