Chapter 3.1 ~ Fiona's Revenge (The four boys plan)
Inigo Kurt Cruz Point Of View
Nakakainis 'tong babaeng 'to. Laging nanonosebleed at sumisigaw ng 'Ah! Liwanag' Kahit madilim naman. 'Di ko tuloy alam kung sadyang engot lang to o may pagkabobo. Tsss.
Nandito ako ngayon sa kwarto niya, wala lang.. Gusto ko lang maglibot. Para ka kasing nasa horror house kapag nandito ka sa kwarto niya. Napakadami niya kasing koleksyon ng mga bungo, skeleton, DVD's, at kung ano ano pang nakakatakot na bagay. Pero para sakin eh hindi naman masyadong nakakatakot dito.
Buti nalang tulog si Kiraro, kung hindi eh nagalit na yun sa akin kase pinapakialaman ko yung mga gamit niya. Teka? May napansin akong kakaiba, may skeleton na parang ma-red na hindi ko maintidihan, siyang display dito. Baliw talaga 'tong babaeng 'to.
"Wag yan!!" Sigaw ni Kiraro nung mapansin niyang hahawakan ko na yung mga skeleton display niya. Wow. Great. Gising na siya.
"Eh bakit ba?! Tinitignan ko lang naman ah!" Sabay hawak dun sa skeleton na parang ewan. Kadiri naman 'to. Inagaw sakin ni Kiraro yung skeleton yuckie doll niya. As if namang aagawin ko yun sa kanya. Tinignan ko lang naman eh.
"Wag mong hahawakan ang Hiroshi ko!" Tapos niyakap niya yung skeleton na yun. (-______-) Anung klaseng babae ba ito? Aba! Namumuro na ito saken ah. Bi-bingo to mamaya tignan nyo.
"Hiroshi.. Hrr. Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Baliw ba itong babaeng 'to o ano? Seryoso ba siya o natatanga lang? Kinakausap niya yung 'Hiroshi' niya, baka sumagot nga yan? Ge. Try lang ng try Kiraro. (-________-)
"Teka si Fiona!" Agad siyang bumaba. Sino ba yung Fiona? Yung kausap niya kanina? Yung umiiyak? Tsss.
Tinignan ko ng masama yung skeleton.Ewan. Nahahawa na siguro ako ng katangahan nung babaeng yun. Pagkatapos nun eh umalis na ako sa kwarto ni Kiraro at bumaba narin. Baka mamaya eh matunaw kasi.
Change Of POV ~ Fiona Enriquez
Matatapos na akong kumain ng biglang dumating si Kira at hinila ako papuntang salas.
"Fiona.. okay ka lang? wala bang ginawa yung mga lalaking yon sayo?"
"Huh? Oo naman. Mababait kaya sila Kira.." Tapos may binulong siya pero hindi ko naintindihan.
"Girls~" Tawag ni silent. Lumapit samin yung F4. Nakita ko namang aalis si Kira kaya pinigilan ko siya.
"Wag kang umalis dito kundi itatapon ko yung Hiroshi mo sige ka." Sabi ko at pagkatapos eh nilingon ko na yung apat.
"May plano kami para dun sa ex mo Fiona." - Silent
"Ha? Umm. Sige." At pagkatapos eh ipinaliwanag na nila yung mga gagawin. After an hour...
"Okay ba sa'yo yun Fiona?"
"Umm. ano.. Oo sige.." Kahit labag sa kalooban ko eh um-oo nalang ako. Ang plano kasi nila eh ganito:
Kunyari magiging partner ni Inigo si Clyde Enriquez (yung ex ko) sa business niya. Pagkatapos ibabagsak ni Inigo yung business ni Clyde hanggang sa lumubog na ito sa utang. Kukupitan pa niya ito ng pera ng sa ganun eh ibalik yung perang ibinigay ko kay Clyde. At pagkatapos, yun na ang tagumpay ng paghihiganti ko.
Change Of POV ~ Kiraro Mishimura
Okay na sakin yung plano nung mga lalaking yun. Atleast makakaganti rin si Fiona sa panlolokong ginawa niya. May utak din pala 'to? Kala ko naman puro pagpapagwapp lang ang alam nilang gawin eh.
"Fiona, san ba nagttrabaho yun? At nang ma umpisahan na bukas ang plano?" - Silent
"Sa *toot* company incorporation." Tumungo si Fiona ng bahagya. Halatang hindi niya gusto yung plano.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is Sadako
RomanceMinsan sa buhay ko, 'di ko inaasahang may isang SADAKO---este Kiraro akong makikilala. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Half japanesse siya, minsan half-multo siya, half-mabait, half-weird, half-maganda, at ang madalas half-sadako. Lagi siyang n...