MGR 15: Serious Trouble

36 8 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng mangyari 'yong nakakalokang scene namin nina Ate Mikay at Blast. Grabe 'yong hirap naming gisingin ang baklitang 'yon dahil nahimatay talaga ang loka! Eh nasa gitna pa naman kami no'n kaya agaw eksena kami. Nakakahiya talaga na nakakatawa ang nangyaring 'yon.

Naibigay na rin namin 'yong regalo namin para kay Alexander. Nagustuhan niya naman lalo na 'yong libro na ibinigay ko dahil halata raw na pinag-isipan ko hindi raw gaya ng binigay ng best friend niya. Yieee!!! Kilig naman ako ro'n.

Nagtampo nga si Kennedy sa 'kin kasi buti pa raw si Alexander nabilhan ko ng libro eh siya raw na matagal ng birthday wish na makatanggap mula sa 'kin ng Wattpad books ay hindi ko raw maibigay-bigay. Ang drama talaga ng bruhang 'yon.

"Tulaley ka riyan! May problemo ka ba?" Sumulpot naman bigla sa tabi ko si Blast at nagsalita gamit ang sarili niyang lenggwahe. Haha.

"Wala," tipid kong sagot.

Nasa Plaza kami ulit ngayon. Ngayon kasi namin tatapusin 'yong video namin para sa English. Do'n nga dapat kami pupunta sa baklang friend nila Alexander pero dahil todo protesta si Blast, wala na kaming nagawa. Hindi na nga ako nakialam dahil baka kung ano pang magawa sa 'kin ni baklita kapag nagkataon.

"Pumili na lang kasi tayo kahit sino riyan," sabi ni Shaira na nakakunot na ang noo dahil sa pagkabadtrip. Paano ba naman, kanina pa kami hanap nang hanap ng pwedeng mainterview pero inaayawan naman nina Alexander at Hero. Gusto kasi nila, maging meaningful naman ang magiging last na iinterviewin namin. Kung baga dapat may pasabog na magaganap.

"Init ng ulo ng friend mo," maarteng bulong ni Blast kaya natawa ako. Hindi pa rin talaga ako masanay kapag ganyan siya makipag-usap sa 'kin. Hindi talaga kasi sa kanya bagay! Gwapo-gwapo eh. Sayang talaga.

"Ayusin mo nga 'yang pananalita mo," natatawang sita ko sa kanya.

"'Sus, inggit ka lang 'te!"

Napailing na lang ako. Eto talagang baklita na 'to, kumportableng-kumportable ng lumadlad sa harapan ko. Ewan ko ba riyan pero todo dikit na 'yan sa 'kin simula ng mangyari 'yong eksena sa mall. Biniro ko nga siya one time na baka nahulog na siya sa 'kin pero ang baklita pagtawanan ba naman ako at sabihin sa buong klase na ang assuming ko raw! Tuloy ang mga malalandi akala nabasted ako. Hanggang ngayon nga todo asar pa rin sa 'kin eh!

Pero kahit friends na rivals chuchuness kami ng baklitang 'to, gusto ko pa rin na magpakatotoo na siya sa sarili niya. Kahit kasi sa konting oras na nakasama ko siya, nakilala ko na ang totoong siya. Minsan nga naiisip ko, kung hindi lang sana siya bakla, tapos kung ganito siya makitungo sa 'kin, baka hindi lang crush ang maramdaman ko sa kanya baka love pa nga! Pero malabo naman since eto nga, baklita siya at heart.

"Blast, kailan ka ba aamin?" tanong ko.

Natigilan naman siya at napatitig sa 'kin. Agad niya ring iniiwas ang tingin niya at napayuko na lang. "Hindi ko alam. Basta 'wag mo akong pangunahan ah," sabi niya. Napatango na lang ako. Tinapik-tapik ko siya sa likuran para pagaanin kahit papaano ang loob niya. Naiintindihan ko naman na hindi madali pero sana kayanin niya para naman maging malaya na siya.

"Kuya, ano ang true love for you?" Napatingin ako kay Shaira ng marinig ko iyon. Mukhang may na hanap na sila sa wakas.

"True love?! Walang true love!" galit na galit na sabi ni kuya kaya napaatras sina Shaira. Napatayo na nga rin kami ni Blast at nagmamadaling lumapit sa kanila. Mahirap na, mukhang nakainom pa naman 'yon.

"Ano ba kasing naisipan mong bruha ka at ininterview mo ang lasing?!" singhal ko kay Shaira na mukhang natakot sa pagsigaw ni kuyang lasing sa kanya.

Hindi naman siya umimik at mukhang maiiyak na sa takot kaya inakbayan ko na lang siya at niyakap para mapakalma siya kahit papaano.

"Putang inang buhay 'to! Inalok ko siyang magtanan na kami pero tumanggi ang walanghi--- hik! Ano bang nagawa kong mali para tanggihan niya--- hik! Ako ng ganito?!" iyak na nang iyak si kuyang lasing. Gumagawa na siya ng eksena kaya napapatingin na rin sa amin ang mga taong nasa paligid.

"Umalis na tayo rito," sabi ni Alexander. Bakas ang kaba sa mukha niya. Halatang hindi siya sanay sa ganitong mga sitwasyon. Tumango kami at paalis na sana pero bigla na lang hinablot ni kuyang lasing ang braso ni Shaira dahilan parang mag-iiyak ang bruha.

"Mama! Papa! Bitawan mo ako! Tulong!"

Shit! Pilit ko namang hinila si Shaira sa pagkakahawak niya pero masyadong malakas ang lasing na 'to. Tinulungan na rin kami nina Alexander pero nagulat na lang kami ng suntukin niya sina Alexander at Hero dahilan para mapasubsob ang dalawa sa lupa.

"'Wag kayong makialam! Hik! Sa 'kin lang 'tong babaeng 'to! Hindi ako papayag--- hik! Na hindi siya sumama sa 'kin! Hik! Mahal ko 'to!"

Puta. Napagkamalan pa ata ng lasing na 'to si Shaira bilang 'yong babaeng itatanan niya dapat. Napatingin ako sa paligid para sana humingi ng tulong. Nakahinga ako ng maluwang ng may makita akong ilang grupo ng kalalakihan na papalapit sa amin. Mukhang balak nilang tumulong.

Pilit ko pa ring hinihila si Shaira kahit nakakaladkad na ako. Sa sobrang focus ko na hindi mabitawan si Shaira, hindi ko na tuloy napansin ang kamay ng lasing na 'to na dumapo na sa pisngi ko dahilan nang pagkakatumba ko.

"Glyza!" rinig kong sigaw ng mga kasama ko. Agad namang lumapit sa akin sina Hero at Alexander para tulungan ako.

"Hayop ka!" sigaw ni Blast kaya napalingon kami sa kanya.

Gano'n na lang ang gulat namin ng suntukin niya si kuyang lasing. Sa lakas no'n ay nabitawan na nito si Shaira na agad napaupo sa lupa at nanginginig habang humagulgol, paulit-ulit pa nitong tinatawag ang mama't papa niya. Pinilit kong bumangon para lapitan siya. Nakahinga ako ng maluwang nang makitang nakalapit na 'yong mga kalalakihan at hawak-hawak na 'yong lasing na patuloy na nagpupumiglas at nagwawala. Agad namang lumapit si Blast sa amin at tinulungan sina Alexander na maitayo at mailayo kami ni Shaira sa lugar na 'yon.

My Gayish RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon