Chapter 2.2 ~ Ugly Kiraro!
[Short chapter *u*]
Inigo Kurt Cruz POV
Nakakainis naman yung babaeng yun eh! -______- Nakakapagod nanng habulin ng habulin yung babaeng yun ah! Takte. Pagbaba ko..
"Uy Inigo!" Tawag sakin ni Silent. Hindi ko siya pinansin at nagtanong nalang ako.
"Nasan si Kiraro?" Masungit at naiiritang tanong ko sa kanila.
"Umm. Nandun yata" *turo sa kusina* Pumunta ako sa kusina at nakita ko siya doon na nagluluto. Dahan dahan lang akong lumapit sa kanya. Tinignan ko kung ano yung niluluto niya.
"Hrrrr.. Ang lalaking yon.. *chop* *chop* ang liwanag.. hrrrr. *chop*" Mukhang galit yata siya dun sa hinihiwa niyang karne?
Dahil nakakaboring yung aking nasasaksihan sa loob ng kusina eh dahan dahan din akong lumabas doon at umupo dun sa sala. Nakakapagod.
"Uy!" Sabay tapik sakin ni Silent.
*cough* *cough*
Anubayan inuubo na tuloy ako. Nabasa kasi ako ng ulan kanina. Nakakainis.
*cough* *cough*
"Oy Inigo? Okay ka lang?" Tanung ni Xyrus. Ewan ko? Parang feeling ko eh ang bigat ng pakiramdam ko. Para akong may lagnat eh.
Hinipo ni Xyrus yung leeg ko pati noo.
"Nilalagnat ka?" Sabi niya saken.
"Ewan." Sabay smirk sakanya. Hinipo niya ulit yung leeg ko at noo.
"Nilalagnat ka nga. Teka bibili lang ako ng gamot." Sabi niya. Umalis na siya para bumili ng gamot.
Aray. Headache attack. *cough* *cough*
"Pre, ayos ka lang? Tara sa kusina? Kumain ka muna para 'pag balik ni Xyrus eh mainom mo na yung gamot." - Silent
"Wala akong gana." Mahinang sabi ko sakanya. Naubos yung energy ko. Inakay ako ni Silent papuntang kusina. Haist. Sabing ayaw ko ngang kumain eh. Iniupo niya ko doon.. at ..
"Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo. Wag matigas ang ulo Inigo. Okay?" Utos sakin ni Blue. Hayy. Whatever. Kumuha na ako nung soup na nakalagay sa lamesa. Nung tinikman ko ito.. (*u*) Wow. Heaven! Ang sarap. Pagkatapos kong ubusin yun eh kumuha pa ulit ako.
"Nandito na ako!" Sigaw ni Xyrus kaya naman napunta sa kanya yung atensyon namin.
"Kain na dude." Sabi ni Blue kay Xyrus. Lumapit sa akin si Xyrus..
"Oh~" At inabot sa akin yung paper bag na may nakalagay na gamot.
"Salamat." Sabi ko sa kanya at ininom ko na yung gamot.
Aakyat na sana ako nang mapansin kong paakyat narin si Kiraro. Alam kong siya yung nagluto nung pagkain kanina kaya naman gusto kong magthabk you sa kanya. Ang sarap kasi ng luto niyang pagkain eh. Tska gusto ko din palang magsorry dahil tinawag ko siyang panget kanina.
"Kiraro!! Sandali lang!" Sigaw ko sa kanya pero imbis na huminto siya sa paglalakad eh tumakbo pa siya. (-_____-) Ang lakas din ng trip nitong babaeng to eh.
Change Of POV ~ Kiraro Mishimura
Kanina habang ilalagay na ako ni Inigo sa higaan ko eh napansin kong medyo mainit siya. Kaya naman tumakbo ako agad sa kusina kanina para magluto ng soup para sa kanya. Bakit kasi pumunta pa siya dun ng umuulan? Tanga rin eh.
Paakyat na ako sa hagdan ng bigla akong tinawag ni Inigo na siya namang ikinatakot ko kaya tumakbo agad ako. Ang liwanag kaya niya. Di ko kaya yung liwanag niya. -____- Masyadong masakit sa mata.
"Kiraro!! Sandali lang!" Sigaw niya sakin. Tumakbo ako ng mabilis. Mahirap na! Baka mamatay ako ng 'di oras sakanya.
Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at inilock ang pintuan nito. Niyakap ko si Hiroshi. Naku sana di niya mabuksan yung pinto.
Miya miya pa eh nakarinig ako ng malakas na kalabog at nung sulyapan ko ito eh bumungad sakin si Inigo at ang sirang pintuan. TT_________TT Omo! Ang pintuan ko! May design pa namang sticker na bungo yun. huhuhu.
Agad akong pumasok dun sa higaan ko at nagtago. Napansin ko namang nakatayo lang siya sa gilid ko. Miya miya pa eh narinig ko siyang nagbuntong hininga at..
"Kiraro.. Thank you dun sa soup na niluto mo.. Atska .. Ano.. eh .. ano.. Sorry kanina dahil nasabihan kitang panget.. Umm.. Ano.. Bye.." Yung sumilip ako eh nakita kong wala na siya. Napangiti naman ako sa sinabi niyang 'yon. Kahit papaano pala eh may kabutihan ding taglay 'tong Inigo na ito.
At pagkatapos ay natulog narin ako ng may ngiti sa labi.
"Good night Hiroshi, Josephine at Weyne." At tuluyan na nga akong natulog.
[A/N: Yeyyyyy! Natapos narin ang chapter 2 :) Sa wakas. Thanks po sa mga readers na patuloy paring binabasa ang MGIS. Pwede nyo po ba akong gawan ng drawing nitong MGIS? Pretty please? *u* Lovelots! Thanks po sa inyo! Lovetroops <3]

BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is Sadako
RomanceMinsan sa buhay ko, 'di ko inaasahang may isang SADAKO---este Kiraro akong makikilala. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Half japanesse siya, minsan half-multo siya, half-mabait, half-weird, half-maganda, at ang madalas half-sadako. Lagi siyang n...