MGR 1: Crush

91 10 0
                                    

Welcome to Pag-ibig High School!

Haha. Hindi ko talaga maiwasang matawa tuwing binabanggit ko ang pangalan ng eskwelahan na pinapasukan ko. Ang baduy-baduy! Sino kaya nakaisip na iyon ang ipangalan sa eskwelahang 'to? Swear, ang panget ng taste niya.

Hephep. Bago mapunta pa sa kung saan ang usapan, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Glyza Marie Bihon, 16 years old na ako at oo na, aware akong ang sarap ng apelyido ko. Kasing sarap ko 'yan, by the way. Haha.

Hindi ako mayaman. Katunayan niyan, isang jeepney driver ang papa ko samantalang ang mama ko naman ay abala sa pananahi ng damit ng ibang tao. Pero kahit gano'n, hindi ko minamaliit ang trabaho ng mga magulang ko dahil marangal na trabaho naman 'yon. At saka, proud nga ako sa mga magulang ko dahil nagagawa nila akong pag-aralin kahit hirap kami sa buhay. Malas nga lang nila kasi hindi ako matalino para paakyatin sila sa stage pero at least, hindi naman ako bobo.

"Hoy, Joddie. Sino 'yong naghatid sa'yo kanina? Boyfriend mo 'no? Ayieee!!! Si Joddie may lovelife na!"

Biglang tumigil ang utak ko sa pag-iisip sa sigaw na 'yon ng kaklase kong si Charing. Napakamalisosya talaga ng babaeng 'yon. Napangisi na lang tuloy ako habang pinapanood si Joddie na depensahan ang sarili niya.

"Grabe 'yang utak mo! Hindi ba pwedeng kaibigan lang? Malisosya kang talaga!"

"Eh bakit defensive ka? 'Sus, in-denial ka pa eh, totoo naman! Hahaha..."

"Syempre magiging defensive talaga ako kasi hindi naman totoo! Ewan ko sa'yo."

Nakipagsabayan ako sa tawanan ng mga kaklase ko. Ayan naman kasi ang maganda sa section namin. Happy-happy lang. Hindi kami tulad ng mga grade consious na sa sobrang focus na sa pag-aaral, wala ng time para makipaglandian--- joke! Haha. Mga kaklase ko lang naman ang malalandi, exempted ako do'n kasi wala pa naman akong nalalandi sa buong buhay ko. Pero syempre, may crushes naman ako. Oo, crushes kasi marami talaga akong crush. Lagpas sampu, hihi! Wala namang seryoso sa mga 'yon, trip-trip lang. Kapag nagwapuhan ako, crush ko na agad. May maipagyabang lang ba sa mga kaibigan ko.

Pero 'eto na ang totoo! May ultimate crush ako. Ang name niya ay Alexander Bonifacio. Kaklase ko siya, actually. Siya talaga 'yong kino-consider kong crush ko kasi sa kanya lang talaga ako may feelings na kakaiba. Hindi ko nga magawang ipangalandakang crush ko siya sa mga kaibigan ko kasi nahihiya ako. At saka, mga simpleng traydor din kasi ang mga babaeng 'yon. Sabihin mo sa kanila ngayon, kinabukasan, alam na ng lahat. O 'di ba, panalo?

"Ano ka ba, Blast? Hindi naman seryoso 'yon. Hindi ko 'yon papatulan kasi gusto mo 'yon. Walang talo-talo sa ating dalawa."

Speaking of. Nandito na siya. Ang gwapo niya talaga kahit hindi siya gano'n kayaman. Ang tangkad niya rin. Feeling ko kapag itinabi ako sa kanya, magmumukha akong kapatid niya. Syempre, alangan namang maging mukha akong yaya! Duh, hindi ako tanga para laitin ang sarili ko 'no!

"Buti naman nagkakaintindihan tayo, kaya kita mahal eh! Haha!"

And that's his best friend, Blast Ivan Rodriguez. Gwapo rin naman siya, okay? Pero alam niyo, may something talaga akong nafi-feel sa kanya eh. Alam niyo 'yon, malambot siya? Pero who knows, ayokong manghusga.

Pinanood ko na lang silang maupo sa upuan nila. Halatang malapit talaga sila sa isa't isa kasi pati sa upuan, hindi sila mapaghiwalay. Naisip ko nga rin noon na kaibiganin 'yang si Blast para naman maging tulay siya sa amin ng kaibigan niya. Kaya lang, hindi ko magawa-gawa kasi mailap 'yang lalaking 'yan sa aming mga babae. Akala mo allergic eh. Ayaw na ayaw niyang nadidikitan man lang ng mga babae. Sinusungit-sungitan pa kami. 'Eto namang mga malalandi kong kaklase, hindi man lang nabubwisit. Natutuwa pa nga sila kasi para raw bida sa isang libro ang ugali ng Blast na 'yon. Palibhasa kasi mga hopeless romantic na mahilig sa mga bad boy.

