Chapter 2 ~ Ugly Kiraro!
*another day*
Silent Gerard Hernandez POV
Pagkagising na pagkagising ko eh pumunta agad ako sa kusina para magkape.
"Hrrr. Sana umalis na..sila.. hrrr *chop* *chop*"
May naririnig akong boses galing dun sa kusina. Sinilip ko ito at...
"AHHHHH!!!!" Nagulat ako nung hunarap sa akin si Kiraro na may dugo sa mukha.
"Oy! Anung nangyari dyan? Bakit ang lakas ng sigaw mo?!" Lumapit sa akin si Blue na halatang bagong gising lang kasi naman may panis na laway.
Nakatakip ako ng mukha sabay turo kay Kiraro. T-teka?
"Sira ulo ka Silent! Sinong tinuturo mo diya?! (-____-)" Galit na tanong ni Blue
"Ha? Bakit nawala si Kiraro?" Takang taka talaga ako. Kanina nandito lang yun ah? Biglang nawala. Pakshet naman. Baka akalain nila eh nababaliw na ako.
"Kiraro? Dude. Baka natutulog pa yon. Tsk. Baka naman namamalik mata ka lang?"
"Hindi Blue. Totoo talagang nakita ko siya. Promise." Tapos tinaas ko pa yung kanang kamay ko.
"Ewan ko sayo." Iritang sagot niya. Nakita ko namang palapit na sa pwesto namin sila Inigo at Xyrus.
"Hanubang *hikab* nangyare? Bakit sumigaw ka?" Tanong sakin ni Inigo.
"Oo nga. Naistorbo tuloy tulog ko eh.. *pout*" Shet. Parang bakla talaga tong si Xyrus eh. Kung makapag pout wagas. Mukha namang pato.
"N-nakita ko kasi s-si Kiraro kanina na may dugo sa mukha." Sagot ko.
"Oh talaga? Hayyy *hikab* Tara na nga't mag almusal?" Ayaya ni Inigo.
"Mabuti pa nga." - Xyrus. At pumunta na kami dun sa table.
"Teka? Sino sa inyo marunong magluto?" Tanong ni Blue
Nagkatitigan lang kaming apat. Wala sigurong magluto sa amin. Naku~ Eh anung kakainin namin?
Nagulat kami ng biglang sumulpot sa harapan namin si Kiraro at inilapag ng mabilis ang kanin, ulam, kutsara, plato, tinidor at tubig. Hindi siya nagsalita at dali daling umakyat sa taas na may dalang box. Siguro ayaw niyang sumabay sa amin? Kaya kakain nalang siyang mag isa dun sa kwarto niya? Hmm?
"Thanks God." Sabi ni Inigo sabay kain. Ganun din ang ginawa namin, nagpasalamat muna pagkatapos eh kumain.
O_______O Mygad! Si Kiraro ba nagluto nito? Infairness! Para kaming kumain sa five star hotel dahil ang sarap ng pagkain.
"Napaka*nguya*charap na*nguya*man nicho." Sabi ni Inigo na punong puno pa ang bibig eh nagsalita na ng nagsalita.
"Oo nga eh." Sagot namin sa kanya. Grabe ! Ang sarap. Nakailang banto kami ng kanin.
"Hayy *dighay* Sarap!" - Inigo
Niligpitan ko nalang ang pinagkainan namin. Nagawa na kami ng daily rotation sa mga gawaing bahay. At ako nakasched. na magligpit ng plato ngayon.
*ring* *ring*
*ring* *ring*
"Blue sagutin mo na!" Utos ni Inigo sa kanya. Pumunta naman si Blue dun sa telepono at sinagot ang tawag.
"Hello~" - Blue
"Ah opo." - Blue
"Sige po. Makakaasa po kayo." - Blue. Pagkatapos eh ibinaba na niya ang telepono.
Pagkatapos kong magligpit eh pumunta na ako dun sa sala kung saan sila nakatambay.
Change Of POV ~ Blue Andrei Hernandez
"Hello~" -Ako
[Hi Blue. Kamusta naman si Kiraro dyan? Kumakain naman ba siya ng maayos?]
"Ah opo." - Ako
[Make sure na magiging normal ulit siya ah. Gusto ko pagbalik ko diyan eh isa na siyang disenteng dalaga. Maliwanag ba yon? Sabihin mo kay Inigo, na kapag hindi nyo nagawa ang pinag uutos ko, palalayasin ko siya dyaan o kaya naman hihingian ko siya ng malaking renta, at sa inyong tatlo naman, alam nyong business ng pamilya nyo ang maapektuhan. So make sure na mababago siya. Understood?]
"Sige po makakaasa kayo." - Ako
*toot* *toot*
At ibinaba na ni Auntie Qiera ang telepono. Oo 'auntie Qiera' tawag namin sa kanya. Sabi niya kasi ganun yung itawag sakanya eh.
"Oh anung sabi ni auntie?" - Tanong ni Silent. Isinalaysay ko na sa kanila yung sinabi sa akin ni auntie.
"Ah ganun ba? Tara ganito ang plano natin.. Kukunin ko si Kiraro at itatali natin siya sa upuan tapos pagagandahin natin siya. Lalagyan natin siya ng chechebureche sa mukha tapos gugupitan natin yung bangs niya! *u*" Sabi ni Xyrus. Kahit kelan may pagkabading eh. Pero okay din naman yung idea niya.
"Osige." sumang ayon kaming lahat at pagkatapos ay isinagawa na ang aming plano
"Hoy ikaw Inigo! Kunin mo dun si Kiraro sa kwarto niya." Utos ko sa kanya
"Eh?! Bakit ako? Kayu nalang."
"Gusto mo bang lumayas na? O magbayad ng mahal na renta?"
"Sino ba kasing nagsabi sa inyo na hindi ko kukunin si Kiraro dun sa taas?" At pagkatapos nun eh padabog siyang umakyat sa taas.
Kami naman eh hinanda na yung lubid at mga pang make up na gagamitin niya. Oy wag kayung magtaka kubg bakit kami may make up. Nakalagay lang naman kasi yan dun sa taas eh.

BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is Sadako
RomantizmMinsan sa buhay ko, 'di ko inaasahang may isang SADAKO---este Kiraro akong makikilala. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Half japanesse siya, minsan half-multo siya, half-mabait, half-weird, half-maganda, at ang madalas half-sadako. Lagi siyang n...