------------🌹
Noong una ay di magkakilala
Tila tayo ay nagkakahiyaan pa
Pero noong aking malaman na
Aking kaibigan ay kaibigan mo palaDoon nagsimula ang kwentuhan
Kwentuhang di alam ang patutunguhan
Mula sa estranghero ay naging kaibigan
Kaibigang hindi inaakalang magugustuhanIkaw ay di sinasadyang matipuhan
Dahil puso ko ako'y kinakalaban
Pinipilit mang hanggang dito na lang
Sarili ko ay walang magawang paraanAkala ko ako ay iyong iiwasan
Pero ako yata ay nagkamali na naman
Panahon ay tila naging hagdanan
At tayo' ang huling aapakanPagkakakilala natin ang unang hakbang
Pagkakaibigan ang pangalawa
Pangatlo naman ang aking nararamdaman
Pangapat ang iyong sinabing mahal kitaSana ay hindi matapos ito
Hindi masira at maging abo
Sana ay walang magbago
At huwag sana itong gumuhoSana di ito tulad ng ibang hagdanan
Na kahit anong apak nila ay ayos lang
Sana kaya nitong panindigan
Ang masaya nating samahanKahit magkaroon man ng konting sira
Ay kayang kayang ayusin pa
Hindi tulad ng iba
Tuloy tuloy hanggang sa gumuho naAng hagdanang ito
Ang patunay sa paghihirap mo
Pati sa sakit na nadanasan ko
Para maging matibay tayo
YOU ARE READING
Untold Feelings
Random" Writing different kinds of works to express not to impress "