'Oy, bruha. Paano ba ang dapat kong gawin para pagbatiin sina Alexander at Blast?'
Pinindot ko ang sent button matapos kong itype 'yon. Napagdedisyunan ko kasing tulungan si baklita, eh kaya lang, hindi ko naman alam ang dapat gawin. Agad kong binasa ang text na natanggap ko sa pag-aakalang galing 'yon kay Kennedy pero ang lintek! Galing pala sa Talk 'n Text na ang sinasabi ay zero balance na raw ako. Tsk, wala na pala akong load!
Puntahan ko kaya si Alexander? Ipapaintindi ko sa kanya ang sitwasyon ni Blast baka nabigla lang naman siya kaya hindi niya natanggap si baklita.
Eh ano naman kasi pake ko?!
Bakit ko ba pinoproblema ang problema ng iba?! Eh sila nga hindi naman concern kapag may problema ako. Hay, ano ba 'yan! Naiinis na ako sa sarili ko!
Kung si Blast na lang kaya puntahan ko? Baka kasi nagpapakamatay na ang baklitang 'yon eh.
Argh! Tumigil ka na nga, Glay!
"Glay-Glay!"
Napabalikwas ako sa kama dahil sa sigaw na 'yon ni mama. Akala mo may sunog kung makasigaw eh. "Bakit po?!" Syempre sumigaw din ako na parang sasabog na ang bulkan, mas malupet 'yon.
"Lumabas sa kwarto mo! Bilisan mo!"
Napasimangot ako. Si mama talaga, lagi na lang istorbo sa pahinga ko. Kung hindi papagalitan, uutusan naman. Lumabas na ako gaya ng inuutos niya. Nakita ko siya sa may sala kasama si Aling Flora. Busy pa nga sila sa pagchichismisan tungkol sa pinadalang package ng asawa raw nito.
"Bakit ma?" pang-iistorbo ko sa pag-uusap nila. Tumingin sila sa akin. Agad akong inaya ni mama na tumabi sa kanya sa upuan na parang excited na excited sa pag-uusapan. "Ano po bang meron?" taka kong tanong sa kanila.
Ngumiti naman sila na parang nang-aasar kaya mas lalo lang akong hindi makaimik sa pagtataka.
"Ikaw Glay ha. Kayo na pala ni Blast hindi ka man lang nagsasabi," sabi ni mama na animo'y kilig na kilig. Hindi ako nakapagreact agad. Pakiramdam ko mali lang ako ng nadinig eh.
"Pakiulit nga po?"
"Kayo na ni Blast."
"Huh?! Kailan nangyari 'yon?!" Gulat na gulat talaga ako sa narinig ko! Kailan ko pa naging boyfriend ang baklitang 'yon?! Hindi ako informed!
"Si Blast mismo nagsabi sa 'kin." Parang naguguluhan na rin si Aling Flora sa inaasta ko kaya pinilit kong maging pormal. Kung si Blast ang nagsabi, siguradong may dahilan siya kung bakit niya 'yon sinabi. Sana lang, maganda ang rason niya kung hindi, patay siya sa 'kin.
"Ano ka ba 'nak. Ayos lang. Malaki ka na rin naman," ngiting-aso na sabi ni mama na tinapik-tapik pa ako sa likod.
Pilit akong ngumiti. "Nasaan po ba si Blast?" tanong ko.
"Uy, hinahanap," pang-aasar ni mama. Akala mo teenager eh! Badtrip.
"Mama!" inis kong saway sa kanya. Binalingan ko ulit si Aling Flora na tawa nang tawa dahil sa topak ng mama ko. "Nasaan po siya?"
"Nasa labas. Ayaw pumasok, mukhang nahihiya ata," sagot niya. Agad akong nagpaalam na lalabas muna para puntahan si baklita. Pumayag naman sila pero hindi talaga sila nagpapigil sa pang-aasar. Napasimangot na lang ako.
Pagpasensyahan, mas matanda 'yan sa'yo kaya 'wag mo nang patulan.
Pagkalabas ko, agad kong nakita si Blast na nakaupo sa may gilid ng kalye habang pinapanood ang mga bata na maglaro. Aw... inggit ata si baklita kay baby girl na naglalaro ng manika. "Inggit ka? Gusto mo bilhan din kita ng barbie?" pang-aasar ko habang umuupo ako sa tabi niya. Tumingin naman siya sa 'kin ng nakasimangot. Aba! Ganyanan ah. "Hoy, ba't naging boyfriend kita bigla? Hindi mo naman ako ininform," biro ko.
Napaiwas siya ng tingin. "Sorry. Kailangan lang talaga," mahinang sabi niya.
Hinawakan ko siya sa balikat para palakasin ang loob niya. "Ano bang nangyari?"
"Si papa kasi tumawag, tinatanong niya kung bakla ba raw ako."
"Kaya imbes na umamin ka, ginawa mo akong panakip butas," kunwari inis kong sabi.
"Sorry."
"Eto naman, joke lang! Ayos lang 'no basta ba kaya mo 'yang panindigan kapag nagkagulo na," pananakot ko sa kanya dahilan para mas lalo lang bumigat ang nararamdaman niya. Hala, hindi talaga ako mahusay sa pagbigay ng comforting words! Haha. "Nagkaayos na ba kayo ng best friend mo?" pag-iiba ko ng usapan pero wrong timing ata dahil mukha wala pa ring pagkakaayos na nagaganap sa pagitan nila.
"Kahit gusto ko, ayaw niya naman," sagot niya habang pinaglalaruan ang maliliit na bato sa lupa.
"Ano ba kasi nangyari?"
"Sinabi ko sa kanyang bakla ako. Akala niya no'ng una, nagbibiro lang ako pero no'ng napansin niyang seryoso ako, umalis siya. Kailangan niya raw mag-isip muna," kwento niya.
"Kung gano'n, hayaan mo na muna siya. Nabigla lang siguro 'yon."
"Ewan, pero dahil kasi ro'n nawala na rin 'yong pag-asa ko na matatanggap ako nina mama at papa kaya eto nangyari 'to. Naging girlfriend kita. Ewness," punong-puno ng pandidiri niyang sabi kaya binatukan ko siya. Gago talaga 'to. "Ouchie! Brutal mo," reklamo niya. "Sana matanggap nila ako 'no."
Napangiti na lang ako at inakbayan siya. "Kung ako nga tanggap ko, sila pa kaya?" Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko. Sa ganyang kagwapong mukha at kagandang ngiti, sinong hindi tatanggap sa kanya? Shet, naiihi ako!
BINABASA MO ANG
My Gayish Rival
Teen FictionMy name is Glyza Marie Bihon. 16 years na akong nabubuhay sa mundo. Proud akong sabihing NBSB ako. Hello? Bakit ko naman ikakahiya ang katotohanang iyon? Bakit ko naman ikakahiyang sabihin na hindi ako tulad ng mga kaklase kong kay aagang lumandi? A...