I feel so frustrated! English 'yon ah. Haha. Pero seryoso, naloloka talaga ako ngayon. Kahapon ko pa pinoproblema 'yong problema na hindi ko naman dapat pinoproblema.
Ah basta. Nahihiya ako sa inasal ko kahapon. Hindi ko talaga makalimutan 'yon, simula nang mahimasmasan ako. Bakit kasi hindi ko na lang pinagbigyan ang Blast na 'yon? Nakita tuloy ni Alexander ang bad side ko! Ano na lang iisipin niya tungkol sa 'kin? Nakakainis naman eh. Ayoko tuloy magpakita ngayon sa kanya.
Wow. Para namang may pakialam siya sa'yo.
Oo na. Alam ko naman. Hindi ba pwedeng mag-imagine? Kaloka ah.
Nag-ayos na ako ng sarili ko saka kumain sa kusina. Hindi ko na naabutan si papa dahil ang aga niyang umalis para makarami raw siya ng pasahero. Si mama naman, nag-iwan ng note na ihahatid niya raw 'yong damit na tinahi niya kay Aling Rosena. Diyan lang naman 'yon sa kanto pero sigurado naman akong matatagalan 'yon si mama. Sa pagkachismosa ni Aling Rosena, siguradong sandamakmak na kwento muna ang maririnig niya bago makaalis.
Dumiretso na ako sa trycicle-an, syempre para sumakay papuntang eskwelahan ko. Alangan namang lakarin ko, ang layo-layo kaya ng eskwelahan na 'yon sa lugar namin. Mapupudpod ang sapatos ko kapag nilakad ko 'yon, promise.
After 15 minutes, nakarating na rin ako sa eskwelahan kong may pinakabaduy na pangalan, ang Pag-ibig High School. Hahaha! Laughtrip talaga. Dire-diretso akong naglakad papuntang classroom ko. Wala naman kasing mag-aabalang tumingin sa beauty ko rito, aminin natin sa hindi, gano'n talaga kapag sa public ka nag-aaral. Wapakels sa'yo ang mga estudyante. Maliban nalang kung kasing ganda mo si Liza Soberano, siguradong magsisilingunan sa'yo ang mga kalalakihan. Eh kaso, mga average lang naman ang ganda ng mga babae rito tapos 'yong mga lalaki naman, madalas walang itsura pero meron namang mga cute at gwapo tulad ng ultimate crush kong si Alexader.
"Uy, nandiyan na ang isa pang bruha. Looking good ah. Haggard pa rin," pangbubwisit ni Shaira. Tawang-tawa pa ang bruha. Panira ng araw eh."Tse! Inggit ka lang kasi sa beauty ko. Puro pimples ka kasi habang ako makinis ang mukha," pang-aasar ko sabay upo sa tabi niya.
"Aray ah!" animo'y nasasaktang sabi niya na ikinatawa ko. Ganito naman kami lagi eh, insultuhan lang. Sabi nga nila, ang totoong kaibigan ang kauna-unahan pang mangbubully sa'yo. "Kennedy 'o! Si Bihon," sumbong nito kay Kennedy na busy sa pagbabasa sa phone niyang a-one thousand pesos. Hindi naman siya pinansin ng bruha dahil halatang kilig na kilig sa binabasa. Fan na fan kasi siya ng mga Wattpad Stories eh. Ewan ko ba riyan kung bakit siya nahilig sa app na 'yan.
"Kailangan talagang banggitin ang apelyido ko? Badtrip ka rin eh," nakanguso kong sabi na pinagtawanan niya lang. Naiinis talaga ako kapag tinatawag ako sa apelyido ko. Kasi naman, alam ko namang ang weird ng apelyido ko pero bakit kailangan pang-ipasigawan? Gaya na lang kapag simula ng eskwela. Ang unang pagdidiskitahan ng mga teacher ay 'yong apelyido ko. Kapag sinagot ko naman, magagalit sila. Eh ako ba, hindi napapahiya? Badtrip talaga.
Nagkwentuhan pa kami nang nagkwentuhan ng kung ano-ano bago dumating ang teacher namin. Automatic tuloy kaming natahimik at sabay umirap ng aking prend.
"Kainis. Dumating pa siya," mahinang sabi ni Shaira na tahimik ko namang sinang-ayunan. Kung may meeting nga lang sana ang mga teachers, hindi na namin kailangang pagtiisang makita ang pagmumukha ni Ma'am Me-Ann na favorite akong utusan.
Pati si Kennedy badtrip din. Naistorbo eh. Kahapon niya pa kasi sinasabi sa amin kung gaano raw kaganda 'yong binabasa niyang story. Feel niya nga raw tapusin ngayon kaya lang 'eto dumating si ma'am at inistorbo siya.
Tahimik lang kaming lahat habang dumadakdak si ma'am sa unahan. Ganyan naman lagi ang eksena namin sa subject niya. Hindi na raw namin siya binigyan man lang ng kahit konting kahihiyan. Kesyo ano na lang daw sasabihin ng mga kapwa niya teacher tuwing makikita nila ang basurahan naming classroom. Adviser pa naman daw namin siya.
BINABASA MO ANG
My Gayish Rival
Novela JuvenilMy name is Glyza Marie Bihon. 16 years na akong nabubuhay sa mundo. Proud akong sabihing NBSB ako. Hello? Bakit ko naman ikakahiya ang katotohanang iyon? Bakit ko naman ikakahiyang sabihin na hindi ako tulad ng mga kaklase kong kay aagang lumandi? A...