Chapter 4
Pained.
Janine's POV
"Babe, handa na ang almusal." Ngayong araw na siguro ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko.
"Baby Adan, time to wake up." Tapik ko naman kay Adan na nasagitna namin ni Zara.
Mula ng isuko ko ang sarili ko sa kanya kahapon ay hindi na sya punayag na Madam ang itawag ko sa kanya. It's either Zara or Babe.
Mas gusto ko ung panghuli.😊
Gumalaw si Adan at ganon din si Zara. Sabay silang nagunat na akala mo napagusapan nila ito dahil sabay na sabay ang mag ina.
"Wake up! Kain na tayo." Pilit ko mang itago ang ngiti ko ay hi di ko naman naitago ang saya sa boses ko.
I'm more than happy.
Tumayo ako sa side ni Adan para mapuntahan ang parte ni Zara.
Pagkalapit ko ay agad nya akong hinila na labis na nagpatalon sa akin dibdib.
Hindi katulad ng mga nakaraang araw alam ko na ang dahilan ng pagtalon nito.
"Good morning, Babe."
Dahil ang babaeng ito ang tanging taong magbibigay sa akin ng kaligayahan.
"Good morning." Isang halik sa noo ang ginawa ko habang yakap nya ako ng mahigpit.
Napakasarap sa pakiramdam. Damang dama ko ang pagmamahal sa bawat yakap at halik nya.
Ginaya nya ako at hinalikan nya rin ang noo ko.
"Kanina ka pa gising?" Tanong nya pagkatapos ng kanyang panlalandi sa akin.
Seryoso! Napakalandi ng babaeng ito! Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit sya habulin! Babae man o lalaki! Nakakainis lang.
Naisipan ko tuloy bigla maginarte.
"Oo! Bumangon ka na nga! Nakakainis ka!" Sabay tulak ko sa kanya at tayo ng mabilis pabalik kay Adan.
Nakita ko ang gulat nya sa biglaan kong pagkainis.
Gusto kong humalakhak pero hindi ko magawa dahil biglaan ko syang nakita ng takot sa mukha.
Habang ginigising ko si Adan ay unti unti kong naramdaman ang paglapit nya sa likuran ko.
"Hey, I'm sorry okay? Bukas, I swear, ako na magluluto ng breakfast!" Para syang bata na naiiyak dahil na agawang ng candy.
"Promise!" Sabay cross nya sa dibdib at taas ng kanang kamay.
"PFFFTTT..WHAHAAHAHAHHA!" Hindi ko na napigilan ang grabe nyang kakyutan!
Hinila ko sya at niyakap ng mahigpit sabay paulan ng halik.
Nakakainis na hindi ko sya kayang tiisin!
Grabe na yan Janine!
Nalilito nya akong tinulak at bigla nya akong tinaasan ng kilay. Ngayon sya naman ang galit.
"Hindi ako galit dahil duon, galit ako kasi naisip ko kung gaano ka kapopular sa mga babae." Sabi ko sabay yakap muli sa kanya ng sya naman ang timalikod dahil nagtatampo.
"Natatakot ako na isang araw iwan mo ako dahil di ako enough, dahil hindi mo na ako gusto." Seryoso ako. Hindi ko na ata kakayanin pa.
Noong sinabi nya na She needs me? Viceversa yun, dahil mas kailangan ko sila. Like I said, ngayon lang ako naging ganito kasaya.
"Kayo ni Adan ang source of happiness ko. Ikaw ang tanging nagparamdam sa akin ng ibat ibang klase ng saya." Napahikbi ako ng maalala lahat ng pinagdaan ko.
"Lumaki ako ng puro problema ang kaharap." Patuloy ang pagtulo ng luha ko.
Mabilis syang humarap at nagaalalang hinawakan ang pisngi at braso ko.
Ngumiti ako. "Pwede ka bang makinig sa kwento ko?" Wala ni isang tao ang nakakita sa aking ganito kahina. Kahit noong nabubuhay pa si Lola Deng.
Tumango lang sya bilang tugon habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Noong bata pa ako masaya ang buong pamilya kong namumuhay sa maliit na kubo sa bario namin." Napangiti ako sa Imahe namin ng pamilya ko noong bata pa ako.
Ang Inang at ang Papang na kitang kita mo ang pagmamahal na meron sila para sa isa't isa, kami ng mga kapatid ko na masayang naglalaro sa harap ng bahay nila Inang Berta.
"Hindi ko kailan man naisip na mabubuwag kami." Napahagulgol na naman ako, at muli na naman nagalala si Zara kaya hinalikan nya ako sa noo sabay patahan.
Timango muli sya ng huminto na ang paghikbi ko.
"Hanggang sa iyon nga, Nagkasakit si Inang kaya ibinenta namin ang natatanging kayaman na meron kami. Ang kubo at lupa namin." Sumakit ang mata ko sa maagang pagiyak.
Hawak lang ni Zara ang kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko habang ang buong atensyon nya ay nasa akin lamang.
"Akala namin noon kung magagamot ang Inang ay bubuti na sya at mababawi rin namin ang Lupa namin, but I was wrong." Nakita ko ang lungkot nya ng magbadya na naman ang luha ko.
I touch her face dahil hindi ko kayang makita syang naluulungkot."Should I stop? Napapaiyak na kita." Hinalikan nya ang palad ko na nasa pisngi nya.
"No, continue. What ever your problem will be my problem too." Malungkot syang ngumiti at hinalikan ang ulo ko.
Napangiti ako sa sinabi nya. I never share my problems. Except to her.
"I was 16 ng mamatay si Inang. Para mabawi ang lupa namin ay pumaynila si Papang at iniwan nya kami kay Lola Deng na kababalik lang galing dito sa inyo." Ngumiti ako ng mapait para naman alam nyang ayos lang ako.
"Pero alam mo kung ano ang masakit? Ilang buwan lang ang lumipas ay nawalan na kami ng contact sa Papang namin." Tumulo ang luha ko pero pinilit ko paring ngumiti.
"Nakita ko ang pagsasakripisyo ni Lola deng sa amin pero hindi iyon nakita ng mga kapatid ko. Sinuklian nila ng Puot at sakit si Lola deng. Iniwan nila kami."
Sa totoo lang namimiss ko na sila.
Si Ate Janice, ate Janica, Ate Jasmine sina Kuya Jad, Kuya Jastine, at Kuya Jardine. Si Ate Jasmine ang pinakanamimiss ko. Sya ang panganim sa aming magkakapatid hindi nagkakalayo ang edad namin.
"Hindi na nila kami binalikan kahit na noong mamatay ang Lola Deng."
Pinunasan ko ang mga tumulong luha at niyakap ang naiiyak na rin na si Zara.
"I'm sorry for being rude to you the last time. I love you, babe." Ginawaran nya ako ng mahigpit na yakap at isng halik sa balikat.
"I love you more. Salamat at pinaramdam mo sa akin ang salitang Saya."
....To be coontinue.
BINABASA MO ANG
Madam & Yaya
RomanceShort Story. 🔞Warning🔞 Again a story for LGBT nation. Don't read if you're not an open minded person!!! Don't read if you're below 18!! Strictly Rated SPG!!! UPDATE every TTHS Lababuu!!!