------------🌹
Sana totoo na lang ito
Sana kaya kong iguhit ang aking kwento
Para magkaroon naman ng tayo
Dito sa magulong mundoSana kaya ko na lang gumuhit
Para maiwasan ko ang sakit
Para maiwasan ko ang maipit
Dito sa mundong puno ng paitSana kaya kong iguhit lahat
Para kasama ang iyong pagiging tapat
At pati na rin ang salitang sapat
Para malaman mong ako lang dapatIguguhit ko na ako ang iyong mahal
Kahit na ang mukha ko ay maging makapal
Kesa maging kayo ni hangal
Na punong-puno ang mukha ng tapalPero bakit nga ba kailangang iguhit pa?
Hindi ba pwedeng tayo na lang talaga
Hindi ba pwedeng kalimutan mo na siya
Kalimutan at iwanan mo naPero bakit ayaw mo pa din
Bakit ayaw mo kong mahalin
Bakit pinipilit mong punitin
Punitin ang mga naiguhit ko sa mumunting papel
YOU ARE READING
Untold Feelings
Random" Writing different kinds of works to express not to impress "