MGR 13: Best Friend

35 8 0
                                    

Kanina pa ako nababagot. Lakad lang kami nang lakad sa hindi ko malamang dahilan. Nang tinanong ko naman mga kasama ko kung saan kami pupunta ay nagkibit-balikat lang ang mga loko-loko! Naku naman, gusto ko na talagang matapos ang project na 'to para chill-chill na lang ako.

"Shaira! Nakakabwisit ka na ah!"

"Mas bwisit ka! Wala ka ng ibang ginawa riyan kung hindi magbasa ng Wattpad!"

"Ano naman?!"

"Ang boring mo!"

Isa pa 'to. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sobrang inis. Nakisabit kasi ngayon si Kennedy sa amin kasi tapos naman na raw sila sa project nila kaya ayan, nagbabangayan na naman ang dalawa. Kulang na lang mapapadyak ako sa inis eh!

"High blood ah," puna ni Blast na kung maka-fc sa 'kin, wagas! Pero hayaan na nga, kesa naman magsungit na naman siya.

"Eh pa'no ba naman kanina pa tayo naglalakad, nakakapagod kaya! Sa'n ba kasi talaga tayo pupunta?" inis na tanong ko sa kanya.

"Malay ko!" Napapalakpak na lang ako sa isinagot niya. Grabe, may kwenta talaga siyang kausap 'no? "Eto naman, hindi na mabiro. Pupunta raw tayo sa bahay nila Hero."

"Huh? Ano naman gagawin natin do'n?"

"Tanga lang? Ano bang gagawin natin ngayon? Diyan ka na nga!"

Napairap na lang ako sa pagwalk-out ni baklita. Para-paraan din siya eh. Dumiretso talaga kay Alexander. Ang landi talaga!

"Badtrip ka talaga eh! Ba't ka pa kasi sumama?"

"Eh sa gusto ko eh! Problema mo?"

"Wala kang kwentang kausap!"

Dahil naiirita na talaga ako sa dalawang bruha sa likuran ko, hindi na ako nakapagpigil na lingunin sila. "Tumahimik na nga kayo!" sigaw ko na ikintahimik nila.

"Ikaw ang tumahimik! Hindi mo naman eksena nakikisingit ka pa! Che!" pagtataray ni Shaira.

"Oo nga! Akala mo kung sino makapag-utos. Kilala kita?" pagsang-ayon pa ng gagang si Kennedy!

Napamake-face nalang ako. Diyan naman sila magaling eh, ang pagtulungan ako. Tsk, bahala nga sila. Sinabayan ko na lang sa paglakad si Alexander. Nababatrip talaga ako sa dalawang bruhang 'yon.

"Kunot na kunot ang noo natin ah," puna ni Alexander. Dinuduro-duro niya pa ang noo ko gamit ang daliri niya. Lihim tuloy akong napangiti. Kinikilig ako, my gosh! Kahit kailan talaga grabe siya kung makapagpakilig. "May problema ka?"

"Wala naman. Pagod lang ako saka 'yong dalawang bruhang 'yon, nakakainis," nakanguso kong sagot. Syempre dapat pacute ako ng konti. Hihi! Si Crush ang kaharap ko eh.

"'Wag kang paapekto, sayang ganda mo."

Oh Em Gee! Nabigla ako do'n ah. Hindi kaya tinatamaan na rin sa 'kin si crush?! Ang assuming ko pero wala akong pake! OMG talaga!

Sasagot na sana ako ng: 'Ikaw ha, baka nafofall ka na sa'kin!' Kung wala lang baklitang sumingit sa eksena! Sumingit ba naman sa gitna namin tapos pilit pa kaming pinaghiwalay. Kahit kailan talaga wala siyang manners! Bastos!

"Nandito na tayo," sabi niya saka dire-diretsong pumunta kay Hero.

Napairap na lang ako. "Gago talaga 'yang best friend mo. Panira ng moment!" pagmamaktol ko. Natawa na lang si Alexander saka ako inakbayan na hindi ko talaga inaasahan. Never niya 'tong ginawa 'no!

Hindi rin nagtagal nakapasok na kami sa bahay raw nila Hero. Inaya kami ni Hero sa may kwarto raw ng ate niya. Pagkapasok namin, naabutan namin do'n ang isang babaeng nakahiga sa kama. Balot siya ng kumot at namumutla pa. Para siyang walang kabuhay-buhay.

"Ate, nandito na ako. Ayos ka lang ba?" alalang-alala na tanong ni Hero. Lumapit siya sa ate niya at naupo sa tabi nito sa may kama. Tumingin naman ang ate niya at tipid kaming nginitian.

