Chapter 6
Forgoten.
Janine's POV
The memories from two years ago still feels so fresh on me.
"Jan I'm sorry, I love you."
Mga huling salitang binitawan nya.
Kung sana hindi na nya inisip na iligtas pa ako hindi sana ako ganito ka guilty.
I'm so guilty to the point that I tried to commit suicide.
Sa loob ng tatlong taon ay lalo kong kinamuhian ang ama ko.
Mr. Cruz let me stay on thier house kahit na nangyari ung aksidente na iyon.
"Mommy Janine? Do you miss mommy again? Wag ka na cry please?"
Nilingon ko si Adan na nakatingala sa akin habang ako ay nakaupo sa tabi ng nakahigang si Zara.
"She'll wake up soon." Ngumiti ito na akala mo ay talagang bukas lang magigising na si Zara.
Hinalikan ko sya sa noo dahil alam ko maging sya ay nangungulila na.
Dalawang taon ng coma si Zara, dahil sa akin.
Napahagulgul ako habang yakap ko si Adan.
"I'm sorry, anak. Kung siguro ay hindi lang ako naginarte pa, hindi ito mangyayari." Gasgas na ang linys kong ito alam ko.
Pero kahit gaano pa ito kagasgas hindi ko titigilang sabihin ito sa mga taong nagmamahal kay Zara ng pauli-ulit.
She was my everything.
Kung habang buhay syang coma, habang buhay ko syang aalagaan.
Nagiisa lang sya sa buhay ko. Ibubuhos ko ang buong buhay ko para alagaan sya.
Dahil sya ang mahal ko.
Pero kailangan ko rin magpakalakas para kay Adan.
Ang anak namin.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.
Adan is her son, kaya anak ko na rin sya.
"Come on? Punasan na natin si Mommy?" I smile as big as I can.
Tumango sya kaya naman piniga ko na ulit ang bimpo sa gilid, sa loob ng maliit na balde.
Pagbaling ko kay Zara ay ikinagulat ko ang pagkasalubong ng mga mata namin.
Gulat at masama ang tingin nito sa akin.
Malakas na pumintig ang dibdib ko.
"Mommy!!!" Agad tumakbo si Adan sa gilid ng kama ni Zara.
"Who are you?"
Nabitawan ko ang aking hawak na bimpo at mabilis akong napatakbo kay Zara.
Wag naman sana!
Alam ko sinabi na ng doctor na may possibilities na ganto pero I still wish na sana hindi, sana wag.
"Babe. Si Adan yan." Ngumiti ako ng malapad hoping na sana nagbibiro lang sya.
Tinaasan nya ako ng kilay.
"I know, I mean who are you?"
I step closer to her but she stop me.
"Tinatanong kita!" Nagecho ang sigaw nya sanhi ng pagtalon ng puso ko.
Lumunok ako at ngumiti muli, to hide my tears.
"Ako po si Janine, yaya ni Adan."
Masakit pero kung naalala nya si Adan ay ito na lang ang pinakamalapit na posisyon na malapit sa kanya.
Saktong pumasok ang doctor na kasama si Mr. Cruz.
"Zara!" Sigaw ni Mr. Cruz.
Hindi na ako muling nakabawi pa.
She forgot about me.
Am I forgoten?
Nagusap sila Zara at Mr. Cruz.
Nagkaroon ako ng chance na lapitan ang doctor.
"Doc, she forgot me. Please, help me."
Hindi ko na kinaya kaya napatalikod na ako sa pwesto ni Zara at paharap sa pinto.
I decided to go outside at sinundan naman ako ng doctor.
"She forgot me. Only me."
Napaluhod ako ng marealise ko ang buong pangyayari.
"Calm down, Ms. Torres. I'll run some examination para malaman natin ang buong lagay nya." Kalmadong saad ni Doctor Lara.
Tumango ako at inilabas na lamang ang mga luha ko sa sulok ng ward.
Hindi ako bumalik sa loob ng kwarto nya ng buong maghapon.
Mr. Cruz and Adan didn't leave her side too.
Nagdesisyon ako na ihinto na ang pagiyak at pumasok muli sa kwarto pero bago paman ako makahakbang ay naginit ang ulo ko sa taong nasaharap ko.
My father with 3 girls next to him and 3 boys behind them.
"Hindi ka na dapat pa nagpunta dito! Nang dahil sayo nakalimutan na ako ni Zara!!" Sigaw ko sa abot ng aking makakaya.
Niminsan hindi ako tinuruan ni lola na magtanim ng galit.
Parati nyang sinasabi sa akin na patawarin ko na ang pamilya ko dahil may dahilan ang lahat.
Nung una madali pa, pero ngayon na naiinsecure ako na baka makalimutan na ako ng mahal ko ay hindi ko maiwasan kamuhian pa sya ng todo.
"Kung sana hindi ka na nagpakita pa hindi kami maaaksidente!" Huminga ako ng malalim dahil sa sobra kong galit ay nakalimutsn ko na ang tamang paghinga.
"Jan,-" Tawag ng isang pamilyar na boses.
Ang boses ng mamahal kong kapatid.
"Bunso." Boses ni kuya Jad na mas buo kesa noon.
Namilog ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang mga taong ito.
"Ate,-- Kuya," Maingat na lumapit si Ate Janice sa akin kasunod ay si Ate Janica at ate Jasmine.
"Patawarin mo kami." Bumuhos ang luha ni Ate Janice. Naestatwa ako.
Never kong nakitaan ng emosyon si ate Janice.
Humakbang sya muli palapit para yakapin ako pero mabilis akong humakbang paatras para makaiwas.
"Hindi ko alam, magkakasama pala kayo? So ano ang gusto nyo mangyari? Patawarin ko kayo?" Sarcastic akong tumawa at taas noo silang tinitigan.
"Nakaya nyo kaming iwan, nakaya nyong hindi puntahan ang burol at libing ni Lola, kaya nyo na rin sigurong lumabas ng hospital na ito ng hindi hinihila ng mga guwardiya?"
Naghalo-halo na ang emosyon ko.
Galit at inggit para sa pamilya ko at Takot para sa maaring paglayo ni Zara.
......To be continue.

BINABASA MO ANG
Madam & Yaya
RomantikShort Story. 🔞Warning🔞 Again a story for LGBT nation. Don't read if you're not an open minded person!!! Don't read if you're below 18!! Strictly Rated SPG!!! UPDATE every TTHS Lababuu!!!