Tulala

8 2 2
                                    

------------🌹

Isa dalawa tatlo
Iniisip ko kung bat tayo nagkaganto
Tatlong araw di kinikibo
Kaya parang nahahati ang aking puso

Lagi na lang tulala
Laging iniisip kung pano na
Pano na tayong dalawa
Nagsisimula pa lang naman tayo diba?

Pero bakit nga ba ganito?
Bawat araw ay nagkakagulo
Dadating ang hapon na ako ay lito
At sa huli ay tulala na naman ako

Tulala dahil iniisip kita
Iniisip kung pano tayo magkakaayos pa
Kung paano ulit kita mapapasaya
Kung pano babalik ang ngiti ng iyong mata

Tulala dahil inaalala kita
Kung kumain ka na ba
Kung nasasaktan ka na
Kung ako ay mahal mo pa

Pero ititigil ko na ito
Dahil hindi pwedeng matulala na lang ako
Kailangan kong maayos kung anong meron tayo
Dahil di ko kaya kung mawawala ang isang tulad mo

Untold FeelingsWhere stories live. Discover now