Chapter 2.1 ~ Ugly Kiraro!

89 6 1
                                    

Chapter 2.1 ~ Ugly Kiraro!

Inigo Kurt Cruz Point of View

Hay bwisit! Bakit ba kasi ako yung nautusang kunin yung Kiraro na yun eh. Bwisit talaga. (-___-)

Kung may pera lang talaga ako eh lilipat na ako ng tirahan eh kaso wala akong pera kaya tyaga tyaga muna ako.

Nandito na ako sa tapat ng room nung sadako na yun.

*tok* *tok*

*tok* *tok*

Takte! Anu ba naman?! Nakalock yung pinto? tapos wala pang nasagot sa pagkatok ko. Pakshet naman! Sinipa ko na yung pintuan. Asar eh. (-_____-)

Inilibot ko yung mata ko at nakita kong kinakausap lang ni sadako yung manika niyang... teka? O_____O Baliw ba siya o ano? Kinakausap niya yung skeleton na nakadisplay dun. Hanep.

"Hoy Kiraro, sumama ka sakin kung gusto mo pang makakita ng liwanag mamaya." Pananakot ko dito. Epektibo naman kasi napansin kong mas lalu niyang tinakluban yung mukha niya.

"Li..wanag?"Sabi niya. Humarap siya sa akin at pagkatapos eh.. Nag nosebleed. Baka mamaya niyan magdonate na ako ng dugo para sa kanya? Lagi nalang siyang ganyan. Pero okay narin. Atleast madali lang siyang bitbitin pababa.

Binuhat ko na siya at lumakad na ako pababa.

Forward»»»»

"Gigisingin pa ba natin yan?" Tanung ni Xyrus

"Malamang kung tulog yan eh paano natin maayusan? Tska tignan mo nga lugmok na lugmok. Yukong yuko ang ulo." Sagot ni Silent

Nagulat naman kami ng bigla siyang umayos mula sa pagkakayuko. Gising na yata siya?

"Ahhh! Li..wanag!" Pinasakan ko na nang bulak yung ilong niya. Alam kong magnonosebleed na naman yan eh. Tska bakit ba siya liwanag ng liwanag? Antanga niya talaga. Kahit nasa kwarto niya liwanag parin ng liwanag. Eh kung lagyan ko kaya ng bumbilya mukha nito? Tssss. (-____-)

"Simulan na ang make-over!" Sigaw ni Xyrus

Nung hahawakan na ni Xyrus ang buhok niya eh bigla itong nagwala. Nakakairita na ah!

"Anu bang problema mong babae ka?! Bakit ka ba ganyan?! Aayusan ka na nga namin chusy ka pa! Siguro panget ka kaya ayaw mong ipakita yang mukha mo noh?! Ugly Kiraro! Ugly Kiraro!! Ugly---"

"Inigo! Stop that!" Saway sakin ni Blue.

"Panget ka! Panget! Panget ka Kiraro---"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" Nagulat kami nung bigla niyang nasira sa yung lubid na nakapalibot sa kanya.

O_______________O

Tapos biglang kumidlat! Sadako nga talaga tong babaeng 'to.

"Wala kayong karapatan para sabihan ng panget ang isang taong katulad ko!" Bigla siyang tumakbo at umakyat sa kwarto niya ng napakabilis.

Kaming lahat dito? Nga nga.

Naiwang nakabuka ang mga bibig namin. Grabe. Ang lakas ng babaeng yun.

Change Of POV ~ Kiraro Mishimura

Umakyat ako ng mabilis sa taas. Nakakainis! Porket mga maliliwanag ang mukha nila! Wala na silang paki alam sa nararamdaman ng iba!

"Hiroshi. Pare-parehas lang silang mapanghusga." At niyakap ko na yung kaibigan kong si Hiroshi.

Pagkatapos ay umupo ako sa sahig. Napatingin ako sa bintana at?

Omayyyyy! Si Fiona! Basang basa sa ulan!

My Girlfriend Is SadakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon