------------🌹
Ito na ba ang huling sandali
Hindi na ba magkikitang muli
Simula na ba ngayon ang pagkasawi
At ang paglakas ng aking hikbiPano na ang ating samahan
Ating masasayang kwentuhan
Walang tigil na kulitan
Atin na lang ba itong lalagpasanSayang naman ang saya
Sayang ang panahong tayo ay magkasama
Pano na tayong dalawa
Kung relasyon natin ay tatapusin naAting mga ala-ala
Mistulang wala ng silbi pa
Tila ikaw ay nakahanap na ng iba
Pano na ang salitang mahal kitaSalitang binibitaw mo sa akin
Sa iba na nga ba sasabihin
Iba na nga ba talaga ang papakiligin
At hahayaan na lang na ito ay aking damdaminNasaan na yung pangako mo
Pangakong di mo iiwan ang tulad ko
Dahil ako lang ang nagpapasaya sayo
Pero bakit bigla na lang may bagoSabi mo tayo lang dalawa
Pero bakit may kaagaw na akong iba
Ako naman ang nauna
Pero bakit? Bakit pinili mo siyaWala na nga ata talaga
Kaya ngayon ako ay lumuluha
Hindi ko pa yata kaya
Sayang ang pag-iibigan nating dalawa
YOU ARE READING
Untold Feelings
Random" Writing different kinds of works to express not to impress "