Chapter 1.2 ~ Normal Girl?!
Change Of POV ~ Inigo Kurt Cruz
Sa wakas may matitirahan narin ako. Pagkatapos kong lumayas sa bahay ng aking mga magulang eh napadpad ako dito.. Teka? Mukhang Haunted House tong titirahan ko ah?
Dito kasi kami tumigil nung kasama ko.
"Uhmm. Nandito na po ba tayo? tska iyan po ba yung sinasabi nyong bahay? eh bakit ganyan po? nakakatakot naman yung style ng apartment nyo." Sabi ko kay?? Ewan di ko alam pangalan niya.
"Oo. May angal ka? Mura na nga ang renta, hahanap ka pa ng maganda. By the way, ako nga pala si Qieralyn Mishimura. Ang may ari ng naglalakihang kumpanya sa buong asya." Pinagbuksan siya ng pinto nung driver at lumabas na siya. Eh bakit ako di pjnagbuksan ng driver? Deh joke lang.
Sumunod na ako dun kay Qiera. Mayaman pala sila eh ba't ganito naman ang style ng bahay nila? Mukhang horror house eh.
Naalala ko na naman yung mga magulang ko. Matapos ko silang layasan eh ano na kayang nngyari sa kanila? Buti nalang pala naka shades at makapal na damit ako. kung hindi eh napagkaguluhan na ako kanina ng mga girls dun. Sus. Mga babaeng feelingera. Ayoko sa mga ganun. Mga feeling maganda kahit mga mukhang palaka naman. Tinatawag pa nila akong 'babe'. Yuck. I never been inlove since birth.
Pagpasok ko sa mansion nila eh may nakita akong tatlong itlog. Este tatlong lalaki. Gwapo sila. Pero mas gwapo ako. 8)
Nag 'hi' yung isang lalaking medyo mukhang babae sa akin. Pero di ko ito pinansin.
"Where's my room?" tanong ko kay Qiera.
"Sa taas. Hanapin mo yung vacant doon." Pagkatapos niyang sabihin iyon eh agad na akong umakyat at dumiretso sa room ko. Wala akong pake sa taong nasa paligid ko.
Habang naglalakad ako dito sa taas eh may nabangga akong isang?
"AAAAHHH!!!" Sabay kami ng sumigaw nung? Si sadako ba ito? O isang normal na babae? (-_____-) Ba't ganito ang itsura niya.
Agad siyang bumaba sa hagdan ng napagkabilis. As in! Super bilis. Mas mabilis pa sa alas kwatro.
Nakapagtataka naman yung babaeng yun?
Yaan na nga. At nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa room ko.
Change Of POV ~ Silent Gerard Hernandez
"Anu yon?" Tanung ko sa kanila. Bigla kasi akong may napansin na taong mabilis na tumakbo pababa. Di rin ako sure kung tao yun? Parang anino eh. Ang Itim kase. O baka naman kaya?
"Si Sadako ba yun?" Tanung ni Blue. Napansin niya rin pala?
"Nakakatakot naman. Kinikilabutan ako." Sabi ni Xyrus. Nako parang pabading bading naman 'tong isang 'to eh.
"She's my niece." Biglang nagsalita si? Qiera? Oo siya nga yung isa sa mga investors ng kumpanya namin. Sa pagkaka alam ko eh? Siya rin ang nagmay ari ng naglalakihang kumpanya dito sa asya.
"ANO?!" Gulat na gulat si Blue nang malaman niyang pamangkin ni Qiera iyon.
"She's my niece freak. Boys d'you know why you guys are here?" Maarte ang pagkakasabi ni Qiera sa mga katagang iyon.
Oo nga? Bakit nga ba kami nandito?
"No." Sagot ko.
"Then be ready. I will tell you later." Umalis na siya at pumunta sa kusina.
Nakapagtataka? Baka may ipapagawa siya sa amin? Kaya kami nandito sa haunted house na ito? baka ang akala niya sa amin eh ispiritista? Aba. wala kaming koneksyon sa mga multo noh. Pero imposible din yun? Bakit naman niya kami kukunin para maghunting ng mga multo? Eh mayaman naman siya eh? Pwdeng pwede siyang kumuha ng mga expert sa mga ganyang bagay.
Bakit kaya? Bakit kaya kami nandito?

BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is Sadako
RomanceMinsan sa buhay ko, 'di ko inaasahang may isang SADAKO---este Kiraro akong makikilala. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Half japanesse siya, minsan half-multo siya, half-mabait, half-weird, half-maganda, at ang madalas half-sadako. Lagi siyang n...