Grade 11
Ngayon lang talaga nagsink-in sa akin na ang hirap pala ang buhay estudyante lalo na ngayon na pinaghahandaan ko na ang magiging future ko. Ginagawa ko naman ang best ko na pumasa kahit sobrang stress na talaga ako. Kawawa naman kasi sina mama't papa. Nagdodoble-kayod sila ngayon para lang maigapang ang pag-aaral ko. Ang mahal kasi ng tuition sa eskwelahang 'to.
Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng graduation namin. Hindi gaya ng inaasahan ko, patuloy pa ring binubulabog ng dalawang bruha ang buhay ko. Lagi silang nasa bahay eh. Ang kakapal ng mukha, for what I know naman, hindi ako ang ipinupunta nila. Matatakaw eh! Sarap pakainin ng pagkaing may lason.
Nakakalungkot nga dahil ibinalita sa akin ng dalawa na patay na raw 'yong ate ni Hero. Dumalaw nga kami sa libing. Iyak nang iyak si Hero no'n habang yakap-yakap ni Ate Hazel na hindi rin maawat sa pag-iyak. Ang balita ko rin, inampon ng pamilya nina Ate Hazel si Hero. Buti naman, dahil wala na talagang mapupuntahan 'yon.
Si Alexander naman, ang balita ko sa isa naming malanding kaklase na pumapasok din sa eskwelahang pinasukan ni Alexander, may nililigawan na raw si Alexander. Syempre dahil dati kong crush 'yon, nasaktan pa rin ako haha! Pero move-on na ako.
Si baklita lang ang hindi! Katunayan nga nandito kami sa labas ng eskwelahan naming dalawa at kumakain ng street foods. Depress kasi ang gaga dahil pinagpalit daw siya ni Alexander. Eh no'ng nakaraan lang daw, nagkaayos na sila. Ang landi talaga ng baklitang 'to, kaya siya nahuli eh!
Oo, nahuli na ni Mang Rogelio si Blast kahit nga ang pagpapanggap kong girlfriend ni Blast nalaman din nila kaya ayon, galit na galit sa akin si mama at papa, ilang linggo rin akong hindi kinibo ng mga 'yon. Buti na lang, nagkaayos din kaming tatlo. At buti na lang, natanggap ni Mang Rogelio si Blast.
"Makalamon ka naman! Porket alam mong libre ko, take advantage ka masyado," pagpuna ni baklita sa pagkarami-rami kong hawak na stick ng fish ball.
Inirapan ko nga. "Aba syempre naman 'no! Bihira ka na nga lang manlibre kaya dapat lubos-lubusin na," sagot ko sabay kain ng isang fish ball na idinutdot ko sa sawsawan. Wah! Sarap! "At saka, kung ganito lang naman pala ang epekto sa'yo ng pagkadepressed, sana araw-araw ka na lang madepress para naman araw-araw rin ang libre!" dagdag ko.
Napa-aray naman ako ng bigla na lang hilahin ng Blast na 'to ang buhok ko! Inggit na naman ang baklitang 'to sa long hair ko! "Kaloka ka talaga!"
Tinawanan ko na lang siya.
Ng matapos kami sa paglamon, bumalik na kami sa loob ng eskwelahan. Pinagtitinginan nga kami ni Blast eh. May kumalat kasing chismis na, may relasyon daw kami ng baklitang 'to kaya lagi kaming magkasama. Ang gagaling talagang gumawa ng kwento. Hindi ko tuloy maiwasang mamiss ang malalandi kong kaklase. At least kasi ang mga 'yon, hindi pakialamera sa buhay ng ibang tao. Napasimangot tuloy ako.
"Glyza."
Napahinto kami ni Blast sa paglalakad ng may humarang sa daraanan namin. Napairap naman ako ng bongga dahil sa taong nasa harapan ko ngayon. Siya na naman. Kailan ba ako titigilan nito. Ang creepy na!
"Ano?" irita kong tanong sa kanya. Mabait naman 'tong si Mike pero ang creepy talaga ng presensya niya. Siguro dahil hindi ako sanay na may nanliligaw sa akin kaya ganito ako o baka sadyang creepy lang talaga siya.
May inilabas naman siyang isang tangkay ng rosas at iniabot sa akin na tinitigan ko lang. "Para sa'yo," sabi niya.
Umiling ako. "Ayoko."
"Pero---"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng umentrada na si baklita na humarang pa talaga sa unahan ko. "Ayaw niya nga raw pero dahil ayoko namang ma-hurt ka, ako na lang tatanggap ng rose na 'to," sabay hablot ng bruha sa bulaklak. "Aw... thanks. You're so sweet," pagdadrama pa ng walanghiya na halata namang inaasar lang si Mike.
