Tanginang Kupido

8 1 1
                                    

-----------🌹

Sa dinami dami ng tao sa mundo
Bat ikaw pa yung nagustuhan ko
Bat ikaw pa yung pinana ni kupido
Sinasadya bang saktan ang puso kong ito

Pwede naman sigurong iba
Pero langya bat ikaw pa
Ikaw na walang paki kung gusto kita
Ay mali mahal na nga pala

Oo, mahal kita pero wala kang pakialam
Dahil siya pa din ang nilalaman
Nilalaman ng puso mong walang pakiramdam
Kahit na ako pa ay nasasaktan

Tangina naman kupido
Pwede bang alisin mo na yang pana mo
Kung babalewalain lang din niya ako
Masyado na kasing masakit oh

Alam kong di ako maganda
Pero dahilan ba yon para saktan niya
Ayoko ng umiyak pa
Pero heto ako ngayon patuloy pa ding umaasa

Umaasa na mamahalin niya pa
Dahil kaya ko siyang mapasaya
Kaya kong gawin lahat para lang ngumiti siya
Kaya kong gawin yung ginagawa ng mahal niya

Tangina Kupido
Gusto ko mang alisin ang panang ito
Wala, di ko magawa kasi nahulog na ako
Nahulog sa taong di mapapapunta sa isang gaya ko

Untold FeelingsWhere stories live. Discover now