"Suko Na"

32 2 0
                                    

------------🌹

Suko na ako
Sa pagmamahal sayo
Minahal kita ng totoo
Pero ako ay iyo lang niloko

Suko na ako
Sa iyong mga pangako
Na hanggang huli ay tayo
At akin lang ang puso mo

Sawang sawa na ako
Sa pagsisinungaling mo
Sa pagsisikreto
Na iba na ang tinitibok ng puso

Alam kong mahihirapan ako
Pero alam kong hindi ito hanggang dulo
Hindi ko na kaya ang sakit na ito
Kaya PAALAM muna Mahal ko

Mabubura na ang ating kahapon
Dahil simula ngayon
Bumibitaw na ang aking puso
Sumusuko na ako

Untold FeelingsWhere stories live. Discover now