8 years later...
"Glay! Lumabas ka na riyan sa kwarto mo! Nandito na sina Shaira at Kennedy!" sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko. Napairap ako. Hay, naku. 'Yong dalawang bruhang talaga na 'yon, napaka-excited!
"Teka lang po! Hindi pa ako tapos mag-ayos!" sigaw ko pabalik at ipinagpatuloy ang pag-apply ng light-makeup sa mukha ko.
Ng masatisfied na ako sa itsura ko, tumayo na ako at pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin. Nakasuot ako ng isang blue cocktail dress plus silver heels. Sinuot ko rin 'yong gift ni Mike sa akin na kwintas. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa sarili kong repleksyon. Ang dami ng nagbago sa akin. Gumanda nga ako eh. Ang haba na rin ng wavy kong buhok na may highlight ng kulay brown sa dulo. Napangiti ako.
Kinuha ko na 'yong bag ko at lumabas na ng kwarto. Hindi tulad noon, hindi na kusina ang unang bubungad sa akin paglabas ko ng kwarto. Nasa 2nd floor na kasi ang kwarto ko. Simula kasi ng maging Accountant ako, guminhawa na 'yong buhay namin. Nakapag-ipon ako kaya napagawa ko na ang bahay namin. Napagbabakasyon ko na nga rin sina mama't papa sa ibang bansa na pinapangarap lang nilang puntahan noon.
"Ang tagal mong bruha ka!" reklamo ni Shaira pagdating ko sa living room. Nakasimangot pa ang gaga kaya natawa na lang ako. "Anong tinatawa-tawa mo riyan?! Kennedy o, si Bihon nababaliw na naman," sumbong nito kay Kennedy na ngingiti-ngiti lang sa amin.
Inirapan ko nga si Shaira. Kahit kailan talaga, wala pa ring ipinagbago. Pero still, ang successful na ng bruhang 'yan, may sarili na 'yang Pastry Shop. Habang si Kennedy naman, isang proofreader sa isang sikat na publishing company na nagpapublished ng mga Wattpad Stories. Nakakatuwa nga dahil pare-parehas kaming guminhawa ang buhay.
"Hali na nga kayo!" Hinila ko na sila palabas pero nagpaalam muna kami kay mama. Ginamit namin 'yong kotse ko para makapunta sa eskwelahang namiss ko ng sobra, ang Pag-ibig High School! Laughtrip talaga ang pangalan ng eskwelahan ko dati kahit hanggang ngayon! Haha!
Oh well, may reunion ang section namin ngayon sa dati naming classroom. Excited na nga akong makita ulit ang mga malalandi kong kaklase.
Pagkarating namin, agad kaming naglakad papuntang classroom. Napahinto lang kami sa paglalakad ng may tumawag sa mga pangalan namin. Ang bongga pa nga naming tatlo dahil sabay-sabay pa naming nilingon ang taong 'yon at sabay-sabay rin kaming sumigaw ha! Panalo.
"Hero!"
"Kamusta kayo? Namiss ko kayo ah," nakangiting sabi nito.
"Maayos na maayos kami 'no! Ikaw ba? Ano ng nangyari sa'yo?" tuwang-tuwang namang kinausap ni Shaira si Hero.
"Ayos naman ako. Heto isa na akong Professional Photographer, kayo ba?"
"Well, isa na akong Pastry Chef at may sarili na rin akong shop. Si Kennedy naging Proofreader at si Glyza naman, Accountant na!"
"Astig!"
"Eh teka nga, may asawa ka na siguro 'no?" usisa pa ni Shaira kaya nagkatinginan kami ni Kennedy at sabay na napailing. Galawang-Shaira.
Napakamot sa batok si Hero. "Wala pa nga eh," nahihiya netong sabi kaya halos mapatalon na sa tuwa si Shaira. Akala mo nanalo sa loto eh.
"Edi tayo na lang!" bulalas nito na ikinabigla ni Hero at ikinatawa naman namin ni Kennedy. Ibang klase talaga ang kalandian ng aming prend.
'Tayo na lang...'
Napailing-iling ako sa bigla kong naalala. Pero pupunta kaya siya ngayon? Simula kasi nang umalis siya, wala na akong naging balita sa kanya dahil pati pala si Aling Flora, isinama papuntang Canada.
BINABASA MO ANG
My Gayish Rival
Teen FictionMy name is Glyza Marie Bihon. 16 years na akong nabubuhay sa mundo. Proud akong sabihing NBSB ako. Hello? Bakit ko naman ikakahiya ang katotohanang iyon? Bakit ko naman ikakahiyang sabihin na hindi ako tulad ng mga kaklase kong kay aagang lumandi? A...