(A/N: The topic is given by @misisnibwii hope you like it kkkk )
------------🌹
Araw na tayo ay magkasama
Mga panahong tayo ay nag-aasaran pa
Tila ba ito ay kumpleto na
Basta't kasama kitaPero simula ng nagkalayo
Tanging natira na lang ay litrato
Na siya pang iyong regalo
Nung panahong masaya pa tayoPanahong walang pinoproblema
Basta't magkasama tayong dalawa
Panahong tayo ay masaya
Dahil sa kakulitan ng isa't isaPero bakit ngayon ay iba na?
Hindi ka na ba masaya?
O talagang hindi mo na kaya?
Hindi na kaya na ako ay mahalin paPero bakit di ka nagsasalita?
Kung ano ba ang problema
Para naman ako ay makapaghanda
Kung sakaling susuko ka naSusuko sa ating pinagsamahan
Susuko sa pangakong ating binitawan
Na kailan man ay hindi mag-iiwanan
Kahit pa tayo ay pahirapanLitratong regalo mo
Ang tanging pinanghahawakan ko
Dahil hanggang nasa akin ito
Sinabi mong hindi mawawala ang salitang tayoPero hanggang dito na nga lang ba ako?
Patingin tingin sa ating litrato
Humihiling na sana hindi nagbago
Ang pagmamahal na ipinaparamdam moKaya ko nga bang mawala ka?
Ang tao na para sakin ay mahalaga
Kakayanin ko ba?
Kung malaman kong may mahal ka ng ibaMahal na mahal kita
Pero sana magsalita ka na
Kasi ayokong mahirapan ka
At ayoko ng masaktan paGusto ko mang lumaban
Pero siguro ito na ang katapusan
Dahil litratong ito ay akin ng bibitawan
Kahit puso ko ayaw kang pakawalanKalimutan na natin ang lahat
Para tayo ay mas maging masaya
Dahil ito din naman ang dapat
Upang puso natin ay tuluyan ng lumayaAng litratong naging patunay
Sa bawat pangakong iyong binitawan
Noong buhay natin ay punong puno ng kulay
Ngayon ay malaya na sa kalawakanPero kahit ito ay malaya na
Ang panahong tayo ay magkasama
Ang litrato nating dalawa
Ay magiging isang masayang alaala
YOU ARE READING
Untold Feelings
Nezařaditelné" Writing different kinds of works to express not to impress "