Hinampas ko naman si Blast at agad hinila palayo kay Mike. Tumigil lang kami sa paglalakad ng makarating kami sa isang bench. Naupo ako at napapabuntong-hiningang tinignan si Blast na feel na feel ang pag-amoy sa bulaklak. Parang tanga.
"Tumigil ka na nga sa kakadrama mo riyan!" sita ko sa kanya.
Binelatan lang ako ng gaga bago naupo sa tabi ko. "Alam mo, knows ko na hindi ka titigilan ni Mike. Ano ba kasi plan mo girl?" tanong niya.
Napayuko dahil sa totoo lang hindi ko alam! Ilang beses ko na siyang binasted pero hindi pa rin ako tinatantanan. Minsan nga kapag sumisilip ako sa labas ng bintana ng kwarto ko, nakikita ko siyang umaaligid-aligid sa paligid tapos nitong nakaraan lang, naabutan ko siya sa bahay at kinakausap ang mga magulang ko. Sinabi ko na nga rin kina mama na ayoko sa lalaking 'yon.
"Baklita! Tulungan mo ako! Natatakot na talaga ako sa lalaking 'yon."
"Mukhang malabo na girl," bigla niyang sabi kaya kunot-noo ko siya tinignan. Akmang hahampasin ko sana siya dahil baka nantitrip na naman pero napahinto ako dahil sa sunod niyang sinabi. "Isasama na ako ni papa sa Canada sa susunod na linggo."
"H-ha?"
"Doon na lang daw niya ako pag-aaralin. 'Yong amo kasi ni papa, inalok siya na pag-aaralin ako ng libre basta raw isama ako ni papa," kwento nito kaya hindi ko na napigilang maiyak.
"Iiwan mo 'ko?!" Grabe naman ang baklitang 'to! Siya na nga lang ang inaasahan kong poprotekta sa akin sa eskwelahan na 'to tapos lalayasan niya pa ako! Nakakainis. Ba't kailangan niya pang umalis?
"Glay..."
Naiintindihan ko naman eh. Alam ko naman na para rin 'yon sa kinabukasan niya pero iba pa rin kasi kapag nandito siya. Kahit naman kasi away-bati kami lagi, napamahal na rin sa akin ang baklitang 'to. Tapos ngayon, aalis na siya. Maiiwan akong mag-isa sa eskwelahan na 'to na puro bully ang students! Kaya lang naman hindi ako nabubully rito ay dahil kay Blast. Kaya kapag umalis na siya, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa 'kin. Kahit naman magsumbong ako, wala pa ring mangyayari lalo na kapag nasa loob na ako ng campus.
"Bakit mo kasi ako iiwanan dito! Baka mabully ako!" reklamo ko.
Napanganga naman si baklita at agad akong sinabunutan sa hindi ko malamang dahilan. "Gaga ka! Akala ko pa naman kaya ka umiiyak ay dahil mamimiss mo ako! 'Yon pala, takot ka lang mabully! Echosera kang bruha ka!" sigaw nito na ikinatawa ko.
"Ikaw naman kasi, 'wag kang assumera. At saka, 'wag ka ngang sigaw nang sigaw, pumapanget ka. Sige ka, wala nang papatol sa'yo," biro ko habang pinapahid ang luha ko. Malungkot pa rin ako pero ayoko namang makasagabal sa kinabukasan ni Blast.
Inirapan naman ako ng baklita. "Makapagsalita ka ah! Ikaw rin naman, walang papatol sa'yo!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Echosera kasi ang Blast na 'to, wala raw papatol sa akin, eh ano pala 'yong si Mike? Gaga.
"O, ba't natahimik ka?" puna ko. Bigla kasing tumahimik at nakatitig lang sa akin.
"Feel ko matagal tayong hindi magkikita," halata ang lungkot sa boses niya ng sabihin niya iyon.
Tumango ako. "Feel ko rin. At feel ko rin na matagal ka pang makakamove-on kay Alexander," biro ko para sana patawanin siya pero wala pa rin siyang kibo.
"Glay, may naisip ako."
"Ano naman?"
"Kapag nagkita tayo ulit tapos wala pa tayong boyfriend parehas, tayo na lang kaya."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ano naman trip ng baklitang 'to.
"Seryoso ka ba riyan?"
"Oo. Seryoso ako."
Do'n lang ako natahimik. What the hell! Bakit naging ganito bigla ang karibal ko?!
BINABASA MO ANG
My Gayish Rival
Teen FictionMy name is Glyza Marie Bihon. 16 years na akong nabubuhay sa mundo. Proud akong sabihing NBSB ako. Hello? Bakit ko naman ikakahiya ang katotohanang iyon? Bakit ko naman ikakahiyang sabihin na hindi ako tulad ng mga kaklase kong kay aagang lumandi? A...