"Hay, how I wish ang mga boys sa mundo parang katulad sa mga libro," rinig kong pagpapantasya ng isang babae habang naglalakad ako sa plaza.
Saglit akong huminto para lang umirap. 'Yan naman laging wish ng mga hopeless romantic, katulad ng friend kong hindi man addict sa shabu, addict naman sa Wattpad.
Kesyo, buti pa raw sa mga wattpad books na nababasa niya may forever at ang peperfect daw ng mga lalaki. Kesyo ang yayaman, ang gagwapo at mga sikat pa sa campus na pangmayayaman lang. 'Yong natural ang pagkacassanova at pagkabad boy pero 'yong tipong hindi nakakainis. 'Yong mga lalaking astigin dahil nakakotse at nakamotor na pagdating sa suntukan laging panalo.
Pwe!
Meron bang gano'ng klase ng lalaki? Nakakatawa lang talaga. Ayaw ng mga babaeng umaasa pero sila rin lang naman ang unang nagbibigay ng intensyon para mangyari 'yon. Dapat kasi sa kanila, matutong imulat ang mga mata sa reyalidad.
Na hindi lahat ng lalaki sobrang gwapo.
Na hindi lahat ng lalaki ay mayayaman.
Na hindi lahat ng lalaki ay nakakotse o nakamotor.
Na hindi lahat ng lalaki ay nananalo sa suntukan.
Na hindi lahat ng lalaki sa libro ay totoo.
Dahil merong lalaking kagaya ng taong kilala ko na...
Hindi man sobrang gwapo.
Hindi man mayaman.
Hindi man nakakotse o nakamotor.
Hindi man astigin.
Hindi man marunong sumuntok.
At hindi man tunay na lalaki sa simula.
Handa naman magpakalalaki para sa isang tulad ko.
BINABASA MO ANG
My Gayish Rival
Teen FictionMy name is Glyza Marie Bihon. 16 years na akong nabubuhay sa mundo. Proud akong sabihing NBSB ako. Hello? Bakit ko naman ikakahiya ang katotohanang iyon? Bakit ko naman ikakahiyang sabihin na hindi ako tulad ng mga kaklase kong kay aagang lumandi? A...