Hindi naman kami makaimik lahat kasi halatang may malalang sakit ang ate niya. Hindi namin alam na ganito pala ang pinagdadaanan ni Hero. Alam ko na mahirap 'to para sa kanya kasi sila na lang dalawa ng ate niya ang magkasama.

"May cancer ang ate ko at may taning na rin ang buhay niya. Sabi ng mga doctor baka raw tatlong buwan na lang ang itagal niya," naiiyak niyang kwento. "Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko."

Nagkatinginan kami ng mga bruha. Sa oras na 'to, pare-parehas kami ng nararamdaman. Pa'no na lang si Hero kapag nawala ang ate niya?

"Hero."

Sabay-sabay kaming napalingon sa may pintuan dahil sa pagpasok ng isang babae na mukhang kasing tanda ng ate niya.

Agad namang napatayo si Hero at lumapit do'n sa babae. "Ate Hazel, buti pumunta ka."

"Oo naman. Ikaw pa ba," sabi nito sabay yakap kay Hero. Napatingin naman ito sa ate ni Hero at lumapit do'n. "Hoy besh, ayos ka lang?" nakangiting tanong niya pero halata sa mata niya na naaawa siya sa kaibigan.

Bigla naman akong kinalabit ni Blast at sumenyas na lumabas muna kami. Habang nasa sala kami nina Hero, tahimik lang ang lahat. Mukha yatang hindi rin nila alam ang dapat sabihin. Hindi rin nagtagal bumaba na si Hero kasama ang tinawag niya kaninang Ate Hazel.

"Guys, siya si Ate Hazel. Best friend ng ate ko," pakilala ni Hero do'n sa babae.

"Hi po," tanging nasabi namin. Ngumiti naman si Ate Hazel at tinanong kung ano ba dapat ang gawin niya at inexplain naman sa kanya ni Hero at Alexander.

"I'm Hazel, 23 years old na ako," pakilala niya sa sarili habang nakatutok ang mga mata niya sa camera. "May best friend ako na nadiagnosed ng cancer at malapit ng mamatay. Naaawa ako sa kanya ng sobra at gusto ko siyang matulungan sa kahit anong paraan," naiiyak niyang kwento.

"A-ano po ba ang definition ng true love sa'yo?" nautal pa ako ng itanong ko 'yon. Kasi naman parang nakakakonsensya na magtanong ng ganyang bagay sa ganitong sitwasyon.

"True love ko ang best friend ko. Simula pagkabata kasama ko na 'yan. Lagi kaming magkasabwat sa kalokohan at sa mga problema. Walang iwanan ang motto naming dalawa," nakangiting kwento niya pero maluha-luha naman mga mata niya. "Hindi naman kasi porket sinabing true love, boy and girl relationship na agad, pwede naman sa magkaibigan 'yon. Minsan nga mas true pa 'yong love sa friendship kesa sa relationship. Kasi at least sa friendship, hindi mo kailangang maging ibang tao. Kung nasasaktan ka, nasasaktan ka. Kung masaya ka, edi masaya ka. Sa isang relasyon kasi minsan nandiyan na 'yong mapagkunwari, mga tanga. Kapag gusto mo ang isang bagay na ayaw ng kinakasama mo, minsan magkukunwari ka na lang na okay lang sa'yo kesa naman mag-away kayo," paliwanag niya. In all fairness, naiintindihan ko ang pinupunto niya. Hindi magiging true ang isang love kung nagkukunwari ka lang at hindi sinasabi ang totoo mong nararamdaman.

"Kung sa relationship kaya kang palitan ng isang tao at iwanan, ibahin mo ang frienship dahil kahit anong mangyayari hindi 'yon matatapon ng basta-basta na parang basura. Kung sa relationship kaya mong magpakatanga, ibahin mo sa friendship dahil sila pa ang unang babatok sa'yo hanggang sa matauhan ka," natatawa niyang sabi na ikinatawa na rin namin. "Kaya nga, kahit may dumating na lalaki sa buhay ko, hindi no'n mapapantayan ang true love na meron kami ni Jessa."

Hindi ko napigilang tignan ang mga bruhang nasa tabi ko. Nakatingin din pala sila sa 'kin at nakangiti ng nakakaloko. Natawa na lang ako sa kanila at parehas silang inakbayan. Halos 7 years ko na rin kasama ang dalawang 'to. Nakakatawa dahil natagalan namin ang topak ng bawat isa.

"I love you mga bruha."

Never talagang mapapalitan ang mga kaibigan kahit pa may dumating na bago sa buhay natin. I know it.

My Gayish RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon