Chapter 1.1 ~ Normal Girl?!

137 7 9
                                    

Chapter 1.1 ~ Normal Girl?!

"Kanina pa tayo 'yuhu' ng 'yuhu' dito eh wala namang nasagot sa atin. Mabuti pa eh pumunta na tayo sa taas at ilagay na itong mga gamit natin." - Blue

"Oo mabuti pa nga." - Sagot ko sa kanya

Umakyat na kami sa taas at inilagay ang aming mga gamit. Habang naglalakad ako eh may napansin akong kwartong may kakaibang aura. Hmm?

Kumatok ako sa pinto. Pero wala namang sumasagot. Tinesting ko ring buksan ito pero naka lock. Yaeh na nga. Baka budega lang yan.

Change Of POV ~ Qieralyn Mishimura

[A/N: Kung nagtatanung kayo tungkol kay Qiera, siya ang tita ni Kiraro Mishimura. Ang may ari ng bahay na tinitirahan ni Kiraro at siya rin ang pinakamayamang investors sa kumpanya ng tatlong magkakaibigan (Blue, Silent at Xyrus)]

Nagpunta ako ng market para bumili ng sangkap sa aking lulutuin mamaya. Walang alam si Kiraro na pupunta ang mga lalaki dun sa bahay. Kailangan maging normal ulit na babae si Kiraro. Alam kong isa sa tatlong yun eh magugustuhan niya at kapag nangyari yun eh magiging masaya na ulit siya. Kinausap ko talaga ang mga kaalyado kong kumpanya na may anak na lalaki ng sa ganun eh matulungan nila ako kay Kiraro.

Kauuwi ko nga lang din pala ng Pilipinas kanina . At dumiretso muna ko dito sa palengke alam nyo na naman kung bakit diba?

Pagkatapos kong mamili eh sumakay na ako sa aking kotse.

"Manong umuwi na po tayo." Utos ko dun sa driver. Nag okay sigb nalang si Manong pagkatapos eh nagmaneho na ng sasakyan.

Excited na akong makita ulit ang pamangkin ko. Halos maraming taob narin ang lumipas nang mita ko siya. Natatandaan ko pa nga dati, sinusuklay ko pa ang kanyang buhok na mahaba. Nagtataka nga ako dahil isang araw eh nagkaganyan nalang ang aking pamangkin na si Kiraro, ayaw lumabas, at gusto niya laging mapag isa. Ewan ko ba? Hindi ko rin alam ang dahilan eh. Basta tumigil nalang siya sa pag aaral isang araw tapos, ayun laging nagmumukmok sa sulok at animo'y multong ayaw magpakita sa mga tao.

Biglang napatigil si Manong sa pagddrive, na siya namang ikinagulat ko.

"M-manong bakit tayo tumigil?"

"Eh mam yung lalaki po eh tignan nyo, nawalan ng malay." Sabay turo ni Manong dun sa lalaki. May naisip ako bigla.. Ba't di ko kaya isama itong lalaking to? Ah oo tama! *tango* *tango*

Eh teka Qiera? Baka hanapin siya ng mga magulang niya? Ay! Ewan! Bahala na.

"Manong kunin nyo siya at dadalhin natin siya sa bahay."

"Eh pero mam? Kilala nyo po ba siya?"

"Walang pero pero, sundin mo nalang ang utos ko or else if-fired kita."

Agad namang bumaba si Manong para kunin yung lalaki. Nung kukunin na ni Manong yung lalaki eh agad naman itong bumangon at sinabing..

"Kuya, may alam po ba kayong apartment na pwedeng tirahan? Bago lang po kasi ako sa lugar na ito. Baka pwede nyo naman po akong matulungan?" Sabi nung lalaki na may halong lungkot sa tono ng kanyang pananalita.

"Ah eh ano eh..Wala.." Napakamot sa ulo si Manong. Baka may kuto yata? Kailangan ko ng mag hired ng mas desenteng driver. Baka mamaya mahawaan pa ako nito? Ay teka? Pa'no naman magkakaroon ng kuto si Manong eh kalbo siya. Utak mo Qiera! Naturingan ka pa namang mayaman at may pinag aralan tapos kung ano ano iniisip mo dyan.

"M-may paupahan ako. Kung gusto mo dun ka nalang mangupahan." Singit ko aa kanila

"Eh pero? Mura lang po ba? Baka naman mahal? Eh wala akong pambayad?" Sabi nung lalaki

"Mura lang ang renta Hijo. Mura lang. *evil smile*" At pumasok na yung lalaki dito sa aking saaakyan. Ganun din naman ang ginawa ni Manong at nagpatuloy siyang mag drive.

Change of POV ~ Kiraro Mishimura

"Hiroshi, tulungan mo ako. May maliliwanag na bagay ang pumasok dito sa ating pamamahay. Hiroshi hindi ko kayang kasama sila. Kung tumakas na kaya tayo dito? Anu sa tingin mo Hiroshi?" Kinakausap ko ngayon si Hiroshi. Buti pa nga siya naiintindihan yung nararamdaman ko eh yung ibang tao.. Hindi..

Narinig kong may nagdoorbell na naman. Nakakainis. Bakit ang daming nagdo-doorbell?

"Sweetie~" Teka? Tama ba ang naririnig ko?? Kay Auntie na boses yun ah.

"Sweetie~" Sigaw ulit ni.. Auntie? Teka? Wala naan siyang sinabing uuwi siya ngayon ah? huhu. Ayokong bumaba. Makikita ko na naman yung maliliwanag na nilalang na iyon. Masakit sa mata.

Hindi ko pinansin ang pagtawag sakin ni Auntie. Niyakap ko lang si Hiroshi at kinuha si Josephine, ang bungo na nakadisplay sa tabi ni Hiroshi.

Ay teka ipapakilala ko pala muna sila sa inyo. Si Hiroshi ang human skeleton figure doll ko. Si Josephine naman ang skull na kaibigan ni Hiroshi which is kaibigan ko na rin. Pati narin si Weyne, ang human muscular figure doll na nakuha ko sa science lab nung mga panahong nag aaral pa ako.

Miya miya ay may kumatok sa pintuan.

"Kiraro Mishimura, bubuksan mo ba 'to o dadaanin natin sa marahas na paraan ang pintuang ito?" Pagalit na tanong sa akin ni Auntie. Oo si Auntie nga . Hindi man lang nagsabi na uuwi siya.

"A-auntie..Pupunta...Nalang..Ako sa baba..mamaya.."

"Siguraduhin mo lang na bababa ka mamaya Kiraro! Kundi lagot ka sakin."

"Y-yes po A-auntie."

Anu nang gagawin ko? Ayokong magpakita kay Auntie nang ganito ang itsura ko. Ay ewan. Bahala na si Hiroshi.

"Hiroshi tulungan mo ko. Ikaw na ang bahala sa akin ha?" Niyakap ko si Hiroshi at pumunta na ako sa baba."

My Girlfriend Is SadakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon