------------🌹
"Uyyyy 11:11 na bakla try mo ulit mag wish baka maawa na sayo at ibigay na yang crush mo" saad ng kaibigan ko sabay halakhak
"Gaga! Wag ka ngang maingay dyan mamaya may makapakinig pa sayo" sabi ko sabay batok sa kanya
"Aray naman bakla amazona ka talaga tsaka baliw ka kung gumagawa ka na lang ng paraan imbes na mag 11:11 ka dyan" tumingin na lang ako sa may harapan at di na lang siya pinansin kakatawa
'Karmahin ka sana' bulong ko sa sarili ko
"Si Flameeee"
"Ang gwapo niya talagaaaa"
"Flame kooo""Oh bakla yan na pala crush mo eh" inis ko siyang tiningnan dahil sa pagsiko niya
"Pakinig ko" inis ko pa ding sabi sa kanya
"Sungit mo te! You hurt me huhu" ang gaga umarte pa na nasasaktan siya
"Baliw! Tumigil ka nga dya-" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglang paglapit ni Flame ang crush ko
"Abo sabay tayo mamaya sa pag uwi" napatingin ako sa kanya pero dahil sa pinantayan niya ako kitang kita ko ang mukha niya
"H-ha? Oh sige puntahan na lang kita mamaya" nginitian ko na lang siya at umiwas ng tingin dahil siguradong namumula na ako dito
"Sige tawagan mo na lang ako may susunduin pa ako, mauna na ako" ginulo muna niya ang buhok ko bago umalis
Dun lang ata ako nakahinga ng maayos pag alis niya. Bat kasi may isang tulad niyang nabubuhay dito sa mundo? Sobrang gwapo, varsity pa, matalino at sikat pa huhu pano naman ako?
"Hoy! Tulala ka dyan? Ano? Nag iimagine ka na magkakatuluyan kayo? Wag ganyan bakla masasaktan ka lang" inis akong tumayo at iniwan siya
"Bahala ka sa buhay mo!" anas ko bago ako tuluyang umalis.
Naglalakad lakad ako sa may garden ng campus ng mapakinggan ko siya, si Flame na crush ko na may kausap
"Sumama ka samin ni Ash mamaya okay? Papakilala na kita sa family ko" ramdam ko ang saya niya sa bawat pagbitaw niya ng mga salita at kasabay din nito ang pag agos ng aking mga luha
"Okay pero sigurado ka bang wala lang sayo si Ash? Sobrang lapit mo sa kanya" tinawanan lang ito ni Flame
"Francine listen okay? Pinsan ko si Ash" pagpapaliwanag ng taong gusto ko sa kanya
"Pinsan ko si Ash"
"Pinsan ko si Ash"
"Pinsan ko si Ash"Dito na tuluyang tumigil ang mundo ko dahil sa katunuyang hindi siya magiging akin dahil sa pinsan niya ako.
YOU ARE READING
Untold Feelings
Random" Writing different kinds of works to express not to impress "