"Ba't nakasimangot ka riyan?" Ano ba naman 'tong si Shaira, bigla na lang sumusulpot. Saan na naman kaya 'to nanggaling? Ang hilig-hilig kasi nitong magman-hunting. Lagi niyang kasundo sa bagay na 'yan si Kennedy, isa rin sa mga friends ko. "Ay, bago ko makalimutan, sabi pala ni Ma'am Me-Ann, ikaw daw magcollect ng notebook natin. Ibigay mo na lang daw sa kanya sa may faculty," mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya. Ano ba naman 'yang si ma'am, ang hilig-hilig akong utusan.

"Favorite talaga ako ni ma'am. Kainis."

Natawa siya. "Okay lang 'yan. Buti nga ikaw favorite lang utusan, eh ako? Favorite niya tawagin pagrecitation. Palagi akong pahiya tuwing recitation eh!" kwento niya na ikinatawa ko. Totoo 'yon, madalas siyang tawagin ni ma'am during recitation. Sino ba namang hindi tatawagin kung lagi siyang tulog? Siraulo eh.

Dahil wala naman akong ibang mapagpipilian, inisa-isa ko na lang lapitan mga kaklase ko para hingiin ang Science notebook nila. Nakakainis kasi si ma'am, ang hilig-hilig magpa-outline, hindi niya naman binabasa kapag chinichekan niya. Ang unfair lang. 'Yong mga nagpakahirap, ang baba ng score tapos porket may design 'yong isa, ang taas na ng score! Dapat sana nagpadesign na lang siya, pinagod niya pa kaming magsulat.

Habang hinihingi ko naman mga notebook ng mga kaklase ko, todo reklamo sila kasi hindi raw sila inform na ngayon na ipapasa. Kesyo hindi pa raw sila tapos mag-outline. Kasalanan ko ba? Ngayon nga lang din ako nainform. Buti nga sila may naisulat na, eh ako? Lakas-lakas magreklamo sa pagmumukha ko, hindi naman ako si Ma'am Me-Ann.

Naglakad na ako papunta sa sunod na upuan. Hindi naman mawala ang excitement ko kasi, si Alexander ang sunod kong lalapitan! Gosh. Ang gwapo niya talaga. Sa 3 years naming pagiging magkaklase, bilang lang sa daliri ko kung ilan ang naging pag-uusap namin. Usually pa nga kapag group project lang kami nagkakaroon ng interaction.

"A-alexander." Nakakahiya! Bakit ako nautal? Tiningala niya naman ako na parang nagtatanong kung bakit ko siya tinawag. "Notebook mo sa Science. Pinapacollect kasi ni ma'am eh," pormal kong sabi kahit sa totoo lang gusto ko nang mangisay sa kilig.

Tumango siya saka kinuha sa loob ng bag niya ang notebook niya at ibinigay sa 'kin. Ngumiti naman ako--- nagpapacute---bago ko kinuha 'yong notebook niya.

Labag man sa loob ko, nilapitan ko na ang sunod. Nabigla naman ako dahil pagtingin ko, ang talim nang pagkakatingin sa akin ni Blast. Para bang may ginawa akong napakasamang bagay sa kanya.

Tinaasan ko nga siya ng kilay. "Notebook daw sa Science," iritado kong sabi. Wala naman siya sinabi at kinuha na ang notebook niya sa bag saka ibinigay sa akin. Bago ko pa man mahawakan ang notebook niya, bigla niya na lang itong hinulog sa sahig!

Pakiramdam ko, nanahimik ang paligid dahil sa pagkulo ng dugo ko. Ang bastos talaga ng lalaking 'to! Nakakairita.

"Blast!" saway naman ni Alexander na agad pinulot 'yong hinulog na notebook ng best friend niyang gago. "Pasensya na Glyza ah. O eto," inabot niya sa akin 'yong notebook pero tinitigan ko lang 'yon. Aaminin ko, kinilig ako dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko pero masyadong nag-iinit ang ulo ko ngayon kaya hindi ko magawang pairalin ang kalandian ng puso ko.

"Aanuhin ko 'yan? Sabihin mo diyan sa kaibigan mo, hindi uso sa akin ang magpabastos. Ang ayos-ayos nang paghingi ko sa notebook niya pero anong ginawa niya?" malamig kong sabi na hindi man lang sinusulyapan ang bwisit na Blast na 'yan. "Hindi ko 'yan kukunin. Siya ang magpasa kay ma'am dahil baka 'yon, pagtiisan ang ugali niya! Badtrip."

Pagkatapos ng speech kong 'yon, nilayasan ko na sila. Nabadtrip talaga kasi ako. Ang sungit-sungit na nga, ang bastos pa. Gwapo nga, pangit naman ng ugali. Nakakairita. Ano naman kaya ikinagalit niya? 'Wag niyang sabihing nabwisit siya dahil sa pagngiti kong 'yon kay Alexander? Aba naman, bakla ba siya?!

My Gayish RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon