------🌹
Pagkakaibigang nagsimula ng masaya
Tila naglaho ng parang bula
Nangako sa isa't isa
Na sikreto dapat ay walaPero bakit noong lumapit ako
Bigla na lang kayong lumayo
Siguro nga meron kang tinatago
Na ayaw mong sabihin sa kaibigan moSiguro tungkol na naman sa kanya
Na mahal na mahal mo talaga
Pero alam kong di ka naman sira
Para ito ay pagpatuloy paPero bakit ayaw mo
Na makinig sa mga payo ko?
Dahil ba tutol ako sa inyo?
O talaga lang wala akong halaga sayoPagkakaibigan natin ay hanggang
dito na lang ba?
At ipagpapalit mo ako sa kanya
Pero sino nga naman ako para makialam pa
Kung simula pa lang ayaw mo naImportante pa nga ba opinyon ko?
Kung simpleng payo kong ito
Na para lang din naman sayo
Ay di man lang mapansin ng katulad moSana wala kang pagsisihan
Sa mga iyong napagdesisyunan
Para sa huli ay di ka pagtawanan
Dahil sa maling daan na iyong napasukanPero sana wag mong kalimutan
Na andito lang ako na iyong kaibigan
Na handa kang samahan
Sa iyong kasiyahan at kalungkutanHandang pakinggan ka
Sa mga kwento mong nakakatawa
Sa drama na napaiyak ka
At kahit sa problema mo sa iyong pamilyaAndito lang ako naghihintay
Sa pagbabalik ng iyong sigla
Kahit alam kong wala na itong saysay
Dahil may kaibigan ka ng ibaPero kahit anong layo mo
Sa tuwing lalapit ako sa inyo
Hindi ako mapapagod maghintay sayo
Kahit na ikaw ay magtagoPero sana kahit sa huling pagkakataon
Sana ako ay pagbigyan mo
Kahit wala ako sa posisyon
Na makabawi sayoSa pagpapatawa mo sakin
Kahit na ako ay bugnutin
Sa pagsabay sa akin
Tuwing wala akong kasabay kumainTandaan mo sana na
Kahit di na tayo magkasama
Na kahit di na tayo masaya
Mahal na mahal pa din kita

YOU ARE READING
Untold Feelings
Rastgele" Writing different kinds of works to express not to impress "