Ika-Walong Pahina

12.5K 212 4
                                    

Chapter 8
Adan's Property.
Janine's POV

"Ayan tapos na." Saad ni Ate Jasmine kaya naman iminulat ko na ang aking mga mata.

I was stunned to the girl I was looking.

"I simply just highlight your eyes and cheeks but look at you. You look so perfect."

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

The doorbell rang and parang nabalik din ako sa katinuan ko.

"Sakto, nandito na sya. Sabay sabay na tayo."

Hindi ko nagets ang sinabi nya hanggang sa makita ko na ang taong pinagbuksan nya.

"Ready?" Doctor Lara said.

What the hell?

"Jan, Gino my boyfriend perhaps you know him as Doctor Lara?" Nakangiti nyang saad at hinila na ako palabas.

"Hinihintay ka na ni Adan, we should go now."

Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng gana magtanong ng maalala ko ang pagiyak ni Adan.

"I'll just get my phone."

Naabutan ko ang telepono ko na nagriring.

Babe Calling......

Mabilis ko itong sinagot.

"Hello?"

"Hindi ko alam kung sino ka at ano ang halaga mo sa pamilya ko pero kanina ka pa hinahanap ni Adan, baka pwedeng pumunta ka na."

Kinilabutan ako sa tono ng boses nya, ganiyong ganito ang boses nya noon, nung mga panahon na nagaway kami, ung panahon na unang beses ko syang sinigawan at pinangaralan.

"I'm on my way." Gusto kong pahabain pa sana ang usapan pero muling bumalandra sa isip ko ang nakita ko kanina.

Muling nangibabaw ang selfishness, Jealousy, at ang inis ko.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako naging selfish.

Selfish ako dahil mahal ko pa ang sarili ko. Ayokong mawala ang pagmamahal ko sa sarili ko dahil lang nawala ang taong mahal na mahal ko.

Wala na nga sya, pati ba naman sarili ko kakalimutan ko? Never.

"Take--..."

Binaba ko na ang telepono kahit na narinig kong may sasabihin pa sya.

Ayoko na, namimiss ko lamang sya.

Mabilis lang ang naging byahe namin dahil nandito rin naman ang bahay ko sa Marikina.

Mabilis akong sinalubong ng umiiyak na si Adan, niyakap nya ako ng mahigpit at nagpakalong na.

"Kanina pa iyan, ikaw ang hanap." Mr. Cruz said na punong puno ng lungkot ang tinig.

I smiled at him to ensure him that I am alright kahit na hindi naman talaga.

"Akala ko hindi mo na ako mahal." iyak ni Adan kaya mabilis ko syang inalu.

"That's not true, alam mong ikaw ang baby boy ko diba? You know how much Mommy Janine loves you!"Sabay halik sa kanyang mga pisngi na mamulamula.

"I know, but tita said you will not come and you did not love me."

Napakunot ang noo ko sa titang tinawag nya, at sino bang matinong tao ang sasabihin iyon sa walang alam na bata?

"Tita, who?" Nilingon ko si Mr. Cruz na kita rin ang gulat at galit.

"The girl with mommy."

Itinuro nya ang pintuan at nakita ko ang mga mata ni Zara na matiim na nakatitig sa akin, sa tabi nya ay ung ex-secretary nya.

Madam & YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon